ay may tutulong man lamang at makaaalaalang siya'y lapitan. ?S��s ... aywan ko n~ga ba!--at sabay sa m~ga huling pan~gun~gusap na ito ay nangdudura pa man din.
Wala na; para sa mahinang puso ni Gervasio, ang ano mang pan~gan~gatwiran ay di na maibuka sa bibig.
Marinig sa bibig n~g asawa niya ang isang pagsisi sa kanyang ginawa at ginagawa sa kapakinaban~gan n~g marami, bakit ay naisurot pa nito na kung ano at kung bakit hahalohalo sa m~ga "chismes," ay doon na pinanglupaypay na lalo ang kanyang marupok na puso sa har��p n~g m~ga nakahahalinang amuki ni Pablo.
Kaya't pagkalipas n~g ilang sandali ay napilitang magsalita.
--?Paano ang iba kong kasamahan?
--?Ang iba mong kasamahan?--ang wari'y sagot na tanong din ni Pablo.--?Bakit mo sila _iintindihin_? ?Di bayaan mo sila! Ang bawa't isa ay dapat humanap n~g kanyang sariling kagalin~gan; kanikanyang hanap at pagsisikap ...
--?At ang aming sumpaan? ?At ang aming ...?
--Walin mong kabuluhan--ang sal�� agad ni Pablo.
--Aywan ko sa taong it��--ang sabad na naman n~g babai--tila ibig mag Kristong papako sa krus sa kagalin~gan n~g marami at ibig yatang matawag na manunubos.
--Siya n~ga naman--ang sambot pa ni Pablo--isipisipin mong mabuti. Ang iniaamuki ko sa iyo ay kagalin~gan mong sarili at n~g iyong pamilya. ?Siya na iyang mak��makabayan!
At si Gervasio ay pilit na sumuko; sa har��p n~g dalawang tuks�� ay wala na siyang magagawa. At saka naaalaala n~ga rin niya ang gipit nilang kalagayan sa pamumuhay, sa gitna n~g malawak na dagat n~g buhay at sa gitna n~g naglalakihang daluyong n~g kasaliwaang palad.
At siya, si Gervasio, ay walang t��pang na makahaharap sa malalaking pagbabaka maging ang pagbabakang ito ay magbun~ga sa huli n~g tagumpay n~g isang dakilang simulain at kalasapan n~g di gaanong kagalin~gan n~g marami.
_Maligtas lamang ang sarili ay mamatay na ang lahat._ Ito, ang simulaing naghari at pinapaghari ni Gervasio sa kanyang puso; kaya't sa wak��s ay sinabi n~g boong sigl��.
--Ako ay uma��yon.
At ang pan~gulong Gervasio, mula sa m~ga sandaling yaon na bigkasin niya ang pag-ayon, ay isa na sa maraming taksil na naglipana sa Pilipinas.
--Kung gayon,--ang may malaking kagalakang sabi ni Pablo--b��kas n~g h��pon ay sasama ka na sa akin. Tayo ay gagawa nang kasama n~g ilan pang manggagawa na kinuha ko sa ibang pagawaan.
--Huwag; huwag muna. Kailan~gan nating hikayatin si Mauro.
--Siya n~ga; lalong mabuti kung pati na siya ay makasama natin.
--Inaasahan ko rin, na gayon ang mangyayari. Siya nama'y dukha ring kamukha ko ... wala rin siyang itatagal sa malaong aklasan.
--Kung gayon, bukas na n~g hapon tayo pumaroon, at sa hapon ko na rin dadalhin sa Pagawaan ang m~ga magsisigawa, at pagkapanggaling ko roon ay saka na tayo magkita. Sa gabi na tayo pumaro��n.
--Lalong mabuti n~ga--ang tugon ni Gervasio--kita'y hihintayin.
--O��, darating akong walang sala.
At noon din si Pablo ay nagpaalam.
Nariyan ang dahil, kung kaya't si Gervasio, sa po��k na pinagtitipunan n~g m~ga nagsiakl��s ay di man lamang nakita.
=VI=
Sa har��p n~g kanyang susulat��n, si Mauro ay payapang nakaupo kinagabihan din n~g araw ring yaong ipinaghiwahiwalay nilang magkakasama.
Nakapatong sa ibabaw n~g lamesa ang dalawang bisig at sa m~ga palad ay nakakatang naman ang dalawang pisn~gi.
Malungkot ang kanyang anyo; at sa pagmumukha ay nababak��s ang isang napakalaking damdaming kinakabaka n~g puso, damdaming nakapagpapapul��s sa dibdib n~g malalalim na buntonghinin~ga.
Sadyang nang m~ga sandaling yaon, ay may isang malaking suliraning pinagaaralan ...
Kinukuro at dinuduklay sa isip ang sanhi at kung bakit may m~ga manggagawang sa kilusang tun~go sa pagtatanggol n~g karapatan na pinagsisikapang itaguyod n~g iba nilang kamanggagawa ay nagkakat��pang na siyang sumira sa kilus��n sa pamamagitan n~g pagtataksil.
Hindi niya lubos maisip ang sanhi n~g kung bakit samantalang ang ilang magigiting na kawal n~g pawis ay nagpapakas��kit sa pagtataguyod n~g aping karapatan n~g m~ga manggagawa upang pagkatapos ay kilalanin n~g m~ga mapaniil na puhunan, ay marami rin naman sa m~ga manggagawa ang walang sinasamantala kundi ang gayong m~ga kilusan upang makasunod sa masamang nasa at kinamihasnan n~g puso na pagpapasasa sa m~ga tungkulin at gawain n~g m~ga nagsisiakl��s, sa kapakinaban~gan at kagalin~gan nilang sarili.
Lumuluha ang kanyang puso. At nagdaramdam sampu n~g kanyang kaluluwa, sa m~ga katiwaliang namamalas.
Hindi miminsan, at sa gayon niyang pagbubulaybulay, ay ikapit ang malaki at lalong mabibigat na pagsisi, do��n sa m~ga unang humawak n~g kapalaran n~g m~ga manggagawang pilipino at sa ilang humahawak pa rin at nagsisipagtaguyod kunwa sa mga an��k-pawis, bago'y ang kadalasang mangyari ay sila na rin ang unaunang nagbibili at kumakalakal sa m~ga it�� sa maraming kilusang nangyari.
At lalong malaki at napakalaking sala ang ibinibigay niya sa har��p n~g m~ga napapariwarang kilusan n~g m~ga an��k-pawis, sa m~ga nagbabansag na tagapagtanggol n~g malalayang karapatan n~g m~ga manggagawa at sa m~ga nagkukunwaring uma��kay sa m~ga ito, sa landas n~g pagkakais��, sapagka't maliwanag na nakikita at nadadam�� sa m~ga pangyayari, na, marami pa ang panahong ginugugol nila sa pagpapalaganap n~g isang lihim na pagiimb��t sa isang tungkuling inaadhika, kay sa panahong dapat gugulin sa pagiisip at paghanap n~g wastong paraan, upang ang marami at
Continue reading on your phone by scaning this QR Code
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.