Juan Masili o Ang pinuno ng tulisan | Page 7

Patricio Mariano
ibá, dátapwa't alám ko ang sanhi,
at dahil doo'y humadlang akó sa han~gad mong pagpapakamatáy. Ang
wika mo'y wala akong damdamin; námamali ka.
--Kung mayroon kang damdamin ¿anó't di mo payagang bigyán kong
hangán yaring pagkataong naubusan na n~g pag-asa? ¿Anó ang masakit
sa iyo kung ako'y mamatay ó mabuhay?
--¿Naubusan ka n~g pagasa? Alam ko, na dahil sa pagkamatáy n~g

iyong amá ay nagisá ka na sa mundó at lubos kang naghirap sapagka't
ang taong pinagkatiwalaan n~g magulang mo upang pasapitin sa iyong
kamay ang kayamanang pamana ay nagtaksil, at ninakaw ang salapíng
dapat sanang ibigáy sa iyó; hindi lamang iyón; sumapit ang isang
panahón na ikaw ay nápalulong sa pagirog at ang iyóng inibig ay
tinankang agawin n~g ...
--Hindi lamang tinanká--anáng bagong-taong kausap--kundi sa m~ga
sandaling ito'y nilalasap na marahil n~g matandáng mayaman sa
kandun~gan n~g aking giliw, ang tamís n~g kaligayahan. ¡Oh, kay
hirap n~g mahirap! Ikaw marahil ay inupahan n~g taksíl na umagaw sa
aking pagirog upang sumalansang sa aking han~gad at n~g maragdagan
pa ang talagáng kapaitan n~g pagkabatid na naglilo sa kaniyang
pan~gako ang babaying pinaglaanan n~g boong buhay. N~gayón ay
inaantáy kong ibalita mo sa akin kung naganáp na ang kasal ni Benita
kay kapitáng Ape.
Ang pinuno n~g tulisán ay napan~giti sa salitáng iyón n~g kaharáp.
--Hindi ka ba nananan~gan sa Dios?
--Waláng Dios ang mahirap--ang tugón n~g may nasang magpatiwakal.
--¿Hindi ka na umaasa sa pagibig n~g iyong sintá?
--¿May pagibig bagang maaasahan sa katawang waláng puso?
--¿Hindi ka naniniwalang may kabihisang lan~git ang naghihirap?
--Hindi, sapagka't ang langit ay bukás lamang sa m~ga may pilak.
--¡Taong walang panalig! Sumunod ka sa akin at n~g matantó mong
ikaw ay nagkamali sa lahát n~g iyóng hinaka.
--Sukat na--ang tugón n~g bilango--kung papayagan mong ako'y
magpatiwakal ay susunod akó sa iyó, n~guni't kung hindi, ay bayaan
mo na akong magpakamatay dito sa gutom.
--Siya, ikaw ang bahala--anáng pinuno n~g tulisan--kung ibig mo ang

magpakamatay ay gawin mo, n~guni't sumama ka sa akin.
--Kung gayón ay oo.--ang sagót nang bilango at tumindig sa kinauupan.
Kinalág ni Pating ang tanikalang nakapipigil sa binata at ito'y sumunód
sa pinuno n~g tulisán na tumun~go sa kinalalagyan ni Benita.
--Ibig mo ang magbigtí--anyá sa bagong kawalá--n~gayo'y tinutulutan
na kitá, n~guni't sa tabí ng babaying iyan ka dapat magpakamatáy
sapagka't siya man ay nagnasa ring magpatiwakal n~g dahil sa iyó.
Ang binata'y nápaluhod sa piling ng dalaga't biglang nápasigaw nang:
--¡Benita! ¡Aking irog! ¡Oh, patáy!--anyá n~g mákitang hindi
kumikilos.
--Hindi--anang tulisán--natutulog lamang.
Masabi ang gayón ay winiligán n~g kaunting tubig ang mukha n~g
dalaga at itó nama'y nágising.
--¿Saan ako naroroon?--aniya.
--¡Itang!--anang binata.
--¡Enrique!--ani Benita n~g makilala ang kaharap--¡Aking buhay!
--¡Aking irog!
Ang dalawang dibdib na naghirap ay nan~gagpahin~galay sa isang
mahigpit na yakap.
--Hindi ka ba nagpatiwakal?--ang tanong ni Benita sa kaniyang giliw.
--Hindi ka ba nápakasal?--anang binata.
--Hindi--ang sagot n~g tulisán--sapagka't humadlang ako, upang
sumapit ang sandaling itó, na ikagaganti ko sa isang malaking utang.
Ako ang sumulat kay Benita, ako ang nagpapadalá sa iyó Enrique n~g

salaping hindi mo matalós kung saan nangagaling niyóng ikaw ay
nasasalát, ako ang sumalansang sa pagpapatiwakál mo, akó ang
numakaw kay Benita bago sumapit ang oras na pag-inóm niyá n~g
lason, at sa isang sabi, ako ang nagnakaw n~g kayamanan ni kapitang
Ape.
--At sino ang makagagawa n~g gayón?--ang halos panaba'y na tanóng
n~g dalawa.
--Si Juan Masili--anang tulisán at inalis ang takip n~g mukha.
--¡Si Pedro!--ang wika ni Enrique.
--Oo n~ga: akó ang Pedro mong kaibigan at kapatid na inampón n~g
iyong magulang niyong magisá na sa mundó, n~guni't sa bundók ay
ako ang Juan Masili.
Nang kinabukasan ay tumangap si tinintíng Moneng n~g isang lihim na
pabalita na ang kaniyang anak na dalaga ay na sa Colegio n~g
Concordia at doon mangagaling bago ikasal kay Enrique Manapát na
siyang tunay na iniibig.
* * * * *

Nakaraan ang dalawang buwan.
Ang panahong ito'y ginugol n~g m~ga civil sa paghanap sa «Hari n~g
m~ga tulisán»; n~guni't n~g walang mangyari sa kanilang paghabol ay
humuli na lamang n~g apat na taong bukid at siyang pinaratan~gan na
nangloob kay kapitáng Ape. Ilang cruz del mérito militar ang naging
pinakagantí sa pagkakahuling iyón.
Dátapuwa't ang sundán natin ay si tinintíng Moneng na n~g araw na
iyón ay lumuwas sa Maynila.
¿Anó ang dahilán n~g gayón?

Kung ating unawain ang lihim na kagalakáng nalalarawan sa mukha
n~g ating matanda na nagbago na n~g asal mula n~g araw na hindi
natuloy ang kasal n~g kaniyang anák na si Benita kay kapitáng Ape, ay
makikilala natin na ang kasayahang iyón ay galing sa pagkabatid na
ang bugtóng na bunso ay ikakasal kinabukasan sa tunay na iniibig.
Nang kinabukasan n~g pagdating ni tinintí sa Maynila ay ikinasal si
Benita at si Enrique sa Simbahan n~g Kiapo.
* * * * *
Ang naganák sa m~ga ikinasal ay
Continue reading on your phone by scaning this QR Code

 / 11
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.