Isa Pang Bayani | Page 2

Juan L. Arsciwals
purihin ang pagkakapaglathala dito._
_Kaya, tanggapin ng kaibigang Arsciwals ang aking papuri._
=_Carlos Ronquillo._=
25 Sept. 1915.

Ilang salita muna ...
Mga Manggagawa:
Sa paglalathala ko n~g aklat na it�� ay wala akong nasang iba, liban na sa mailantad sa harap n~g madla ang isang karaniwang sakit na siyang pumapatay na madalas sa masisiglang kilusan n~g m~ga anak-pawis sa Pilipinas; sakit na hangga't nagtatagal at lumalaon ay lumilikha n~g libolibong kasawian sa buhay at sa kapalaran n~g m~ga manggawang pilipino; at sakit na kung di aagapan n~g lunas n~g m~ga may tungkulin ay siyang pagbubuhatan n~g lubos at ganap na pagkapariwara n~g lalong magaganda at dakilang kilus��n n~g m~ga kawal n~g bisig.
Hindi ko nasa ang maglahad n~g anomang tuntunin ukol sa bagay na ito sapagka't hindi pa ako karapatdapat sa gayon; subali't, nais kong kahi't bahagya ay makatulong sa paghanap n~g sakit na pinagbubuhatan n~g untiunting pagkamat��y n~g masisigla at mahahalagang kilusan n~g ating m~ga manggagawa, upang pagkatapos ay mailantad sa har��p ng madla, na walang anomang takip at hubad na hubad.
?Nariyan n~ga ang sakit! At ang m~ga nagtataguyod sa buhay at kapalaran n~g m~ga anak-pawis sa Pilipinas ay siyang unaunang nararapat na humanap n~g lunas upang sa lalong madaling panahon ay magamot ang sakit na nasabi.
Ipinagtatapat ko rin naman, na, sa pagsulat ko n~g kasaysayang ito ay hindi ko nasang sugatan ang damdamin n~g sino at alin mang tao �� Kapisanang Manggagawa; at ang nagudy��k sa akin sa ganit�� ay ang sa mula't mula pa'y magandang nais na makita sa lalong madali ang pagliwayway n~g ganap na Katubusan n~g m~ga mangagawang pilipino, maging anoman ang kahalaga n~g Katubusang ito.
Sa wak��s ay malugod at buong puso kong inihahandog ang Munting Kasaysayang ito, sa lahat at bawa't isa n~g m~ga manggagawang pilipino at gayon din sa m~ga matatalinong makamanggagawa na nagtataguyod sa buhay at kapalaran n~g m~ga an��k-pawis dito sa atin.
Kun sa palagay ninyo, m~ga manggagawang pilipino na makababasa sa Kasaysayang kalakip nito, ang kanyang m~ga nilalama'y walang kahal��halag�� sa harap n~g m~ga suliraning manggagawa sa Pilipinas ay ipalalagay ko rin, na ako'y walang sinulat na anoman, at ang Kasaysayang ito ay ituring ninyo na isang panaginip n~g sumulat �� isang pan~garap lamang n~g diwa kong umaasa sa Tagumpay n~g Paggawa sa ibabaw n~g Puhunan....
=_Juan L. Arsciwals._=
Tundo, Maynila, S. P.
Sept. 8, 1915.

=I=
Umaga n~g ika 29 n~g Hunio n~g 1914. Ang maluwang na daang Azcarraga, sa dakong Tundo sa panulukan n~g daang Ilaya, na kinatatayuan n~g isang malaking pagawaan n~g tabako, ay marami ang nagtayong m~ga manggagawa; m~ga babai't lalaki, matatanda't bata.
Pul��pulut��ng ang pagkaka��yos. May kanikaniyang usapan at may kanikaniyang pinagtatalunan.
Sa anyo't pagmumukha n~g lahat at bawa't is�� sa kanila ay nalalarawan ang isang malaking pagkainip, pagkainip na kinababadhaan n~g pananabik n~g kanilang m~ga puso sa isang mahalagang bagay mandin na ibig malaman.
Doon, sa dako n~g dulaang Rizal, ay isang pulutong ang makikita; nan~gaguusap at nagtatatalong mainitan. Sa dako pa rito, sa tapat n~g Botika Morelos ay is�� pang pulut��ng; pulut��ng na kinabibilan~gan n~g maraming kabai.
Saa't saan man, at ang lahat halos n~g dako n~g panulak��n n~g m~ga daang Azcarraga at Ilaya, ay kakikitaan n~g maraming m~ga manggagawa na ang m~ga mata ay pawang napapako sa iisang pook; sa maluwang na pinto n~g isang malaking bahay, n~g bahay pagawaan n~g tabako na kanilang pinapasukan.
--?Kay tagal nila...!--ang pabulalas na wika n~g isa sa nagkakalipon.
--?An�� kaya ang kasasapitan?--ang wari'y tanong na isinagot n~g is�� pa.
At ang tanong na it��'y hindi napan~gahasang sagutin n~g sino man sa m~ga kahar��p, at sa m~ga labi n~g bawa't nakarinig ay waring napabitin ang kasagutan.
Walang ginawa ang marami kundi sa pintuang pinagmamalas na lagi ay ipako ang m~ga mata, at nang wala ring makitang anoman ay agad na binawi ang m~ga panin~gin upang sa m~ga kalipon ay ibaling.
?An�� ang hinihintay n~g m~ga manggagawang ito?
?An��ng bagay ang kanilang kinasasabikang malaman?
?Ano't sa mukha n~g lahat ay nababadha ang malaking pagkainip?
Alamin muna natin ang lahat nang ito, samantalang naghihintay sila upang mabatid natin.
Nang araw na sinundan, ang m~ga manggagawang nasabi ay tumanggap n~g isang babalang buhat sa m~ga may-ari n~g pagawaan, at doo'y ipinababatid sa kanila na sa kinabukasan ay ibababa ang upa sa lahat n~g m~ga "vitola" na kanilang ginagawa.
Pagkatanggap nila n~g gayon babala, at sa pan~gan~gasiwa n~g pangulo n~g Kapisanan nilang natatayo sa loob n~g pagawaan ay nagsipagpulong ang lahat, at doon ay pinagusapan ang nararapat nilang gawin.
Pagkatapos n~g isang mahaba at mainit��ng pagtatalo ay pinagkaisahan n~g lahat, na magsugo n~g isang Lupon sa m~ga mamumuhunan, upang maipabatid na sa dating mababang upa na kanilang itinatanggap sa bawa't "vitola" ay hindi na nila matatanggap pa ang pagbababang gagawin; at tuloy na ipinamanhik sa nahalal na Lupon na mangyaring gawin nila ang lahat nang magagawa, upang sa mapayapang pagmamatwid, ang m~ga mamumuhunan ay magbagong pasy��.
Ang nan~gahalal na Lupon ay ang pan~gulo na rin n~g kanilang Kapisanan na nagn~gan~galang Gervasio Sarili at si Mauro Alvarez. Sa dalawang ito
Continue reading on your phone by scaning this QR Code

 / 18
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.