sigawan n~g lahat.
--Sino man ay walang magtataksil.
--?Wala ni sino man!
At ang aklasan mula noon ay napagtibay.
Ang Lupong sinugo sa pakikipagusap sa m~ga mamumuhunan ay siya na ring pinagkaisahang maging palaging Lupon sa aklasan.
Masisiglang gayon na lamang ang lahat na noon ay naghiwahiwalay, na taglay sa puso n~g bawa't is��, ang malaking pananalig sa kadakilaan n~g kanilang ipakikipaglaban.
Sa kapahintulutan n~g may-ari n~g dulaang Rizal, ito ay siyang pinagkayarian ding maging "Cuartel General" n~g m~ga nagsiaklas.
Ang Lupon sa aklasan, noon din ay napatun~go sa Kawanihan n~g Paggawa, upang ipagbigay alam ang m~ga nangyari.
Pagkatapos n~g ilang pagtatan��ng na ginawa n~g matalinong Tagapamahala, ukol sa pinagbuhatan n~g aklasang ipinasya n~g lahat, ang Kawanihan ay nan~gakong gagawin niya ang lahat nang magagawa upang sa lalong madali ay malutas ang salitaan sa ikasisiyang loob n~g bawa't panig.
=III=
Umaga n~g kinabukasan.
Sa malaking pagawaan n~g tabako sa daang Ilaya, bagama't nakabukas maluwang niyang pinto, ay wala namang makikitang isa mang manggagawa.
Tahimik, at ang datidating yabag n~g m~ga paang lumalakad sa pagyayao't dito n~g m~ga tabakero, sa pagkuha n~g m~ga "material" na gagamitin, at ang pagpupukpukan sa m~ga "tapadera" nila n~g m~ga pangbuling gamit, saka ang mataginting na tun��g n~g m~ga "chaveta" na ipinangdadapa n~g m~ga nag-alimbutod na "but��" n~g dahon n~g tabako, at sampu na n~g malalakas na awitan n~g m~ga tabakera, noon ay pawang di na naririnig.
Sa loob ng pagawaan, (at sapagka't sa Pilipinas ay di pa naghahari ang ganap na pagdadamayan n~g m~ga manggagawa) ay tan~ging makikita ang ilang manggagawa n~g kahong maliliit n~g tabako at saka ilang "embasador."
Ang m~ga ito n~ga ay siya lamang makikita, sapagka't sa ganang kanila, ang kilusan n~g m~ga kapatid nilang tabakero ay di nila nararapat sundan at katigan, sanhi sa pangyayaring ang gawin nila ay naiib�� sa gawain n~g m~ga yuon.
Ang kawikaang: Ang sakit ng kalingkingan ay damdamin ng boong katawan sa kanila ay walang kakabukabuluhan, alangalang na n~ga sa paniniwala nilang iba sila.
?Anong laking pagkakaiba n~g ugali at kilos n~g m~ga manggagawa sa ibang lupain, sa ating m~ga manggagawa...!
Sapagka't, samantalang do��n, sa boong kaeorupahan at sa iba pang dako n~g Sangdaigdig, ang kilusan at pagdadamayan n~g m~ga anak-pawis ay hindi kumikilala ni pumipili n~g uri n~g m~ga manggagawang dadamayan, kundi sukat na ang pangyayaring kumilos ang isang pangkat na manggagawa sa pagtatanggol n~g matwid, upang ang iba namang pangkat ay kumilos, umabuloy at dumamay at kumatig sa madlang gawain n~g m~ga yaon, at kadalasan pa, lubha na kung nagaap��y na halos ang labanan n~g Puhunan at Paggawa, sampu na n~g lahat n~g m~ga manggagawang may iba't ibang uri at kalagayan ay sumun��d naman sa m~ga ginawa n~g m~ga dinadamayan; samantalang ang pagtutulun~gan at pagaabuluyan n~g m~ga manggagawa roon ay gan��p na gan��p, dito naman sa atin ay hindi, kundi ang kadalasan pa'y hindi maabuluyan n~g anoman ang m~ga nagsiakl��s hanggang sa huli, sa pagtatanggol n~g matwid at karapatan.
At ... tayo'y magpatuloy....
Nang umaga n~gang yaon, samantalang ang karamihan n~g m~ga nagsiakl��s, ay nan~gawiwili sa paguusap sa "Cuartel General" nila, isang tao naman ang pumasok sa maluwang na pinto n~g Pagawaan.
Pagkapasok ay ang tanggapan n~g Tagapamahala ang tinun~go.
Sa loob n~g nasabing tanggapan at sa har��p n~g isang lamesang marmol ay nan~gakaupo ang tatlo katao at kaukausap n~g nasabi nang Tagapamahala.
Ang tatlong yaon ay siyang m~ga may-ari n~g pagawaan.
--Magtuloy ka, Pablo, magtuloy ka--ang anyaya n~g Tagapamahala sa taong pumasok, nang makita itong nakatayo sa may pintuan.
At si Pablo (tawagin na natin n~g ganit�� yamang siyang itinawag sa kanya) ay nagtuloy at sa isang silya ay umupo.
--Ipinatatawag daw po ninyo ak��--ang simulang wika ni Pablo nang maupo na.
--Oo;--anang Tagapamahala--ipinatawag kita, sapagka't may isang bagay na mahalaga akong sasabihin sa iy��.
--?Ano po yaon?--ang may malaking pananabik na tug��n n~g kinakausap.
--Isang mahalagang bagay na kapapalooban n~g iyong ikagiginhawa, at hindi lamang ikaw, kundi sampu pa n~g iyong "familia," kung a��yon ka sa aking sasabihin.
--Sabihin mo na po.
--Nalalaman mo na marahil, na mula pa kahapon, ang m~ga "orgulloso" kong manggagawa ay nagsipagaklas. Ayaw na tanggapin ang pagbababa n~g kaunti sa kaupahan sa bawa't "vitola." Sila'y nagsiaklas at ang akala marahil n~g m~ga walang utang na loob na iyan ay susuko kaming m~ga mamumuhunan. Susubukan namin kung hanggang saan aabot ang kanilang pagmamatig��s; magpatuloy sila sa kanilang aklasan at tingnan ko lamang kung di sila mamatay sa gutom. Dahil sa bagay na iyan ay ipinatawag kita, at ang ibig ko, sampu rin naman nila, na pawang m~ga mamumuhunan sa pagawaang ito--at sabay na itinuro ang m~ga kaharap--ay gumawa ka rito, at tuloy humanap ka n~g ibang magiging kasama.
--Ako po'y ...
--Nalalaman ko--ang putol agad n~g Namamahala--na ikaw ay may pinapasukan; datapwa't nalalaman ko rin, na ang iyong kinikita roon ay hindi makasasap��t sa iyo at sa iyong asawa't m~ga an��k. Dito, kung papayag kang gumawa, at man~gan~gako pang hahanap n~g ibang magsisigawa rin ay b��bigyan kita n~g katan~giang makagawa n~g hanggang ibig mo; alalaong baga'y hindi ka tatasahan sa
Continue reading on your phone by scaning this QR Code
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.