n~g binibini ang nasang
pagpapatiwakal.
--Lalong mabuti--ang wika sa sarili n~g pan~gahas na pumasok sa
durun~gawan, na dili iba't ang binatang tinawag na kapitán ni
matandáng Patíng.--Lalong mabuti ang ganitó at waláng sagabal sa
pagdadalá.
Nang matapos na masulatan ang kaputol na papel na iniwan sa ibabaw
n~g altar ay kinandóng ang katawán n~g nábulagtang dalaga at inilabás
sa durun~gawan.
Iwan natin siya na dalá ang mayamang pasán at ang ipatuloy ay ang
pagsasalaysay n~g nangyayari sa kabahayán.
* * * * *
Tumugtog ang ika apat at kalahati at ang m~ga gawain ay lalong nag
úlol sapagka't nagdatin~gan na ang novio at ilang panaohin.
Isa't isa'y nagaalay n~g maligayang bati sa matandáng mapalad na
magaari sa kagandahan ni Benita.
Si matandáng Moneng ay hindi magkasiya sa katuwaan; at n~g
masalubong ang m~ga hulíng dumating ay lumapit sa pinto n~g silíd at
tumugtóg dahil oras na n~g pagbibihis n~g ikakasal.
Kinatóg ang pintuan, n~guni't waláng sumagot; kinatóg na muli at
gayón din.
--Baka po nákakatulog pa.--aní kapitang Ape, na dili iba't siyang
magiging asawa.
--Inyó pong tawagan--ang payo naman n~g isá.
--¡Benita! ¡Benita!--anáng amá na kasabay ang katóg.
Wala ring tumútugon sa loob.
--¡Benita! ang halos sigáw ni tininting Moneng na may munti n~g galit
dahil sa baka uulitin na namán n~g kaniyang anák ang pagpapahayag
n~g hindi pagsang-ayon sa kasalang iyón.
Wala n~g oras na ipagaantay, sapagka't magliliwanág na at ang pari
marahil ay nakahanda na rin.
--¡Benita!--ang sigáw n~g amáng nagagalit at bigláng itinulak ang
pintong nakalapat.
Nasira ang cerradura at ang dalawáng dahon n~g pinto ay nábukas.
Ang lahát ay nagitlá, n~guni't ang pagkamangha ay nagtalo n~g
matanaw na waláng tao ang silíd.
Lahat ay patakbóng pumasok sa pook na iyon dátapwa't walang
natagpuan kundi isang botellitang may tatak na arsênico at ang
dalawang sulat na kilalá na n~g bumabasa ang lamán n~g isá, sapagka't
siyang sinulat ni Benita bago nagtankang magpakamatay, at ang isá
namán ay ganito ang nasusulat:
«Sa lakás n~g pilak ay mayroon pang dumádaig; ang lakás n~g
lakás.==Juan Masili».
--¡Juan Masili! Ang hari n~g m~ga tulisán--ang bulóng na bumukal sa
lahat n~g bibíg.
Marahil ay nan~gapahinto n~g malaon ang m~ga nároon kundi siyang
pakadin~gig n~g isang sigawang galing sa daan.
--¡Sunog! ¡sunog!--anáng m~ga taong na sa lansan~gan.
Nagkaguló at nagpanakbuhan ang lahat, dátapwa't isang alilang
humahaman~gos at halos wala n~g hinin~gá, dahil sa pagtakbó, ang
lalong nagpalala n~g gitlá.
--Kapitang Ape, kapitang Ape--ang sigáw n~g bagong dating--ang
bahay mo po'y nilooban n~g tulisán pagkaalis mo at pagkatapos ay
sinunog; ang pinakapan~gulo po n~g nangloob na nakakabayó ay may
kandóng na isang babaying diwa'y dalagang ikakasal dahil sa
kagayakan.
Si tininting Moneng ay nalugmók sa isang uupan at si kapitang Ape ay
kumutkot n~g takbó na patun~go sa kaniyang bahay. Wala siyang
dinatnan kundi ang pagkabatid n~g katunayan n~g kaniyang kasawian
at wala siyang nátanaw kundi ang pagaalab na n~g may kalahati n~g
dati niyang magandáng tahanan.
--Umakyát kayó--ang sigáw n~g matanda sa m~ga taong
nan~gagsisitakbó--umakyat kayó at maraming salapi sa cajón n~g
aparador.
N~guni't ¿sino ang man~gan~gahas na pumasok sa isang bahay na ang
kalahati ay nagaalab? kaya't n~g waláng makin~gíg ay siya ang
pumasok.
Sandali lamang at nakita sa kabahayan, n~g m~ga nasa daan, ang anino
n~g pumasok, at pagkatapos ay isang ¡oh! ang bumukal sa lahat n~g
bibíg.
Siyang pagbagsák n~g bahay na nagdidin~gas.
* * * * *
Nang kinabukasan ay nakita sa buntón n~g abó ang katawáng tupók
n~g mayamang kapitán.
Nang kinabukasang iyón ay dapat sanang siya'y sumásaligaya, kung
matatawag na kaligayahan din ang magpasasa sa kagandahan n~g isang
babaying napilit lamang.
¡Kay daling humalay n~g kapalaran at kay daling magbago n~g kulay
n~g isang pag-asa!
* * * * *
N~guni't ¿saan napatun~go si Benita?
Itó ang alamín natin.
--Lalong mabuti--ang wika n~g binatang tulisan n~g mákita na ang
dalaga'y nawalán n~g diwa, at masabi ang gayo'y kinandong at inilabás
sa bintana.
Apat na lalaking kasama ni Patíng ang sumaló sa pan~gahás na kapitan
at matapos na makasakay sa kabayo ay sinapupo ang binibini.
--N~gayon Patíng--ang wika n~g kapitan sa kaniyang matandáng
kabig--ay dapat mo nang sundín ang pan~galawang bahagi n~g aking
m~ga utos at nasa kong tanglawan n~g isang sulóng malaki ang aking
pagdadaanang lansan~gan sa pagdadalá nitong mayamang pasanin.
Ang salitaang ito'y nangyari sa dakong likuran n~g bahay ni tininting
Moneng n~g kasalukuyang nagdadatin~gan ang man~ga unang daló na
kasabay ang noviong si matandang Ape. Matapos ang salitá nang binata
ay pinalakad na ang m~ga kausap; siya'y lumiko sa isang daán na
patun~go sa bahay n~g kapitáng ikakasal, na, sapupo ang babaying
walang malay-tao at nang nálalapit na sa tinurang bahay ay nag-utos sa
m~ga taong nakita roon, na pawa niyang kampon.
--Kunin ninyo ang lahát ng madadalá--ang wika niya--at aantabayanan
ko ang paglalagabláb nang sulóng tatanglaw sa aking lalakaran,
sapagka't diwa'y tinamád n~gayón sa pagsikat ang araw.
Sa
Continue reading on your phone by scaning this QR Code
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.