sandali ay hindi na halos magkamayaw.
Sa har��p n~g gayong mainit na kilus��n, si Mauro, ang bagama't bata sa tanang m~ga kasama sa paggawa ay kina-aalang-alan~ganan n~g marami sanhi sa taglay na maran~gal na ugali at iniiwing kaunting talino, sa harap n~ga n~g gayong pagkakagulo, ay boong siglang tumayo at sa madla'y sinabi:
--Mga kapatid; kayo'y pumayapa.
At ang lahat ay natahimik. Narinig nila, na ang nagsasalita ay si Mauro; si Maurong tuwituwina'y kanilang iginagalang.
Ang pagkakagulo ay nahusay at ang lahat ay humandang makinig.
At si Mauro, sa harap n~g gayong katahimikan ay nagsalita:
--M~ga kamanggagawa:--anya sa buh��y na tinig.--Sa har��p n~g napakalaking suliranin na sa n~gayon ay ating kinasusuun~gan ay kinakailan~gan natin ang isang lalong malinaw na pagiisip upang ang big��t n~g suliraning ito ay mapagpasyahan natin n~g boong liwanag at huwag tayong malihis sa landas n~g matwid. Kinakailan~gan natin n~gayon, at higit kailan man, ang isang malamig na kalooban, upang ang kalamigang ito ay siyang maghatid sa atin sa wasto at makatwirang pagkilos at pagpapasy��. Kailan man, ang kapusukan at init n~g loob, sa anomang bagay na gagawin, ay malimit humantong sa pagsisisi; pagsisising sa lahat nang sandali ay dapat nating ilagang sumapit, lubha na sa m~ga bagay na dakila't mahalaga, na gaya na n~ga n~g hinaharap natin n~gayon, na pagtatanggol sa matwid at karapatan nating m~ga manggagawa. Matwid at karapatan nating m~ga manggagawa, ang wika ko, sapagka't ang matwid at karapatang ito, ang sa pagbababang iyan n~g ��pa sa paggawa ay siyang niwawalang kabuluhan at ibig yurakan. Karapatan natin sa har��p n~g sino man, na ang pagpapagod at pawis na pinupuhunan natin ay tumbas��n n~g sap��t na kaupah��n; at ang karapatang it��, kailan ma't ibig na bawasan, ay matwid naman natin ang tumutol hanggang maaari at ipagtanggol hangga't maaab��t n~g kaya ... sukdang ikamatay.
Naputol sumandali ang pagsasalita ni Mauro, sanhi sa maugong na palakpakang isinun��d n~g madlang nakikinig sa huli niyang m~ga pan~gun~gusap.
Pagkatapos n~g palakpakan, si Mauro ay nagpatuloy:
--Sa m~ga nangyayari sa atin n~gayon ay maliwanag na nakikita natin, na ang karapatan at matwid nating ito ay ayaw kilalanin. Sa pamamagitan n~g ipinan~gan~gah��s nilang lak��s, ang alin mang daing natin ay ayaw na dinggin. Nagbibin~gibin~gihan sila at sa kahinaan natin ay malalakas at maugong na halakhakan ang itinutumbas. Sa har��p n~ga n~g ganitong m~ga pangyayari ?ay ano ang kailan~gan nating gawin? ?Ah, m~ga kapatid! Kinakailan~gan natin ang lakas ... at upang ang lakas na ito'y tamuhin natin ay kailan~gang lubha ang pagiis��, pagka't tan~ging naririto ang gan��p na tagumpay. Sa ganito n~ga ?ay ano ang ibig ninyong gawin?
--??Masiakl��s...!! ??Magsiaklas!!--ang sigawan n~g lahat.
--Kay�� ang masusunod--ang patuloy pa ni Mauro--Ibig ninyong sa pagpapakilala n~g ating matwid ay gamitin ang aklas��n, ?gamitin n~ga natin! datapwa't ipahintulot muna ninyong, ako, na kapatid ninyo at kaisang-palad ay magpaalaala n~g isang bagay. Ang aklasan, para sa m~ga an��k-pawis na gaya natin, para sa m~ga nabubuhay sa lanran~gan n~g paggawa sa Pilipinas, ay gaya rin naman n~g sa m~ga manggagawa sa Pransia, sa Am��rika sa Espanya at sa iba pa mang lupain, na ginagamit na sandata laban sa paghahari n~g lupit n~g Puhunan sa ibabaw n~g matwid at karapatan n~g m~ga manggagawa. Ang aklasan, ay ginagamit kung ang makatwirang daing at kahilin~gan n~g m~ga an��k-pawis ay ayaw na dinggin n~g Puhunan; at sa m~ga nangyayaring ito sa atin ay maliwanag na namamalas na tayo'y ayaw pakinggan sa makatwirang pagtutol. Upang kilalanin n~g Puhunan ang ating matwid, kayo rin ang nagsusumigaw n~gayon, na gamitin natin ang aklasan; kung gayon, ?tayo'y magsiakl��s...! Subali't sa paglalabanang kasusuun~gan natin ay kinakailan~gan, na n~gayon pa man ay humanda na tayo sa pagtitiis n~g hirap. Ilaan natin ang katawan sa m~ga sakit na karaniwang dinaranas sa alin mang pagbabaka bago sumapit ang tagumpay, at hindi lamang ang m~ga sarili natin ang ilaan sa pagbabaka at pagtitiis, kundi pati rin naman n~g sa ating m~ga asawa't an��k, magulang at kapatid, na pawang magsisipagtiis n~g gutom, kung sakali't kakailan~ganin ang mahahabang araw sa pagbubungguan n~g dalawang lak��s. ?Pagtitiis at pagtitiis...! Ito ang kailan~gan natin upang maitaguyod n~g boong dan~gal ang aklasang gagawin ... At, kung kayo, m~ga magigiting na an��k-pawis ay hindi nahahanda sa gayon, makalilibo pang mabuti na tayong lahat n~gayon ay mamayapa na at sumailalim n~g bawa't maibigan n~g m~ga mamumuhunan.
--??Magtiis tayong lahat!!--ang sigaw n~g lalong marami.
--Salamat, m~ga kapatid:--ang patuloy pa ni Mauro--Kung gayon mula sa araw na ito, buhat sa m~ga sandaling ito, ang sandata nating m~ga manggagawa na dili iba't ang aklasan, ay gagamitin, upang huwag na muling isalong kundi kung tamuhin na ang ganap na tagumpay. ?Magpakatatag tayong lahat! At huwag nawang samakanino man sa atin ang pagtataksil. Ang sariling kapakanan at kagalin~gan n~g bawa't isa sa atin ay kailan~gang isailalim sa kapakanan at kagalin~gan n~g marami upang ang kabusabusan ay mawala at lumiwayway sa Silan~ganan n~g bayang manggagawa ang mabiyayang araw n~g Katubusan. M~ga kamanggagawa: Isigaw nating: ?Mabuhay ang aklasan!
--??Mabuhay!! ???Mabuhay!!!--ang
Continue reading on your phone by scaning this QR Code
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.