m~ga namamahala sa pagawaan at bagkus na
nagpakatigástigás sa kanilang nasa.
--Ang m~ga mamumuhunan--ang patuloy pa n~g nagsasalita--ay
nagsabi pa, na kung sino raw ang ayaw tumanggap n~g mababang úpa
ay maaaring huwag pumasok. Kayó--anyá--ang masusunod n~gayon:
ang ibig tumanggap ay makapapasok at ang ayaw nama'y huwag. Sa
harap n~g ganitong pagmamatwid, kayo, m~ga kasamang anák-pawis,
ang siyang magpasya; sabihin ninyo n~gayon dito kung ano ang
minamarapat ninyong gawin.
At pagkatapos na mapahiran ang mukhang pawisán n~g nagsasalita ay
ipinatuloy:
--M~ga kapatid: ¿ibig bagá ninyong tanggapin ang pagbababa n~g úpa?
--¡¡Ayaw kami!!--ang sigawang napakalakás n~g lahat.
--Kung gayon--anang pan~gulo pa rin--¿ano ang ibig ninyong gawin?
--¡Magsiaklás!...
Itó ang sagutan n~g lahat.
At ang alin~gawn~gaw ay lumaganap na naman.
Untiunting nagkakain~gay; at hanggang sa pagkailang sandali ay hindi
na halos magkamayaw.
Sa haráp n~g gayong mainit na kilusán, si Mauro, ang bagama't bata sa
tanang m~ga kasama sa paggawa ay kina-aalang-alan~ganan n~g
marami sanhi sa taglay na maran~gal na ugali at iniiwing kaunting
talino, sa harap n~ga n~g gayong pagkakagulo, ay boong siglang
tumayo at sa madla'y sinabi:
--Mga kapatid; kayo'y pumayapa.
At ang lahat ay natahimik. Narinig nila, na ang nagsasalita ay si Mauro;
si Maurong tuwituwina'y kanilang iginagalang.
Ang pagkakagulo ay nahusay at ang lahat ay humandang makinig.
At si Mauro, sa harap n~g gayong katahimikan ay nagsalita:
--M~ga kamanggagawa:--anya sa buháy na tinig.--Sa haráp n~g
napakalaking suliranin na sa n~gayon ay ating kinasusuun~gan ay
kinakailan~gan natin ang isang lalong malinaw na pagiisip upang ang
bigát n~g suliraning ito ay mapagpasyahan natin n~g boong liwanag at
huwag tayong malihis sa landas n~g matwid. Kinakailan~gan natin
n~gayon, at higit kailan man, ang isang malamig na kalooban, upang
ang kalamigang ito ay siyang maghatid sa atin sa wasto at makatwirang
pagkilos at pagpapasyá. Kailan man, ang kapusukan at init n~g loob, sa
anomang bagay na gagawin, ay malimit humantong sa pagsisisi;
pagsisising sa lahat nang sandali ay dapat nating ilagang sumapit, lubha
na sa m~ga bagay na dakila't mahalaga, na gaya na n~ga n~g hinaharap
natin n~gayon, na pagtatanggol sa matwid at karapatan nating m~ga
manggagawa. Matwid at karapatan nating m~ga manggagawa, ang
wika ko, sapagka't ang matwid at karapatang ito, ang sa pagbababang
iyan n~g úpa sa paggawa ay siyang niwawalang kabuluhan at ibig
yurakan. Karapatan natin sa haráp n~g sino man, na ang pagpapagod at
pawis na pinupuhunan natin ay tumbasán n~g sapát na kaupahán; at
ang karapatang itó, kailan ma't ibig na bawasan, ay matwid naman
natin ang tumutol hanggang maaari at ipagtanggol hangga't maaabót
n~g kaya ... sukdang ikamatay.
Naputol sumandali ang pagsasalita ni Mauro, sanhi sa maugong na
palakpakang isinunód n~g madlang nakikinig sa huli niyang m~ga
pan~gun~gusap.
Pagkatapos n~g palakpakan, si Mauro ay nagpatuloy:
--Sa m~ga nangyayari sa atin n~gayon ay maliwanag na nakikita natin,
na ang karapatan at matwid nating ito ay ayaw kilalanin. Sa
pamamagitan n~g ipinan~gan~gahás nilang lakás, ang alin mang daing
natin ay ayaw na dinggin. Nagbibin~gibin~gihan sila at sa kahinaan
natin ay malalakas at maugong na halakhakan ang itinutumbas. Sa
haráp n~ga n~g ganitong m~ga pangyayari ¿ay ano ang kailan~gan
nating gawin? ¡Ah, m~ga kapatid! Kinakailan~gan natin ang lakas ... at
upang ang lakas na ito'y tamuhin natin ay kailan~gang lubha ang
pagiisá, pagka't tan~ging naririto ang ganáp na tagumpay. Sa ganito
n~ga ¿ay ano ang ibig ninyong gawin?
--¡¡Masiaklás...!! ¡¡Magsiaklas!!--ang sigawan n~g lahat.
--Kayó ang masusunod--ang patuloy pa ni Mauro--Ibig ninyong sa
pagpapakilala n~g ating matwid ay gamitin ang aklasán, ¡gamitin n~ga
natin! datapwa't ipahintulot muna ninyong, ako, na kapatid ninyo at
kaisang-palad ay magpaalaala n~g isang bagay. Ang aklasan, para sa
m~ga anák-pawis na gaya natin, para sa m~ga nabubuhay sa
lanran~gan n~g paggawa sa Pilipinas, ay gaya rin naman n~g sa m~ga
manggagawa sa Pransia, sa Amérika sa Espanya at sa iba pa mang
lupain, na ginagamit na sandata laban sa paghahari n~g lupit n~g
Puhunan sa ibabaw n~g matwid at karapatan n~g m~ga manggagawa.
Ang aklasan, ay ginagamit kung ang makatwirang daing at kahilin~gan
n~g m~ga anák-pawis ay ayaw na dinggin n~g Puhunan; at sa m~ga
nangyayaring ito sa atin ay maliwanag na namamalas na tayo'y ayaw
pakinggan sa makatwirang pagtutol. Upang kilalanin n~g Puhunan ang
ating matwid, kayo rin ang nagsusumigaw n~gayon, na gamitin natin
ang aklasan; kung gayon, ¡tayo'y magsiaklás...! Subali't sa
paglalabanang kasusuun~gan natin ay kinakailan~gan, na n~gayon pa
man ay humanda na tayo sa pagtitiis n~g hirap. Ilaan natin ang katawan
sa m~ga sakit na karaniwang dinaranas sa alin mang pagbabaka bago
sumapit ang tagumpay, at hindi lamang ang m~ga sarili natin ang ilaan
sa pagbabaka at pagtitiis, kundi pati rin naman n~g sa ating m~ga
asawa't anák, magulang at kapatid, na pawang magsisipagtiis n~g
gutom, kung sakali't kakailan~ganin ang mahahabang araw sa
pagbubungguan n~g dalawang lakás. ¡Pagtitiis at pagtitiis...! Ito ang
kailan~gan natin upang maitaguyod n~g boong dan~gal ang aklasang
gagawin ... At, kung
Continue reading on your phone by scaning this QR Code
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.