Isa Pang Bayani | Page 9

Juan L. Arsciwals
iba nilang kamanggagawa ay
nagkakatápang na siyang sumira sa kilusán sa pamamagitan n~g
pagtataksil.
Hindi niya lubos maisip ang sanhi n~g kung bakit samantalang ang
ilang magigiting na kawal n~g pawis ay nagpapakasákit sa
pagtataguyod n~g aping karapatan n~g m~ga manggagawa upang
pagkatapos ay kilalanin n~g m~ga mapaniil na puhunan, ay marami rin
naman sa m~ga manggagawa ang walang sinasamantala kundi ang
gayong m~ga kilusan upang makasunod sa masamang nasa at
kinamihasnan n~g puso na pagpapasasa sa m~ga tungkulin at gawain
n~g m~ga nagsisiaklás, sa kapakinaban~gan at kagalin~gan nilang
sarili.
Lumuluha ang kanyang puso. At nagdaramdam sampu n~g kanyang
kaluluwa, sa m~ga katiwaliang namamalas.
Hindi miminsan, at sa gayon niyang pagbubulaybulay, ay ikapit ang
malaki at lalong mabibigat na pagsisi, doón sa m~ga unang humawak

n~g kapalaran n~g m~ga manggagawang pilipino at sa ilang
humahawak pa rin at nagsisipagtaguyod kunwa sa mga anák-pawis,
bago'y ang kadalasang mangyari ay sila na rin ang unaunang nagbibili
at kumakalakal sa m~ga itó sa maraming kilusang nangyari.
At lalong malaki at napakalaking sala ang ibinibigay niya sa haráp n~g
m~ga napapariwarang kilusan n~g m~ga anák-pawis, sa m~ga
nagbabansag na tagapagtanggol n~g malalayang karapatan n~g m~ga
manggagawa at sa m~ga nagkukunwaring umaákay sa m~ga ito, sa
landas n~g pagkakaisá, sapagka't maliwanag na nakikita at nadadamá
sa m~ga pangyayari, na, marami pa ang panahong ginugugol nila sa
pagpapalaganap n~g isang lihim na pagiimbót sa isang tungkuling
inaadhika, kay sa panahong dapat gugulin sa pagiisip at paghanap n~g
wastong paraan, upang ang marami at malalaking suliraning
manggagawa sa Pilipinas ay malunasan.
Anopa't sa ganang kanya, sa ganang kay Maurong nagdaramdam sa
namamalas na kaapihan n~g madlang kilusang manggagawa, ang m~ga
ito ay malimit lamang na gawing hagdanan n~g ilang mapagimbot at
nagkukunwaring tagaakay nila at upang makaakyat sa tugatog n~g
dan~gal at katungkulan, dan~gal at katungkulang gagamitin lamang sa
sariling kapakanan at kagalin~gan.
Sa gayong malungkot na pagmumunimuni ni Mauro, ang asawa niyang
si Serafina Halili, babaing puspos hinhin, maran~gal at matalino, na di
lamang karapatdapat na iná n~g tatlo nilang maliliit na anák, kundi isá
rin namang katulong at katuwang niya sa malaking pagbabaka sa buhay,
na mula pa nang m~ga unang sandali'y nagmamalasmalas na sa anyo at
kilos n~g asawa, ay di na nakabatang di lumapit at magusisa:
--¿Bakit ka nalulungkot?--¿Ano ang nangyayari sa inyó? ¿May
malubhang bagay bagang sinasapit ang inyong kilusan?--ang
sunodsunod na tanong ni Serafina.
--Serafina ... Serafina ...--ang naitugon ni Mauro na hinawakan ang
kamay n~g asawa--¡Sawing palad...! ¡Sawingsawi ang kapalarang
sinasapit n~g m~ga manggagawa!

--¿Bakit? ¿Hindi ba't ang kilusan ninyo ay nagkakaisá?
--¡Nagkakaisa! Oó; datapwa't ang m~ga taksil, ang m~ga Hudas, ay
siyang nagwasak at magwawasak pa n~g nalalabing pagkakaisa n~g
m~ga nagsiaklas sa pamamagitan n~g ...--at si Mauro, sa laki mandin
n~g pagdaramdam na sa puso niya'y tumitiim, ay napasuntok sa ibabaw
n~g kanyang sulatán at tuloy na napayukayok.
Si Serafina, babaing kailan ma'y di pinagmamaliwan n~g pagmamahal
sa kanyang asawa, at babaing nakakikilala at nakababatid n~g
tungkulin niya, sa m~ga sandaling yaón ay biglang napayakap kay
Mauro at ito'y pinagbiyayaan n~g matatamis na halik.
--Mauro: husayin ang iyong loob; pumayapa ka, at mangyaring sabihin
sa akin ang sanhi n~g iyong malaking pagdaramdam ... Titingnan ko,
kung ano ang magagawa ko ... At kung, sakali mang ako sa aking
pagkababai ay walang magagawang anomang tulong upang sa
kasawian n~g m~ga kamanggagawa mo'y makabawasbawas, ay
matulun~gan man lamang kita sa paghahanap n~g lunas.
--¡Salamat, Serafina, salamat: at nalalaman mo na naman marahil, na
ako'y walang lihim para sa iyo, kaya't makinig ka at aking isasalaysay
ang lahat. Umupo ka.
Si Serafina ay umupo.
At si Mauro ay nagsimula.
--Kaninang hapon, samantalang ang lahat at bawa't isa sa m~ga
manggagawang nagsiaklás ay nagkakapulong at pinaguusapan namin
ang m~ga pangyayaring hinaharáp, at samantalang inaasahan namin
ang tagumpay na di malalaon n~g m~ga adhika namin, ay naririto, at sa
pagawaan, ay nagsipasok ang ilán, sa ilalim n~g pan~gun~gulo naman
ni Pablo, isang manggagawang may kinalalagyang pagawaan, na
nahikayat mandin n~g Tagapamahala n~g pagawaán, at ito naman ang
siyang humikayat sa iba. Sa ganitong pangyayari, kaming nagsiaklás ay
wala nang nalalabing pag-asa munti man sa pagtatagumpay; sapagka't
nakikinikinita ko, na sa likod n~g taksil na si Pablo at sa likod pa n~g

ilan pang nahikayat niya, ay susunod naman ang ilan pa; at sa wakas ...
sa wakas n~ga, ay marahil ang lahat na ¡Sukatin mo, Serafina, kung sa
lahat nang itó ay may puso akong itatagal!
--Huminahon ka, Mauro, at ikaw, sa m~ga nangyayaring iyan, munti
man ay walang sala; hindi ka masisisi n~g sinoman, pagka't ikaw sa
iyong sarili ay walang magagawa.
--Kung sa bagay, Serafina; datapwa't di ko lubos na dinaramdam ang
magiging palad n~g aklasan namin n~gayon kung matalo man, kundi
ang magiging palad n~g m~ga darating na kilusán.
--Iya'y katotohanan; subali't taglayin n~g m~ga may sala ang parusa,
subali't ikaw ay hindi;
Continue reading on your phone by scaning this QR Code

 / 19
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.