ay tatlo pa ang isinama na pawa namang m~ga kasama nila sa pagawaan at sa Kapisanan.
Ang m~ga ito ay siya nilang pinagkayarian sa pulong na idinaos sa kinahapunan n~g pagkatanggap nila n~g babala; kaya't nang umagang yaon n~g ika 29 n~g Hunio, at sa pook na naiulat na sa dakong una, ang m~ga dukhang an��k-pawis, ang m~ga manggagawang tabakero na nagkakatipon sa iba't ibang s��lok at hay��g na pook n~g m~ga daang Ilaya at Azcarraga, ay sabik na sabik at in��p na in��p na halos sa paghihintay sa kahahangganan n~g paguusap, na nang m~ga sandaling yaon ay idinadaos n~g nahalal na Lupon n~g m~ga manggagawa at n~g m~ga mamumuhunan.
Ikasiyam na n~g umaga; subali't ang m~ga hinihintay nila ay di pa dumarating.
Sa malaking pintuan n~g pagawaan, ang bawa't tao �� m~ga taong makita nilang lumab��s at lumalabas, akala nila'y siya nang hinihintay nila, siyang Lupong sinugo nila ... N~guni't parating nabibigo, parating nawawalan n~g saysay ang kanilang m~ga hinuha.
--?Pagkatagaltagal...!--ang ulit-ulit na nawiwika n~g marami.
--Magsisilab��s na sila ...--ang wika naman n~g ilan, na parang itinutug��n at inilulunas sa pagkain��p n~g madla.
At parang itina��n sa huling tugon n~g il��n, sa pinto n~g pagawaan ay nagsilabas ang lim�� katao.
--?Narito na! ?Narito na!--ang sunodsunod at nagkapanapanabay na naibigk��s n~g marami, nang makita ang m~ga nagsilab��s.
Ang bawa't pulutong n~g m~ga manggagawang ya��n, ang bawa't pangkat na nag-u��sap, ang lahatlahat na, ay nagsikilos, nagsilakad, at ang dumarating na Lupon ay sinalubong.
--M~ga kapatid:--ang wikang malakas n~g pan~gulong Gervasio nang mapalapit sila sa m~ga kasama--Mahaharap marahil tayo sa isang malaking paglalaban.
--?An�� po ang nangyari?--?An�� po ang kinasapitan?--ang sab��y-sab��y na tanun~gan n~g marami.
--Wala; ang m~ga mamumuhunan ay ayaw na duminig sa daing nating lahat; sila ay nagpapakatig��s ...--ang tug��n din n~g pan~gulo.
--Kung gayon, tayo'y magsiakl��s.--ang sigaw n~g isang manggagawa.
--??Magsiakl��s...!! ??Magsiakl��s ...!!--ang ulit-ulit na sigawan n~g marami.
--M~ga kasama:--ang malakas na wika ni Mauro,--?Tayo'y huminusay! Pumayapa tayo, at ang lahat ay pagusapan natin n~g boong kalamigang loob.
--??Welga!! ??Welga!!--ang ipinaghuhumiyaw din n~g marami.
--??Tayo'y magsiakl��s...!!--ang ulit n~g ilan.
--??Magsiakl��s!!--ang tug��n n~g lahat.
--Ang lahat ay magagawa--ang tug��ng malakas din ni Mauro--subali't, kailan~gan nating pagusapan muna ang m~ga paraang gagawin. Tayo'y magpulong n~gayon din, at doon nating pagkaisahan ang lahat.
--?Magpulong! ?Magpulong!--ang sigawan n~g lahat.
--Tayo nang lahat sa dulaang Rizal--ang wika n~g pan~gulo.
--?Sa dulaang Rizal!--ani Mauro naman.
--?Tayo na m~ga kasama...!--ang ulit n~g madla.
At ang lahat ay nagsilakad; parang iisang katawan nang kumilos, at ang dulaang Rizal na di naman nalalayo ay siyang tinun~go.
