Isa Pang Bayani | Page 5

Juan L. Arsciwals
kayo, m~ga magigiting na anák-pawis ay hindi
nahahanda sa gayon, makalilibo pang mabuti na tayong lahat n~gayon
ay mamayapa na at sumailalim n~g bawa't maibigan n~g m~ga
mamumuhunan.
--¡¡Magtiis tayong lahat!!--ang sigaw n~g lalong marami.
--Salamat, m~ga kapatid:--ang patuloy pa ni Mauro--Kung gayon mula
sa araw na ito, buhat sa m~ga sandaling ito, ang sandata nating m~ga
manggagawa na dili iba't ang aklasan, ay gagamitin, upang huwag na
muling isalong kundi kung tamuhin na ang ganap na tagumpay.
¡Magpakatatag tayong lahat! At huwag nawang samakanino man sa
atin ang pagtataksil. Ang sariling kapakanan at kagalin~gan n~g bawa't
isa sa atin ay kailan~gang isailalim sa kapakanan at kagalin~gan n~g
marami upang ang kabusabusan ay mawala at lumiwayway sa

Silan~ganan n~g bayang manggagawa ang mabiyayang araw n~g
Katubusan. M~ga kamanggagawa: Isigaw nating: ¡Mabuhay ang
aklasan!
--¡¡Mabuhay!! ¡¡¡Mabuhay!!!--ang sigawan n~g lahat.
--Sino man ay walang magtataksil.
--¡Wala ni sino man!
At ang aklasan mula noon ay napagtibay.
Ang Lupong sinugo sa pakikipagusap sa m~ga mamumuhunan ay siya
na ring pinagkaisahang maging palaging Lupon sa aklasan.
Masisiglang gayon na lamang ang lahat na noon ay naghiwahiwalay, na
taglay sa puso n~g bawa't isá, ang malaking pananalig sa kadakilaan
n~g kanilang ipakikipaglaban.
Sa kapahintulutan n~g may-ari n~g dulaang Rizal, ito ay siyang
pinagkayarian ding maging "Cuartel General" n~g m~ga nagsiaklas.
Ang Lupon sa aklasan, noon din ay napatun~go sa Kawanihan n~g
Paggawa, upang ipagbigay alam ang m~ga nangyari.
Pagkatapos n~g ilang pagtatanóng na ginawa n~g matalinong
Tagapamahala, ukol sa pinagbuhatan n~g aklasang ipinasya n~g lahat,
ang Kawanihan ay nan~gakong gagawin niya ang lahat nang
magagawa upang sa lalong madali ay malutas ang salitaan sa
ikasisiyang loob n~g bawa't panig.

=III=
Umaga n~g kinabukasan.
Sa malaking pagawaan n~g tabako sa daang Ilaya, bagama't nakabukas
maluwang niyang pinto, ay wala namang makikitang isa mang

manggagawa.
Tahimik, at ang datidating yabag n~g m~ga paang lumalakad sa
pagyayao't dito n~g m~ga tabakero, sa pagkuha n~g m~ga "material"
na gagamitin, at ang pagpupukpukan sa m~ga "tapadera" nila n~g
m~ga pangbuling gamit, saka ang mataginting na tunóg n~g m~ga
"chaveta" na ipinangdadapa n~g m~ga nag-alimbutod na "butó" n~g
dahon n~g tabako, at sampu na n~g malalakas na awitan n~g m~ga
tabakera, noon ay pawang di na naririnig.
Sa loob ng pagawaan, (at sapagka't sa Pilipinas ay di pa naghahari ang
ganap na pagdadamayan n~g m~ga manggagawa) ay tan~ging makikita
ang ilang manggagawa n~g kahong maliliit n~g tabako at saka ilang
"embasador."
Ang m~ga ito n~ga ay siya lamang makikita, sapagka't sa ganang
kanila, ang kilusan n~g m~ga kapatid nilang tabakero ay di nila
nararapat sundan at katigan, sanhi sa pangyayaring ang gawin nila ay
naiibá sa gawain n~g m~ga yuon.
Ang kawikaang: Ang sakit ng kalingkingan ay damdamin ng boong
katawan sa kanila ay walang kakabukabuluhan, alangalang na n~ga sa
paniniwala nilang iba sila.
¡Anong laking pagkakaiba n~g ugali at kilos n~g m~ga manggagawa sa
ibang lupain, sa ating m~ga manggagawa...!
Sapagka't, samantalang doón, sa boong kaeorupahan at sa iba pang
dako n~g Sangdaigdig, ang kilusan at pagdadamayan n~g m~ga
anak-pawis ay hindi kumikilala ni pumipili n~g uri n~g m~ga
manggagawang dadamayan, kundi sukat na ang pangyayaring kumilos
ang isang pangkat na manggagawa sa pagtatanggol n~g matwid, upang
ang iba namang pangkat ay kumilos, umabuloy at dumamay at kumatig
sa madlang gawain n~g m~ga yaon, at kadalasan pa, lubha na kung
nagaapóy na halos ang labanan n~g Puhunan at Paggawa, sampu na
n~g lahat n~g m~ga manggagawang may iba't ibang uri at kalagayan ay
sumunód naman sa m~ga ginawa n~g m~ga dinadamayan; samantalang
ang pagtutulun~gan at pagaabuluyan n~g m~ga manggagawa roon ay

ganáp na ganáp, dito naman sa atin ay hindi, kundi ang kadalasan pa'y
hindi maabuluyan n~g anoman ang m~ga nagsiaklás hanggang sa huli,
sa pagtatanggol n~g matwid at karapatan.
At ... tayo'y magpatuloy....
Nang umaga n~gang yaon, samantalang ang karamihan n~g m~ga
nagsiaklás, ay nan~gawiwili sa paguusap sa "Cuartel General" nila,
isang tao naman ang pumasok sa maluwang na pinto n~g Pagawaan.
Pagkapasok ay ang tanggapan n~g Tagapamahala ang tinun~go.
Sa loob n~g nasabing tanggapan at sa haráp n~g isang lamesang
marmol ay nan~gakaupo ang tatlo katao at kaukausap n~g nasabi nang
Tagapamahala.
Ang tatlong yaon ay siyang m~ga may-ari n~g pagawaan.
--Magtuloy ka, Pablo, magtuloy ka--ang anyaya n~g Tagapamahala sa
taong pumasok, nang makita itong nakatayo sa may pintuan.
At si Pablo (tawagin na natin n~g ganitó yamang siyang itinawag sa
kanya) ay nagtuloy at sa isang silya ay umupo.
--Ipinatatawag daw po ninyo akó--ang simulang wika ni Pablo nang
maupo na.
--Oo;--anang Tagapamahala--ipinatawag kita, sapagka't may isang
bagay na mahalaga akong sasabihin sa iyó.
--¿Ano po yaon?--ang may malaking pananabik na tugón n~g
kinakausap.
--Isang mahalagang bagay na kapapalooban n~g iyong ikagiginhawa, at
hindi lamang ikaw, kundi sampu pa n~g iyong "familia," kung aáyon
ka sa aking sasabihin.
--Sabihin mo na po.

--Nalalaman mo na marahil, na mula pa kahapon,
Continue reading on your phone by scaning this QR Code

 / 19
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.