Isa Pang Bayani | Page 7

Juan L. Arsciwals
dalawang panig. Sapagka't alamin ninyong kung malaki man ang
nawawala sa inyo ay lalo namang malaki ang napipinsala at nawawala
sa m~ga mamumuhunan; kaya't ito ay hindi rin naman
makikipagtagalan sa paglalaban. At huwag lamang na sawíng palad na
pasukan n~g m~ga kamanggagawa ninyo ang pagawaang iyan ay
inaasahan ko at maaasahan din naman ninyo na kayo'y magtatagumpáy,
kung di man sa lahat n~g inyong m~ga kahilin~gan ay sa marami
niyang m~ga bahagi.
At ang Lupong manggagawa ay bumalik noón din sa pinagtitipunan
n~g m~ga nagsiaklás.
Sinabi sa m~ga kasama nila ang pinangyarihan n~g kanilang huling
lakad na yaon, at gayon din, isinakabatiran n~g madla ang tayo n~g
kanilang salitaan at gayon ang hatol naman n~g Tagapamahala ng
Kawanihan.
Malalalim na buntonghinin~gang makadurog puso ang sa dibdib n~g
m~ga kaawaawang manggagawang yaon ay pumulas; m~ga
buntonghinin~gang nagpapakilala n~g tinitiis nilang hirap sa iilang
araw pa lamang na itinatagal n~g aklasan.
¡Gaano pa kaya, kung ang aklasan ay magtagal n~g isang buwan man
lamang!
At si Mauro, sa haráp n~g gayong namamalas ay lihim na nagtitiis.
--¡Umasa tayo at maghintay!--ang ipinanglulunas na lamang niyang
hatol sa lahat.
--Oó; umasa tayo at maghintay ...--ang ikinasisiyang tugón naman n~g
marami.

Subali't ... ¡bigong pagasa! at ¡sayang na paghihintay!
Sapagka't sa kinahapunan noón, si Pablo ay boong tápang na pumasok
sa maluwang na pinto n~g Pagawaan, na kasama n~g may labing isá pa,
buhat sa ibang ginagawan.
¡Labing-isang manggagawa sila na nahikayat n~g makamandag na dila
ni Pablo!
¡Labing-isang bibig na may kinakain na ang umagaw pa sa dapat kanin
n~g ibá!
¡Oh! Ang m~ga gahamang ito ay siyang dapat managót sa
napakaraming aklasang natalo sa Pilipinas, at sa libolibong bibig na
walang makain n~g m~ga asawa't anák n~g nagsisiaklás.
¡Lubha n~gang kanaisnais na ang m~ga ito'y mawala at malipol agad!
Simula n~ga sa hapong yaon, ang Pagawaan ay untiunti nang
nagkakaroon n~g buhay, at wala pang isang linggo, ang datihang
linggal at manakánakang pukpukan at tawanan ay naririnig.
At samantala'y ...
¡Ang m~ga kahabaghabag na nagsiaklás ay lalong nagsisipagtiis!
Sa m~ga mukha nila ay nababakás ang isang malaking poót, nabábadha
sa pawisang noó n~g bawa't isá, ang pagkasuklam sa m~ga gahaman at
taksil na yaon na siyang sumira sa magiting na kilusan nilang m~ga
nagsiaklás.
Di miminsan, at sa init n~g nagpupuyos nilang loob, ay balakin n~g
ilan ang maghiganti; parusahan ang isa ó ilan man sa m~ga taksil na
yaón.
Datapwa't ang lahat nang itó, ang lahat nang balak at naiisip gawin, ay
napipigilan, sanhi sa m~ga pan~gun~gusap at hatol na ibinibigay ni
Mauro.

Sa pamamagitan n~g maaayos at maliliwanag na pagmamatwid ay
nakukuhang payapain ni Mauro ang mapupusok na kalooban n~g
kanyang m~ga kasama sa haráp n~g namamalas na nalalapit na
pagkabigo n~g aklasan.
--Huwag--anya--huwag. Huwag nating isipin n~gayon ang
pagpapadának n~g kahi't iisang patak na dugo n~g ating m~ga kapatid
din; hindi natin kailan~gan, at kailan~gan man natin ang gayon, ay
hindi natin magagawa nang may kapakinaban~gan tayong tatamuhin.
¡Para sa m~ga manggagawang pilipino, ang araw na iyan ay hindi pa
dumarating; hindi pa n~ga, at lubhang napakalayo pa! Kung
magkaminsan n~ga ay kinakailan~gan din ang pagpapadanak n~g dugo
upang maipakilala sa m~ga taksil, ang kasamaang ibinubun~ga n~g
kanilang m~ga gawain at ang kahiduwaang pumapatay sa
magagandang simulain, sa pamamagitan n~g kanilang m~ga inaasal;
datapwa't ang gayon ay ginagawa at nagagawa lamang sang-ayon sa
m~ga pagkakataon, at sang-ayon sa uri at hugis n~g sosyalismong
umiiral at nalalaman ó kinikilala at pinamamantun~ganan n~g m~ga
manggagawang gagamit n~g gayong sandata ... Kayo na ang magsabi.
¿Ano ang kapakinaban~gang mahihintay natin pagkatapos n~g
pagpapadanak n~g dugo? Wala, kundi maghari ang lakás n~g m~ga
batás sa ibabaw n~g sawing-palad na tumupad sa atas n~g isang
dakilang mithi ... at pagkatapos, ay maging dahil pa n~g m~ga pagpula
sa gumawa; maging sadlakan n~g paguyám at tagurian pa n~g
mamamatay, unang-una na noong m~ga makikinabang sa huli sa
mabuting bun~ga n~g gayong pagpatáy. Makikita rin natin, na ang
magiting na ito, ay bukod sa di na kahahabagan man lamang sa
kinasapitang palad ay aalimurahin pa; itatakwil at pawawalang
kabuluhan sa haráp man n~g marami. Kaya n~ga m~ga kapatid; ¡saka
ná! ¡Saka ná, kung makilala n~g m~ga manggagawang pilipino ang
tunay niyang karapatan!
Ang ganitong pan~gan~gatwiran ni Mauro ay siya lamang ikinapayapa
at ikinalamig ng puso n~g m~ga kasama.
At ... ang lahat ay naghiwahiwalay ...

=V=
At ... ¿si Gervasio ay saan naroron? ¿Ano't sa m~ga huling pangyayari
ay di man lamang nakita gayong siya ang pan~gulo...?
Alamin natin.
Gaya nang nalalaman natin, si Pablo, nang makalabas sa pintuan n~g
pagawaan, ay nagisip n~g m~ga paraang gagamitin sa paghimok kay
Gervasio, upang ito ay magbalik sa Pagawaan. Sa gabi rin n~g araw na
yaong makausap siya n~g may Pagawaan ay nagsadya na siya sa bahay
n~g hihikayatin, at taglay sa puso ang malaking pagasa sa tagumpay ay
walang kimi
Continue reading on your phone by scaning this QR Code

 / 19
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.