Sa mukha n~g bawa't is��, ang kagitin~gan ay nababakas; at nababadha sa pawisan nilang noo ang b��hay, ang sigla at ang lak��s.
Ang masiglang kilusang yaon n~g m~ga manggawang tabakero, ay labis na mahihinuhang kung magpapatuloy ay siya nang babala n~g pagsikat n~g mabiyayang araw n~g Kat��busan.
=II=
At, ang malaki at maaliwalas na dulaang Rizal, sa kapahintulutan n~g m~ga may-ari, ay kaunti nang mapuno sa dami n~g tao.
Halos dalawa sa ikatlong bahagi n~g m~ga butaka ay may m~ga tao; bukod pa ang m~ga nagtayo sa paligidligid n~g palko at "entrada general."
Sa harap n~g lahat, at sa ibabaw n~g "escenario," ay nan~gakaupo sa palibid n~g isang lamesa ang Lupong sinugo, at ang il��n pa rin sa m~ga bumubuo n~g lupong pamunuan n~g Kapisanang Manggagawa sa loob n~g pagawaan.
Samantalang ang m~ga na sa itaas n~g "escenario," ay nan~gagu��sap pa muna bago pasimulan ang pulong, ang m~ga nan~gasasaibaba nama'y walang tigil sa m~ga pagsasalitaan, pagsasalitaang nauukol na lahat sa mangyayaring labanan n~g m~ga manggagawa at mamumuhunan.
Ang alin~gawn~gaw n~g salitaan ay gayon na lamang, at halos ang iba'y hindi na magkarinigan.
--?Ituloy ang aklasan!--ang walang ano-ano ay narinig na isinigaw n~g is��.
--??Ituloy!!...--ang tug��ng pasigaw din n~g karamihan.
--At lalo nang hindi magkamayaw sa in~gay ang lahat.
Isang tinig, ang mula sa ibabaw n~g "escenario," ay narinig.
At ang tinig na ito'y siyang pumutol sa masiglang pagu��sap n~g lahat.
At ang lahat ay napatahimik, at ang m~ga panin~gin ay tun~gong lahat sa magsasalita.
Si Gervasio ay siyang nakatayo sa harap n~g madla. Sa lahat ay ipinabatid, na ang pulong ay buk��s na.
At pagkuwan ay sunod na isinalaysay ang m~ga pinangyarihan at kinahangganan n~g pagu��sap n~g Lupon at n~g m~ga mamumuhunan.
Ipinakilala at isinakabatiran n~g lahat, na ang pagbababa n~g ��pa ay ipagpapatuloy din, at ang anomang matwid na ini��lat n~g Lupon ay ayaw dinggin n~g m~ga namamahala sa pagawaan at bagkus na nagpakatig��stig��s sa kanilang nasa.
--Ang m~ga mamumuhunan--ang patuloy pa n~g nagsasalita--ay nagsabi pa, na kung sino raw ang ayaw tumanggap n~g mababang ��pa ay maaaring huwag pumasok. Kay��--any��--ang masusunod n~gayon: ang ibig tumanggap ay makapapasok at ang ayaw nama'y huwag. Sa harap n~g ganitong pagmamatwid, kayo, m~ga kasamang an��k-pawis, ang siyang magpasya; sabihin ninyo n~gayon dito kung ano ang minamarapat ninyong gawin.
At pagkatapos na mapahiran ang mukhang pawis��n n~g nagsasalita ay ipinatuloy:
--M~ga kapatid: ?ibig bag�� ninyong tanggapin ang pagbababa n~g ��pa?
--??Ayaw kami!!--ang sigawang napakalak��s n~g lahat.
--Kung gayon--anang pan~gulo pa rin--?ano ang ibig ninyong gawin?
--?Magsiakl��s!...
It�� ang sagutan n~g lahat.
At ang alin~gawn~gaw ay lumaganap na naman.
Untiunting nagkakain~gay; at hanggang sa pagkailang
Continue reading on your phone by scaning this QR Code
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.