Juan Masili o Ang pinuno ng tulisan | Page 4

Patricio Mariano
na't pababalikin sa kaniyang bahay na may
kaakbáy pang magsasangaláng sa paglakad hangang sa makaratíng sa
kanila. Kung gayón ay ¿bakit pa nagbabayó at nagsasaing kung hindi
din lamang kakanin?
-¡Ah ...matanda kong Patíng! ¿Nalalaman mo bagá kung bakit ako
nangbibihag n~g m~ga binibining anák n~g mayayaman? Upang

malasap n~g m~ga mayayamang iyán ang pait n~g magdamdam n~g
dahil sa kapurihán. Lahat n~g makaalam n~g pagkabihag sa isáng
binibini'y magsasapantaha na hindi na dapat asahang mauuwi na taglay
ang linis na dating kipkip, kahit tunay na alám mong kung sakali't may
dalagang nagluwat n~g apat na araw sa ating yun~gib ay hindi dahil sa
ating pinipiit ó dahil sa ikinahihiya niya ang mabalik sa sariling
tahanan, sapagka't wala na ang kaniyang kalinisan, kundi dahil sa
talagang nasa lamang n~g may katawan ang lumagi pa n~g isang araw
sa ating tahanan.
--¡Oh! hindi mo lamang po batid kapitan ang sanhi ng ipinagkakagayón.
Tunay at sila'y ating iginagalang at waláng makapan~gahás na
umaglahi man lamang dahil sa pan~gin~gilag sa inyó, n~guni't ang
gayón ay ¿makapipigil kaya na ikaw ay ibigin n~g dalagang nabihagan
n~g puso? at itó ang sanhi n~g kanilang hindi pagbalik na kusa sa
sariling tahanan; at kung hindi dahil sa n~galang pagirog ¿mangyayari
pa kayáng tayo'y makatahán sa yun~gib na iyón sa karamihan n~g
dalagang nakaaalam, sa dahiláng hindi naman natin tinatakpan ang
m~ga mata kung pauwiin? ¿At anó ang sanhi n~g pagkaalam natin n~g
m~ga nangyayari sa bayanbayan sa pamagitan n~g m~ga Ichay,
Marcela, Juana, Ción at ibá pa? Hindi mo lamang alám ginoong capitán
na ang m~ga binibining ating pinawawalan ay piit din kahit na mábalik
sa kanilang tahanan. Itóng sasalakayin natin n~gayon ay ¿isá rin
kayang titinagin at pagkatapos ay pauuwiin?
--Hindi. Itóng sa n~gayón ay hindi bibihagin kundi ililigtás sa m~ga
kamay n~g ganid na magulang na pinipilit ang anák na pakasal sa hindi
iniirog, n~g dahil lamang sa paglin~gap sa yaman n~g magiging
manugang.
--¿Ay ano po ang mayroon sa atin sakaling mangyari man ang gayón?
--Wala n~ga kung sa bagay, n~guni't ibig kong ipabatid sa m~ga
masasakím na iyán na kung siláng m~ga tulisáng bayan ay may
kalakasang makapawi n~g isang damdaming tinataglay sa puso n~g
isang umiibig ay may tulisáng bundók namáng may lalo pang lakás
upang makapagsangalang sa m~ga naaapi't nalulúpigan. Ang binatáng
magbibigtí sana kung hindi natin nátagpuan, at nákukulong n~gayon sa

ating yun~gíb ay siyang iniibig n~g binibining ating aagawin.
--¡Ah!...
--¿Alám mo kung sino ang bagongtaong iyón at kung bakit iniwasan ko
ang ako'y kaniyang mákilala? Iyón ang dati kong kasamahan sa
pagaaral; iyón ang anák n~g maawaing nagampón sa akin.
--¡Oh!
--N~gayo'y kapanahunang dapat kong bayaran sa kaniya ang malakí
kong utang na loob.
--Kapitan--ang bigláng putol n~g matanda na napatin~gin sa dakong
Silan~gan--tila oras na, sapagka't ang talang bakero ay nakasipót na sa
Silan~ganan at ang ating m~ga kasama marahil ay nan~gagaantay.
--Tunay.
Nang masabi ang gayon ay nagtindíg ang dalawá sa pagkakaupo at
nan~gagsilakad na tinun~go ang bayan.
* * * * *
Wala pang ika apat n~g magmamadaling araw.
Sa bahay ni tininting Moneng ay malakí ang kaguluhan; ang m~ga
bataan ay hindi halos magkamayaw sa pagmamadalian, sa pagaayos,
dahil sa n~g araw na iyón ikakasal ang anák na dalaga n~g mayamang
matanda at ang magiging asawa kahit kasingulang n~g amá ay siya
namáng pinakapan~gulo sa yaman sa bayang iyón. ¿Papanong hindi
malakí ang handa at marami ang magsisidaló?
N~guni't sa gitna n~g kaguluhang iyón, ang tan~ging tahimik ay ang
silíd na kinalalagyan n~g dalagang ikakasal.
¿Nalutulog pa kaya?
Itó ang ating alamin.

Sa silid ay walang tao kundi si Benita lamang at siya'y nakaluhód sa
harap n~g isáng larawan n~g Iná n~g Dios, at doo'y nanálan~ging
kasabay ang isang timpíng panaghóy.
Makaraan ang sandali ay nagtindig at tinanaw ang isang orasang na sa
tapát n~g pintuan.
--¡Sandali na lamang!--aniyá at nalugmók sa isáng uupán--Sandali na
lamang at ang mapaít na taning ay matutupád na. ¡Ay iná ko! Kung
ikáw ay buháy ay hindi ko disin sasapitin ang magkáganito na
mápapakasal sa isang taong kinasusuklaman.
Masabi ang gayón ay lumapit sa isang mesa na kinapapatun~gan n~g
isang botellítang may lamán, isang tintero, pluma at papel.
Umupo sa piling n~g dulang at itinitik sa kaharap na papel ang
ganitong talata:
«Huwag ninyong sisihin ang sino man n~g dahil sa aking pagkamatay,
sa pagka't waláng may kagagawán kundi akong mag-isá lamang.
«Hindi ko maamín ang mápakasal sa taong kinasusuklaman.
«¡Ay Enrique!
«Sa kabilang buhay na kitá mag-isáng puso. «Benita».
Matapos maisulat ang gayón ay sinungabán n~g nan~gin~ginig niyang
kamáy ang botellítang may lason.
N~guni't n~g nasasabibig na ang labi n~g botella ay may nadin~gig na
kaluskos sa nakalapat na durun~gawan at ito'y nabuksán upang
makaraan ang katawan n~g isang binata.
--¡Oh!--aní Benita at waring tatakbó n~gunit natigilan, at sa pagkagulat
ay nawalán n~g diwa.
Sandali na lamang sana't natupad
Continue reading on your phone by scaning this QR Code

 / 11
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.