m~ga "material" na gagamitin, at sa gayo'y kikita ka n~g higit sa lahat, higit sa dating kaupahang ibinibigay dito at higit pa rin sa kinikita mo sa kasalukuyang ginagaw��n mo. ?An��, nanayag ka ba?
Si Pablo ay hindi magkantututo n~g isa-sagot; napipigilan siyang umayon, hindi sapagka't ang "conciencia" niya ang tumututol, kundi sa takot sa m~ga nagsiakl��s.
Hindi naman niya matanggihan ang gayong pagaal��k, sapagka't naiisip niya na yaon ay isang magandang pagkakataon na dapat niyang samantalahin upang ikita n~g malaki.
Uulik-ulik ang kanyang isip at walang malamang isag��t; kaya't nang mamalas n~g m~ga kaharap ang gayon niyang pagaatubili ay nagkindatan muna at pagkatapos na sumun~gaw sa kanilang m~ga labi ang isang n~giti ay winika n~g Tagapamahala.
--An�� ang iyong sag��t?
At si Pablo, sa tan��ng na it�� ay parang nabuhayan n~g loob; kaya't ang tug��n:
--Ako po'y pumapayag; n~guni't nag-aalaala po ako na baka ...
--Huwag kang matakot ... Ikaw ay hindi maaano ... Tatangkilikin ka n~g Pagawaan sa pamamagitan n~g m~ga bat��s ... Upang matangkilik ka at gayon din ang ibang kasamahan mong dadalhin dito ay magpapadala kami rito n~g ilang pulis na tatanod.
--Kung gayon po'y ...
--Asahan mo--ang hadlang n~g kausap. Huwag kang matakot; gawin mo ang lahat nang magagawa upang sa loob n~g linggong ito ay makapagpasimula na kayo.
--Ang naiisip ko po ay si Gervasio ang unang hikayatin, yayamang siya po ang nan~gun~gulo sa kilus��n; at inaasahan ko po, na kung ito ang makukuha natin ay lalong madadali ang pagsunod n~g iba.
--Ikaw ang masusunod; at lalong mabuti, kung mahimok mo siya ... Ipan~gako mo rin ang m~ga bagay na ipinan~gako namin sa iyo.
--Ako na po ang bahala--at sabay na nagtindig sa kinauup��n at pagkatapos ay ang patuloy:--Ako po'y aalis na.
--O��--ang tugon n~g Tagapamahala, at pagkatapos na makadukot sa buls��, ay ang patuloy:--Tanggapin mo ito, upang may magugol ka man lamang sa m~ga pagyayao't dito--at sa kamay ni Pablo ay iniyab��t ang dalawang tiglilimang pisong papel.
--Salamat po--ang nakatawang tugon n~g pinagbigyan at sabay na isinabulsa ang sampung piso.--Ako po'y aalis na,--ang dugtong pa.
--?Adyos!--ang tugon sa kanya n~g kausap.
Isang malak��s na halakhakan ang isinunod n~g m~ga naiwan nang makalabas sa pinto si Pablo.
--?Nakabili na tayo! ?nakabili na tayo...!--ang sunodsunod na wika pa n~g m~ga mamumuhunan na lalong pinakalak��s ang pagtawa.
Samantala naman, si Pablo, ang bagong Hudas, ang walang puso at kaluluwang manggagawa, ay nagpatuloy sa kanyang paglakad, at binabalangkas sa mahina niyang pag-iisip ang kung ano at paano ang mabuting paraang dapat niyang gawin upang si Gervasio ay mahimok, at sa pamamamagitan naman nit��, ay makaipon n~g m~ga taong dapat na ipasok sa Pagawaang inaklasan.
M~ga manggagawang gaya ni Pablo ay marami pa at di hamak na malilipol sa Pilipinas.
=IV=
=Tatlong= araw ang lumipas buhat sa huling m~ga pangyayari.
Ang aklasan ay patuloy, at ang pagawaan ay hindi pa rin pinapasukan n~g sino mang manggagawang tabakero.
Ang matalinong pagsisikap n~g Kawanihan n~g Paggawa sa ipagkakasundo n~g dalawang pangkat na naglalaban ay walang napala; nabigo ang lahat n~g pag-asa n~g Tagapamahala n~g "Bureau del Trabajo" sa ikahuhusay n~g sigalot sanhi sa pagmamatigas n~g m~ga mamumuhunan sa Pagawaang pinagaklasan.
Makaitlong nagpabalikbalik sa Pagawaan ang Tagapamahala sa Kawanihang nasabi, subali't yaon at yaon din ang sag��t n~g m~ga mamumuhunan. Hindi na nila mababago ang ipinasy�� ... Ganito ang laging panag��t.
Noon, ay umaga rin, at ang Lupon n~g m~ga manggagawa ay nakipagkitang muli sa Tagapamahala n~g Kawanihan n~g Paggawa, upang alamin dito ang tayo n~g salitaan; datapwa't walang natamong tugon dito kundi ang salitaang nabibitin ay patuloy sa dating lagay. Hindi nagbabago at lalong nagpapakatig��s ang m~ga kalaban.
Tiyaga at pagtitiis, ang tan~ging inihahatol n~g Kawanihan sa m~ga nagsiaklas, yayamang liban dito ay wala nang magagawang iba.
--Inaasahan ko--ang patuloy pa n~ga n~g nasabing Tagapamahala--na sa huli ay mahuhusay din ang lahat nang sigalot sa ikasisiyang loob n~g dalawang panig. Sapagka't alamin ninyong kung malaki man ang nawawala sa inyo ay lalo namang malaki ang napipinsala at nawawala sa m~ga mamumuhunan; kaya't ito ay hindi rin naman makikipagtagalan sa paglalaban. At huwag lamang na saw��ng palad na pasukan n~g m~ga kamanggagawa ninyo ang pagawaang iyan ay inaasahan ko at maaasahan din naman ninyo na kayo'y magtatagump��y, kung di man sa lahat n~g inyong m~ga kahilin~gan ay sa marami niyang m~ga bahagi.
At ang Lupong manggagawa ay bumalik no��n din sa pinagtitipunan n~g m~ga nagsiakl��s.
Sinabi sa m~ga kasama nila ang pinangyarihan n~g kanilang huling lakad na yaon, at gayon din, isinakabatiran n~g madla ang tayo n~g kanilang salitaan at gayon ang hatol naman n~g Tagapamahala ng Kawanihan.
Malalalim na buntonghinin~gang makadurog puso ang sa dibdib n~g m~ga kaawaawang manggagawang yaon ay pumulas; m~ga buntonghinin~gang nagpapakilala n~g tinitiis nilang hirap sa iilang araw pa lamang na itinatagal n~g aklasan.
?Gaano pa kaya, kung ang aklasan ay magtagal n~g isang buwan man lamang!
At si Mauro, sa har��p n~g gayong namamalas ay lihim na nagtitiis.
--?Umasa tayo at maghintay!--ang ipinanglulunas na lamang niyang hatol sa lahat.
--O��; umasa tayo at maghintay ...--ang ikinasisiyang tug��n naman n~g
Continue reading on your phone by scaning this QR Code
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.