Isa Pang Bayani | Page 7

Juan L. Arsciwals
marami.
Subali't ... ?bigong pagasa! at ?sayang na paghihintay!
Sapagka't sa kinahapunan no��n, si Pablo ay boong t��pang na pumasok sa maluwang na pinto n~g Pagawaan, na kasama n~g may labing is�� pa, buhat sa ibang ginagawan.
?Labing-isang manggagawa sila na nahikayat n~g makamandag na dila ni Pablo!
?Labing-isang bibig na may kinakain na ang umagaw pa sa dapat kanin n~g ib��!
?Oh! Ang m~ga gahamang ito ay siyang dapat manag��t sa napakaraming aklasang natalo sa Pilipinas, at sa libolibong bibig na walang makain n~g m~ga asawa't an��k n~g nagsisiakl��s.
?Lubha n~gang kanaisnais na ang m~ga ito'y mawala at malipol agad!
Simula n~ga sa hapong yaon, ang Pagawaan ay untiunti nang nagkakaroon n~g buhay, at wala pang isang linggo, ang datihang linggal at manak��nakang pukpukan at tawanan ay naririnig.
At samantala'y ...
?Ang m~ga kahabaghabag na nagsiakl��s ay lalong nagsisipagtiis!
Sa m~ga mukha nila ay nababak��s ang isang malaking po��t, nab��badha sa pawisang no�� n~g bawa't is��, ang pagkasuklam sa m~ga gahaman at taksil na yaon na siyang sumira sa magiting na kilusan nilang m~ga nagsiakl��s.
Di miminsan, at sa init n~g nagpupuyos nilang loob, ay balakin n~g ilan ang maghiganti; parusahan ang isa �� ilan man sa m~ga taksil na ya��n.
Datapwa't ang lahat nang it��, ang lahat nang balak at naiisip gawin, ay napipigilan, sanhi sa m~ga pan~gun~gusap at hatol na ibinibigay ni Mauro.
Sa pamamagitan n~g maaayos at maliliwanag na pagmamatwid ay nakukuhang payapain ni Mauro ang mapupusok na kalooban n~g kanyang m~ga kasama sa har��p n~g namamalas na nalalapit na pagkabigo n~g aklasan.
--Huwag--anya--huwag. Huwag nating isipin n~gayon ang pagpapad��nak n~g kahi't iisang patak na dugo n~g ating m~ga kapatid din; hindi natin kailan~gan, at kailan~gan man natin ang gayon, ay hindi natin magagawa nang may kapakinaban~gan tayong tatamuhin. ?Para sa m~ga manggagawang pilipino, ang araw na iyan ay hindi pa dumarating; hindi pa n~ga, at lubhang napakalayo pa! Kung magkaminsan n~ga ay kinakailan~gan din ang pagpapadanak n~g dugo upang maipakilala sa m~ga taksil, ang kasamaang ibinubun~ga n~g kanilang m~ga gawain at ang kahiduwaang pumapatay sa magagandang simulain, sa pamamagitan n~g kanilang m~ga inaasal; datapwa't ang gayon ay ginagawa at nagagawa lamang sang-ayon sa m~ga pagkakataon, at sang-ayon sa uri at hugis n~g sosyalismong umiiral at nalalaman �� kinikilala at pinamamantun~ganan n~g m~ga manggagawang gagamit n~g gayong sandata ... Kayo na ang magsabi. ?Ano ang kapakinaban~gang mahihintay natin pagkatapos n~g pagpapadanak n~g dugo? Wala, kundi maghari ang lak��s n~g m~ga bat��s sa ibabaw n~g sawing-palad na tumupad sa atas n~g isang dakilang mithi ... at pagkatapos, ay maging dahil pa n~g m~ga pagpula sa gumawa; maging sadlakan n~g paguy��m at tagurian pa n~g mamamatay, unang-una na noong m~ga makikinabang sa huli sa mabuting bun~ga n~g gayong pagpat��y. Makikita rin natin, na ang magiting na ito, ay bukod sa di na kahahabagan man lamang sa kinasapitang palad ay aalimurahin pa; itatakwil at pawawalang kabuluhan sa har��p man n~g marami. Kaya n~ga m~ga kapatid; ?saka n��! ?Saka n��, kung makilala n~g m~ga manggagawang pilipino ang tunay niyang karapatan!
Ang ganitong pan~gan~gatwiran ni Mauro ay siya lamang ikinapayapa at ikinalamig ng puso n~g m~ga kasama.
At ... ang lahat ay naghiwahiwalay ...

=V=
At ... ?si Gervasio ay saan naroron? ?Ano't sa m~ga huling pangyayari ay di man lamang nakita gayong siya ang pan~gulo...?
Alamin natin.
Gaya nang nalalaman natin, si Pablo, nang makalabas sa pintuan n~g pagawaan, ay nagisip n~g m~ga paraang gagamitin sa paghimok kay Gervasio, upang ito ay magbalik sa Pagawaan. Sa gabi rin n~g araw na yaong makausap siya n~g may Pagawaan ay nagsadya na siya sa bahay n~g hihikayatin, at taglay sa puso ang malaking pagasa sa tagumpay ay walang kimi ni pagaalinlan~gan ipinabatid kay Gervasio ang kanyang layon, sa pamamagitan n~g m~ga tiyakang pan~gun~gusap at hindi maligoy na pagsasalaysay. Sinabi ang pagkakapatawag sa kanya n~g Tagapamahala n~g Pagawaan, at gayon din ang m~ga pan~gakong ibinigay at n~g sampung pisong kaloob.
Si Gervasio, sa har��p n~g gayong salaysay at panghihikayat ni Pablo, ay natilihan muna at di agad nakasag��t; pinagbulaybulay sa isip niya ang m~ga pangyayari at dapat pang mangyari sakali't tanggapin ang amuki n~g kaibigang humihikayat.
Nang mamalas ni Pablo ang gayong di pagtugon n~g kanyang kausap ay nagpatuloy:
--Tingnan mo--anya--?ano ang mapapala mo sakali't magpatuloy ka sa kalagayang taglay mo n~gayon? ?Inaasahan mo baga, na kayo'y magtatagumpay sa aklasan? Inaakala kong hindi, at nasabi ko na n~ga sa iyo ang sinabi sa akin n~g Tagapamahala sa Pagawaan. Titikisin daw niya at susubukan kung hanggang saan aabot ang inyong lak��s. At tan~gi sa rito, ?ano't makikiloko ka sa kanila? ?Kung wala ka pa bang makain at sampu n~g iyong pamilya ay mayroong magbibigay sa iyo?
--Iyan din n~ga ba ang sinasabi ko sa taong iyan--ang halos ay nangdididilat ang mata n~g asawa ni Gervasiong humalo sa salitaan--sa hirap naming ito ay hindi ko n~ga malaman sa taong iyan kung ano't hahalohalo sa m~ga kaululan at "chismes;" tila baga kung napipisanan na siya at sampu n~g kanyang pamilya
Continue reading on your phone by scaning this QR Code

 / 18
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.