Isa Pang Bayani

Juan L. Arsciwals
A free download from http://www.dertz.in

Isa Pang Bayani

The Project Gutenberg EBook of Isa Pang Bayani, by Juan L. Arsciwals This eBook is for the use of anyone anywhere at no cost and with almost no restrictions whatsoever. You may copy it, give it away or re-use it under the terms of the Project Gutenberg License included with this eBook or online at www.gutenberg.net
Title: Isa Pang Bayani
Author: Juan L. Arsciwals
Release Date: December 8, 2005 [EBook #17257]
Language: Tagalog
Character set encoding: ISO-8859-1
*** START OF THIS PROJECT GUTENBERG EBOOK ISA PANG BAYANI ***

Produced by Tamiko I. Camacho,Pilar Somoza and the Online Distributed Proofreading Team at http://www.pgdp.net Special thanks to Thomas Buchanan for providing the means to save this book.

[Transcriber's note: Tilde g in old Tagalog which is no longer used is marked as ~g.]
[Paalala ng nagsalin: May kilay ang mga salitang "ng, mga," at iba pa upang ipakita ang dating estilo sa pag-sulat ng Tagalog na sa ngayon ay hindi na ginagamit.]

MAIKLING KASAYSAYAN
=ISA PANG BAYANI ...=
SINULAT NI
=JUAN L. ARSCIWALS=
(_Kasapi sa "Ilaw at Panitik"_)
* * * * *
KASAYSAYANG MANGGAGAWA
_na nagkagantimpala sa Timpalak-Panitik ng Kapisanang "Balintawak" ng 1915, sa ilalim ng sagisag na: "Maktan"_
AT
MGA PANGUNANG SALITA NI
=_G. Carlos Ronquillo_=
(Tagapamahala ng Taliba)
=UNANG PAGKAPALIMBAG=
_Maynila, S.P. 1915_
IMPRENTA Y LIBRERIA
DE
_P. Sayo Vda. de Soriano_
Rosario 225 Plaza del Conde 1008, Binondo y Azcarraga 552, Tondo.

[Larawan: Juan L. Arsciwals]
_Samantalang ang pagmamahal sa sariling kapakanan at kagalingan ng mga manggagawa sa Pilipinas ay hindi isinasailalim ng kapakanan at kagalingan ng marami, ang kabusabusan ay di mawawala at ang liwayway ng Kalubusan ay ni mamamanaag._
=_Juan L. Arsciwals._=

=Parang mga=
=Pangunahing Talata=
_Puhunang walang puso at mapanginis; manggagawang napaghaharian ng biglaang simbuyo ng loob at napasusuko ng munting siphayo; aklasang sa tabi-tabi lamang pinagkakaisahan at hindi bunga ng isang pagliliming mahinahon; isang Pablong napakakasangkapan sa Puhunan, sa b��sa ng masasarap na pangako at isang Gervasiong puno ng aklasan nguni't alagad ng kahinaang loob at ng kawalang-pagasa; isang Maurong masugid na alagad ng Bagong Panahon nguni't mahinahong gayon na lamang, at kahinahunang hindi nagtapos sa mabuti kundi sa loob ng bilangguan; saka aklasang sa gulo natapos at namatay sa kusang pagpatay ng manggagawa rin ... iyan ang sa aklat na ito ng kaibigang Arsciwals ay boong liwanag na naglalarawan._
_May palagay akong, maliban sa ilang pangyayaring katha, ang lahatlahat na ay ulat lamang ng isang pangyayaring tunay na nasaksihan ng may akda. Kung kaya, maliban na lamang sa ilang kulay na naiiba, ang lahatlahat na ay siyang tunay na kulay ng mga pangyayaring malimit masaksihan natin sa pagaaklasan dito. Walang pinagibhan ni munti. Kilusan at mga tao ay iyan na walang inibhan. Kung kaya, maaaring sabihing sa maikling kasaysayan ay nakuhang ilarawang ganap ng kaibigang Arsciwals ang samang magpahangga ngayo'y siyang tunay na sanhi ng pagkaunsiyaming kalungkotlungkot ng halamang tanim ng mga de los Reyes, Lope K. Santos at H. Cruz at inalagaa't inaalagaan ng mga J. Kalimbas, D. Ponce, F. Mendoza, mga Soriano, A. de Jesus, C. Evangelista, P.H. Santos, G. Masangkay, A.P. Gonzales. V. Basilio atbp._
_Nariyan nga ang sama at maliwanag na nalalarawan sa harap ng lahat. ?Kailangan kayang lunasan? Hindi kailangang itanong. Nguni't ?sa paanong paraan? Iyan ang tanong, na kung nang mga nagdaang sampung taon ginawa ay marahil noo'y pagaalinlanganan pang sagutin. Upang sabihin ang totoo, sa loob ng mga araw na ito ay hindi na kaila kanino man kung ano ang lunas na nararapat ikapit diyan. Ang suliranin at kilusang manggagawa sa Pilipinas ay na sa gitna na ng landasin at ang araw ng sosyalismo'y malaon nang namanaag at ibig nang magtanghaling tapat. Kung kaya, bihirangbihira na ang di nakatatalos. At iyang kapuripuring kilusan ngayon na patungo sa pagbubuo ng mga_ Trade Unions, _kilusang pinagpasimunuan ng matatalinong manggagawa, sa limbagan at boong siglang pinagsusumundan ngayon ng mga kapatid ni Mauro, ay siyang nagpapatotoo sa sabi._
_Sa bisa nga ng ganyang kilusan ay maaaring asahang sa araw ng bukas ay magiging parang pangarap na lamang ang larawang guhit ng makisig na pinsel ni Arsciwals: ang sama ay lubusang mawawala. At ni isang Pablo, ni isang Gervasio at isa mang manggagawang balisawsawin, ay wala nang makikita. Magiging Mauro ang lahat, sapagka't ang lahat ay makaliligtas na sa bulag na isipan at sa duwag na guniguni, at pag nagkaganyan na'y mawawala na naman at di masasaksihan ang mga welgang lansangan at aklasang sa pabiglabigla. At ang isip ay lulusog, at ang puso ay titibay._
_Ganito ang aking pag-asa at paniwala. At sa bisa ng paniwalang ito ay kung kaya nasukat ko at napagabot ang kahalagahan ng akdang ito ni Arsciwals. Nakikinikinita kong sa likod lamang ng maiksing panaho'y lubos nang mawawala ang dito'y inilarawan ng may akda, at dah��lan dito'y ?ano at bakit nga di magkakahalaga ito sa ang akdang ito'y magiging pangpagunita sa kalunoslunos na kahapon ng suliraning manggagawa rito? Dahil na dahil man lamang dito, at huwag na sa iba pa, ay labis nang ikagalak at
Continue reading on your phone by scaning this QR Code

 / 18
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.