Isa Pang Bayani | Page 3

Juan L. Arsciwals
n~g isang Lupon sa m~ga mamumuhunan,
upang maipabatid na sa dating mababang upa na kanilang itinatanggap
sa bawa't "vitola" ay hindi na nila matatanggap pa ang pagbababang
gagawin; at tuloy na ipinamanhik sa nahalal na Lupon na mangyaring
gawin nila ang lahat nang magagawa, upang sa mapayapang
pagmamatwid, ang m~ga mamumuhunan ay magbagong pasyá.
Ang nan~gahalal na Lupon ay ang pan~gulo na rin n~g kanilang
Kapisanan na nagn~gan~galang Gervasio Sarili at si Mauro Alvarez. Sa
dalawang ito ay tatlo pa ang isinama na pawa namang m~ga kasama
nila sa pagawaan at sa Kapisanan.
Ang m~ga ito ay siya nilang pinagkayarian sa pulong na idinaos sa
kinahapunan n~g pagkatanggap nila n~g babala; kaya't nang umagang
yaon n~g ika 29 n~g Hunio, at sa pook na naiulat na sa dakong una,
ang m~ga dukhang anák-pawis, ang m~ga manggagawang tabakero na
nagkakatipon sa iba't ibang súlok at hayág na pook n~g m~ga daang
Ilaya at Azcarraga, ay sabik na sabik at iníp na iníp na halos sa
paghihintay sa kahahangganan n~g paguusap, na nang m~ga sandaling
yaon ay idinadaos n~g nahalal na Lupon n~g m~ga manggagawa at n~g
m~ga mamumuhunan.
Ikasiyam na n~g umaga; subali't ang m~ga hinihintay nila ay di pa
dumarating.
Sa malaking pintuan n~g pagawaan, ang bawa't tao ó m~ga taong
makita nilang lumabás at lumalabas, akala nila'y siya nang hinihintay
nila, siyang Lupong sinugo nila ... N~guni't parating nabibigo, parating
nawawalan n~g saysay ang kanilang m~ga hinuha.

--¡Pagkatagaltagal...!--ang ulit-ulit na nawiwika n~g marami.
--Magsisilabás na sila ...--ang wika naman n~g ilan, na parang
itinutugón at inilulunas sa pagkainíp n~g madla.
At parang itinaón sa huling tugon n~g ilán, sa pinto n~g pagawaan ay
nagsilabas ang limá katao.
--¡Narito na! ¡Narito na!--ang sunodsunod at nagkapanapanabay na
naibigkás n~g marami, nang makita ang m~ga nagsilabás.
Ang bawa't pulutong n~g m~ga manggagawang yaón, ang bawa't
pangkat na nag-uúsap, ang lahatlahat na, ay nagsikilos, nagsilakad, at
ang dumarating na Lupon ay sinalubong.
--M~ga kapatid:--ang wikang malakas n~g pan~gulong Gervasio nang
mapalapit sila sa m~ga kasama--Mahaharap marahil tayo sa isang
malaking paglalaban.
--¿Anó po ang nangyari?--¿Anó po ang kinasapitan?--ang sabáy-sabáy
na tanun~gan n~g marami.
--Wala; ang m~ga mamumuhunan ay ayaw na duminig sa daing nating
lahat; sila ay nagpapakatigás ...--ang tugón din n~g pan~gulo.
--Kung gayon, tayo'y magsiaklás.--ang sigaw n~g isang manggagawa.
--¡¡Magsiaklás...!! ¡¡Magsiaklás ...!!--ang ulit-ulit na sigawan n~g
marami.
--M~ga kasama:--ang malakas na wika ni Mauro,--¡Tayo'y huminusay!
Pumayapa tayo, at ang lahat ay pagusapan natin n~g boong kalamigang
loob.
--¡¡Welga!! ¡¡Welga!!--ang ipinaghuhumiyaw din n~g marami.
--¡¡Tayo'y magsiaklás...!!--ang ulit n~g ilan.
--¡¡Magsiaklás!!--ang tugón n~g lahat.

--Ang lahat ay magagawa--ang tugóng malakas din ni Mauro--subali't,
kailan~gan nating pagusapan muna ang m~ga paraang gagawin. Tayo'y
magpulong n~gayon din, at doon nating pagkaisahan ang lahat.
--¡Magpulong! ¡Magpulong!--ang sigawan n~g lahat.
--Tayo nang lahat sa dulaang Rizal--ang wika n~g pan~gulo.
--¡Sa dulaang Rizal!--ani Mauro naman.
--¡Tayo na m~ga kasama...!--ang ulit n~g madla.
At ang lahat ay nagsilakad; parang iisang katawan nang kumilos, at ang
dulaang Rizal na di naman nalalayo ay siyang tinun~go.
Sa mukha n~g bawa't isá, ang kagitin~gan ay nababakas; at nababadha
sa pawisan nilang noo ang búhay, ang sigla at ang lakás.
Ang masiglang kilusang yaon n~g m~ga manggawang tabakero, ay
labis na mahihinuhang kung magpapatuloy ay siya nang babala n~g
pagsikat n~g mabiyayang araw n~g Katúbusan.

=II=
At, ang malaki at maaliwalas na dulaang Rizal, sa kapahintulutan n~g
m~ga may-ari, ay kaunti nang mapuno sa dami n~g tao.
Halos dalawa sa ikatlong bahagi n~g m~ga butaka ay may m~ga tao;
bukod pa ang m~ga nagtayo sa paligidligid n~g palko at "entrada
general."
Sa harap n~g lahat, at sa ibabaw n~g "escenario," ay nan~gakaupo sa
palibid n~g isang lamesa ang Lupong sinugo, at ang ilán pa rin sa m~ga
bumubuo n~g lupong pamunuan n~g Kapisanang Manggagawa sa loob
n~g pagawaan.
Samantalang ang m~ga na sa itaas n~g "escenario," ay nan~gaguúsap

pa muna bago pasimulan ang pulong, ang m~ga nan~gasasaibaba
nama'y walang tigil sa m~ga pagsasalitaan, pagsasalitaang nauukol na
lahat sa mangyayaring labanan n~g m~ga manggagawa at
mamumuhunan.
Ang alin~gawn~gaw n~g salitaan ay gayon na lamang, at halos ang
iba'y hindi na magkarinigan.
--¡Ituloy ang aklasan!--ang walang ano-ano ay narinig na isinigaw n~g
isá.
--¡¡Ituloy!!...--ang tugóng pasigaw din n~g karamihan.
--At lalo nang hindi magkamayaw sa in~gay ang lahat.
Isang tinig, ang mula sa ibabaw n~g "escenario," ay narinig.
At ang tinig na ito'y siyang pumutol sa masiglang paguúsap n~g lahat.
At ang lahat ay napatahimik, at ang m~ga panin~gin ay tun~gong lahat
sa magsasalita.
Si Gervasio ay siyang nakatayo sa harap n~g madla. Sa lahat ay
ipinabatid, na ang pulong ay bukás na.
At pagkuwan ay sunod na isinalaysay ang m~ga pinangyarihan at
kinahangganan n~g paguúsap n~g Lupon at n~g m~ga mamumuhunan.
Ipinakilala at isinakabatiran n~g lahat, na ang pagbababa n~g úpa ay
ipagpapatuloy din, at ang anomang matwid na iniúlat n~g Lupon ay
ayaw dinggin n~g
Continue reading on your phone by scaning this QR Code

 / 19
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.