utos na ito'y nan~gag galawan ang may dalawang pung lalaki na
pawang sandatahan, na nan~gakahanay sa dalawang panig n~g daan at
nagsitun~go sa bahay ni kapitang Ape, na sa m~ga sandalíng iyón ay
násabahay ni Moneng na kaniyang bibiyinanin.
Makaraan ang sandali'y nan~gakapasok ang ilán sa bahay na lolooban,
at nagsimula ang pagkakagulo, sapagka't ang m~ga alilang nabiglaanan
sa gayón ay walang ibáng ginawa liban sa tumakas; n~guni't hindi
nan~gakalayo ang m~ga nagulat na utusan, sa dahiláng sila'y nádakip
n~g m~ga na sa labás nang bahay, kaya't nagíng saksí siláng lahát sa
pag-uutos ng binatang nan~gan~gabayo na pagpapadin~gas n~g bahay,
nang makitang ang m~ga nagsipasok ay lumabás na may dalang
tigiisang balutan.
Pumasok ang isang naiwan sa labás at mayamaya'y nagsilakad n~g
lahát ang magkakasama sapagka't sa kadilimang hindi pa hinahawi n~g
kaliwanagan n~g sisikat na araw ay namukod ang puláng ibinugá n~g
nag-aalab na bahay.
Ang sigawan n~g ¡tulisán! at ¡sunog! ay nádin~gig halos sa lahat n~g
pook n~g bayan at ang m~ga justicia ay lumipana sa paghabol, sa may
dakong luwasan, sa m~ga tulisang nagtun~go sa hulo.
Alam na nating ang isá sa m~ga alila ang nagbalita kay kapitang Ape sa
nangyaring loob at alám din natin ang kinasapitan n~g matandang
ikakasal sana, kaya't ang sundan natin ay ang pan~gulo nang tulisan na
nan~gan~gabayo't dalá si Benita.
--N~gayon di'y dapat magsitun~gong lahat sa yun~gib at doon ko kayó
aantabayanan upang magawa ang lahát n~g kailan~gan--ang wika n~g
binata sa m~ga tulisan n~g sila'y malayólayo na sa bayan--Matandang
Patíng umangkas ka kung ibig mo, sapagka't kailan~gan kung dumating
kang aking kasabáy sa kinalalagyán n~g binatang binábantayan.
--Magpatakbo ka na po kahit hindi ako kaankás at pamumuntután
kitá--ang wika ni Patíng n~g maiabót sa isang kasama ang kaniyang
dalá.
--Kung gayo'y halina--anang binata at pinatakbó ang sinasakyang
kabayo na wari'y hindi nagiindáng kapagalan sa bigát na dalá.
* * * * *
Ang yun~gib n~g bundók S. Mateo ay tahimik at waláng gumagambalá
sa kaniyang kapanglawan liban sa ang lagaslás n~g m~ga san~gá at
dahon n~g kakáhuyan na pinagagalaw n~g simuy na malumanay n~g
han~gin sa paguumagá. Sino mang málalapít sa pook na iyón ay
magsasabing walá isá mang táo, n~guni't kung mamataan ang isáng
sulok n~g yun~gib ay makikita na may isáng nakapan~galunkót.
Waláng anó anó'y bigláng tumindig ang bantáy at waring may
pinakingán.
--Naritó na silá--ang sabi sa sarili n~g taong nagiisá sa kasukalang iyón
na waláng ibang dumadalaw liban sa m~ga hayop n~g kagubatan.
Hindi pa man halos natatapos ang kaniyang pagsasalitá ay siyang
pagdatíng n~g nan~gan~gabayo.
--Wala pong anó man--ang wika n~g dinatnán.
--Tulungan mo akó--anáng binata--at iniabót ang magandá niyang
dalahin na hindi pa pinagsasaulan n~g hinin~ga--ating ilagáy sa dati
kong tinutulugán.
Ang dalawa'y pumasok sa loob n~g yun~gib at n~g napapaloob na
nang mahigit sa dalawang pung dipá sa pintuan ay pinisíl n~g binata
ang isáng un~gós n~g bató.
Nakadin~gig n~g lagitík na wari'y gawa n~g isáng bagay na mabigát at
bigláng nabuksan ang malapad na batóng hindi mákikita n~g sino mang
hindi nakatataho n~g lihim na iyón.
Pumasok ang magkatuwang at inilapág n~g marahan ang dalaga sa
isáng hihigan.
--¿Ang iyong binabantayan?--ang tanóng sa kasama n~g pinuno ng
tulisán.
--Nakakatulog pa po sapagka't gabí na n~g magpahin~gá, sa dahilang
wari'y malakí ang han~gad na huwag na siyang umagahing buháy.
--Ipinainóm mo ang ibinigáy ko sa iyong tubig?
--Hindi po, dahil sa hindi kumain.
--Kung gayón ay magbalík ka na sa iyóng pagbabantay sa pinto at
bayaan mo akong mag-isá; patuluyín mo agad si Patíng.
Ang pan~galang sinambít ay naging wari isang tawag sapagka't siyang
pagdating n~g matandang tulisán, kaya't ang inuutusan ay bumalik na
lamang sa pinto n~g yun~gib.
--Mabuti n~ga't dumating ka; ating tingnán ang dating bilango.
--Malaon na pong hindi pinagsasaulan ito--ang wika ni Patíng n~g
makita si Benita.
--Bayaan mo't hindi iyán mágigising hangang hindi ko ibig: pinaamoy
ko n~g pangpatulog.
Masabi ang gayón ay tinun~go niláng dalawá ang sungki n~g isáng
bató at pumasok sa isáng puang na hindi mahahalata n~g isáng hindi
bihasa sa pook na iyón. Nang makapasok na't makapan~gabila sa bató
ay naglagay n~g takip sa mukha ang ating binata.
Ang pinasukan ay isang pook na nakukulong n~g bató at ang tan~ging
nilulusutan n~g han~gin ay isáng butas sa bubun~gán na may limáng
dipá ang taas. Isáng tinghóy na nakasabit n~g mataas ang tan~ging
tumatanglaw sa pook na iyón na kinalalagyan n~g isang bagong taong
bigláng nagulat at nágising dahil sa kaluskos n~g m~ga nagsipasok.
--Wala kayóng m~ga damdaming lalaki--ang wika n~g dinatnan, na
wari'y may talagang malaking kagalitan sa m~ga kaharap.
--Masasabi mo ang ibig sabihin at hindi ka namin papatulan; alám
mong sa gaya naming may pamumuhay n~g ganito ay walang
kabuluhan ang buhay; ikáw ay isang kaawaawang nagnanasang
magpatiwakal ¿at dahil sa anó?
--Sa dahiláng hindi kailan~gang matanto n~g ibá--anáng napipiit.
--Hindi n~ga kailan~gang matanto ng
Continue reading on your phone by scaning this QR Code
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.