Isa Pang Bayani | Page 8

Juan L. Arsciwals
ni pagaalinlan~gan ipinabatid kay Gervasio ang kanyang
layon, sa pamamagitan n~g m~ga tiyakang pan~gun~gusap at hindi
maligoy na pagsasalaysay. Sinabi ang pagkakapatawag sa kanya n~g
Tagapamahala n~g Pagawaan, at gayon din ang m~ga pan~gakong
ibinigay at n~g sampung pisong kaloob.
Si Gervasio, sa haráp n~g gayong salaysay at panghihikayat ni Pablo,
ay natilihan muna at di agad nakasagót; pinagbulaybulay sa isip niya
ang m~ga pangyayari at dapat pang mangyari sakali't tanggapin ang
amuki n~g kaibigang humihikayat.
Nang mamalas ni Pablo ang gayong di pagtugon n~g kanyang kausap
ay nagpatuloy:
--Tingnan mo--anya--¿ano ang mapapala mo sakali't magpatuloy ka sa
kalagayang taglay mo n~gayon? ¿Inaasahan mo baga, na kayo'y
magtatagumpay sa aklasan? Inaakala kong hindi, at nasabi ko na n~ga
sa iyo ang sinabi sa akin n~g Tagapamahala sa Pagawaan. Titikisin
daw niya at susubukan kung hanggang saan aabot ang inyong lakás. At
tan~gi sa rito, ¿ano't makikiloko ka sa kanila? ¿Kung wala ka pa bang
makain at sampu n~g iyong pamilya ay mayroong magbibigay sa iyo?
--Iyan din n~ga ba ang sinasabi ko sa taong iyan--ang halos ay
nangdididilat ang mata n~g asawa ni Gervasiong humalo sa salitaan--sa
hirap naming ito ay hindi ko n~ga malaman sa taong iyan kung ano't
hahalohalo sa m~ga kaululan at "chismes;" tila baga kung napipisanan

na siya at sampu n~g kanyang pamilya ay may tutulong man lamang at
makaaalaalang siya'y lapitan. ¡Sús ... aywan ko n~ga ba!--at sabay sa
m~ga huling pan~gun~gusap na ito ay nangdudura pa man din.
Wala na; para sa mahinang puso ni Gervasio, ang ano mang
pan~gan~gatwiran ay di na maibuka sa bibig.
Marinig sa bibig n~g asawa niya ang isang pagsisi sa kanyang ginawa
at ginagawa sa kapakinaban~gan n~g marami, bakit ay naisurot pa nito
na kung ano at kung bakit hahalohalo sa m~ga "chismes," ay doon na
pinanglupaypay na lalo ang kanyang marupok na puso sa haráp n~g
m~ga nakahahalinang amuki ni Pablo.
Kaya't pagkalipas n~g ilang sandali ay napilitang magsalita.
--¿Paano ang iba kong kasamahan?
--¿Ang iba mong kasamahan?--ang wari'y sagot na tanong din ni
Pablo.--¿Bakit mo sila _iintindihin_? ¡Di bayaan mo sila! Ang bawa't
isa ay dapat humanap n~g kanyang sariling kagalin~gan; kanikanyang
hanap at pagsisikap ...
--¿At ang aming sumpaan? ¿At ang aming ...?
--Walin mong kabuluhan--ang saló agad ni Pablo.
--Aywan ko sa taong itó--ang sabad na naman n~g babai--tila ibig mag
Kristong papako sa krus sa kagalin~gan n~g marami at ibig yatang
matawag na manunubos.
--Siya n~ga naman--ang sambot pa ni Pablo--isipisipin mong mabuti.
Ang iniaamuki ko sa iyo ay kagalin~gan mong sarili at n~g iyong
pamilya. ¡Siya na iyang makámakabayan!
At si Gervasio ay pilit na sumuko; sa haráp n~g dalawang tuksó ay
wala na siyang magagawa. At saka naaalaala n~ga rin niya ang gipit
nilang kalagayan sa pamumuhay, sa gitna n~g malawak na dagat n~g
buhay at sa gitna n~g naglalakihang daluyong n~g kasaliwaang palad.

At siya, si Gervasio, ay walang tápang na makahaharap sa malalaking
pagbabaka maging ang pagbabakang ito ay magbun~ga sa huli n~g
tagumpay n~g isang dakilang simulain at kalasapan n~g di gaanong
kagalin~gan n~g marami.
_Maligtas lamang ang sarili ay mamatay na ang lahat._ Ito, ang
simulaing naghari at pinapaghari ni Gervasio sa kanyang puso; kaya't
sa wakás ay sinabi n~g boong siglá.
--Ako ay umaáyon.
At ang pan~gulong Gervasio, mula sa m~ga sandaling yaon na bigkasin
niya ang pag-ayon, ay isa na sa maraming taksil na naglipana sa
Pilipinas.
--Kung gayon,--ang may malaking kagalakang sabi ni Pablo--búkas
n~g hápon ay sasama ka na sa akin. Tayo ay gagawa nang kasama n~g
ilan pang manggagawa na kinuha ko sa ibang pagawaan.
--Huwag; huwag muna. Kailan~gan nating hikayatin si Mauro.
--Siya n~ga; lalong mabuti kung pati na siya ay makasama natin.
--Inaasahan ko rin, na gayon ang mangyayari. Siya nama'y dukha ring
kamukha ko ... wala rin siyang itatagal sa malaong aklasan.
--Kung gayon, bukas na n~g hapon tayo pumaroon, at sa hapon ko na
rin dadalhin sa Pagawaan ang m~ga magsisigawa, at pagkapanggaling
ko roon ay saka na tayo magkita. Sa gabi na tayo pumaroón.
--Lalong mabuti n~ga--ang tugon ni Gervasio--kita'y hihintayin.
--Oó, darating akong walang sala.
At noon din si Pablo ay nagpaalam.
Nariyan ang dahil, kung kaya't si Gervasio, sa poók na pinagtitipunan
n~g m~ga nagsiaklás ay di man lamang nakita.

=VI=
Sa haráp n~g kanyang susulatán, si Mauro ay payapang nakaupo
kinagabihan din n~g araw ring yaong ipinaghiwahiwalay nilang
magkakasama.
Nakapatong sa ibabaw n~g lamesa ang dalawang bisig at sa m~ga
palad ay nakakatang naman ang dalawang pisn~gi.
Malungkot ang kanyang anyo; at sa pagmumukha ay nababakás ang
isang napakalaking damdaming kinakabaka n~g puso, damdaming
nakapagpapapulás sa dibdib n~g malalalim na buntonghinin~ga.
Sadyang nang m~ga sandaling yaon, ay may isang malaking suliraning
pinagaaralan ...
Kinukuro at dinuduklay sa isip ang sanhi at kung bakit may m~ga
manggagawang sa kilusang tun~go sa pagtatanggol n~g karapatan na
pinagsisikapang itaguyod n~g
Continue reading on your phone by scaning this QR Code

 / 19
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.