Isa Pang Bayani | Page 2

Juan L. Arsciwals
ang dito'y inilarawan ng may akda, at dahílan
dito'y ¿ano at bakit nga di magkakahalaga ito sa ang akdang ito'y
magiging pangpagunita sa kalunoslunos na kahapon ng suliraning

manggagawa rito? Dahil na dahil man lamang dito, at huwag na sa iba
pa, ay labis nang ikagalak at purihin ang pagkakapaglathala dito._
_Kaya, tanggapin ng kaibigang Arsciwals ang aking papuri._
=_Carlos Ronquillo._=
25 Sept. 1915.

Ilang salita muna ...
Mga Manggagawa:
Sa paglalathala ko n~g aklat na itó ay wala akong nasang iba, liban na
sa mailantad sa harap n~g madla ang isang karaniwang sakit na siyang
pumapatay na madalas sa masisiglang kilusan n~g m~ga anak-pawis sa
Pilipinas; sakit na hangga't nagtatagal at lumalaon ay lumilikha n~g
libolibong kasawian sa buhay at sa kapalaran n~g m~ga manggawang
pilipino; at sakit na kung di aagapan n~g lunas n~g m~ga may
tungkulin ay siyang pagbubuhatan n~g lubos at ganap na
pagkapariwara n~g lalong magaganda at dakilang kilusán n~g m~ga
kawal n~g bisig.
Hindi ko nasa ang maglahad n~g anomang tuntunin ukol sa bagay na
ito sapagka't hindi pa ako karapatdapat sa gayon; subali't, nais kong
kahi't bahagya ay makatulong sa paghanap n~g sakit na
pinagbubuhatan n~g untiunting pagkamatáy n~g masisigla at
mahahalagang kilusan n~g ating m~ga manggagawa, upang pagkatapos
ay mailantad sa haráp ng madla, na walang anomang takip at hubad na
hubad.
¡Nariyan n~ga ang sakit! At ang m~ga nagtataguyod sa buhay at
kapalaran n~g m~ga anak-pawis sa Pilipinas ay siyang unaunang
nararapat na humanap n~g lunas upang sa lalong madaling panahon ay
magamot ang sakit na nasabi.
Ipinagtatapat ko rin naman, na, sa pagsulat ko n~g kasaysayang ito ay

hindi ko nasang sugatan ang damdamin n~g sino at alin mang tao ó
Kapisanang Manggagawa; at ang nagudyók sa akin sa ganitó ay ang sa
mula't mula pa'y magandang nais na makita sa lalong madali ang
pagliwayway n~g ganap na Katubusan n~g m~ga mangagawang
pilipino, maging anoman ang kahalaga n~g Katubusang ito.
Sa wakás ay malugod at buong puso kong inihahandog ang Munting
Kasaysayang ito, sa lahat at bawa't isa n~g m~ga manggagawang
pilipino at gayon din sa m~ga matatalinong makamanggagawa na
nagtataguyod sa buhay at kapalaran n~g m~ga anák-pawis dito sa atin.
Kun sa palagay ninyo, m~ga manggagawang pilipino na makababasa sa
Kasaysayang kalakip nito, ang kanyang m~ga nilalama'y walang
kahaláhalagá sa harap n~g m~ga suliraning manggagawa sa Pilipinas
ay ipalalagay ko rin, na ako'y walang sinulat na anoman, at ang
Kasaysayang ito ay ituring ninyo na isang panaginip n~g sumulat ó
isang pan~garap lamang n~g diwa kong umaasa sa Tagumpay n~g
Paggawa sa ibabaw n~g Puhunan....
=_Juan L. Arsciwals._=
Tundo, Maynila, S. P.
Sept. 8, 1915.

=I=
Umaga n~g ika 29 n~g Hunio n~g 1914. Ang maluwang na daang
Azcarraga, sa dakong Tundo sa panulukan n~g daang Ilaya, na
kinatatayuan n~g isang malaking pagawaan n~g tabako, ay marami ang
nagtayong m~ga manggagawa; m~ga babai't lalaki, matatanda't bata.
Pulúpulutóng ang pagkakaáyos. May kanikaniyang usapan at may
kanikaniyang pinagtatalunan.
Sa anyo't pagmumukha n~g lahat at bawa't isá sa kanila ay nalalarawan
ang isang malaking pagkainip, pagkainip na kinababadhaan n~g

pananabik n~g kanilang m~ga puso sa isang mahalagang bagay mandin
na ibig malaman.
Doon, sa dako n~g dulaang Rizal, ay isang pulutong ang makikita;
nan~gaguusap at nagtatatalong mainitan. Sa dako pa rito, sa tapat n~g
Botika Morelos ay isá pang pulutóng; pulutóng na kinabibilan~gan n~g
maraming kabai.
Saa't saan man, at ang lahat halos n~g dako n~g panulakán n~g m~ga
daang Azcarraga at Ilaya, ay kakikitaan n~g maraming m~ga
manggagawa na ang m~ga mata ay pawang napapako sa iisang pook;
sa maluwang na pinto n~g isang malaking bahay, n~g bahay pagawaan
n~g tabako na kanilang pinapasukan.
--¡Kay tagal nila...!--ang pabulalas na wika n~g isa sa nagkakalipon.
--¿Anó kaya ang kasasapitan?--ang wari'y tanong na isinagot n~g isá
pa.
At ang tanong na itó'y hindi napan~gahasang sagutin n~g sino man sa
m~ga kaharáp, at sa m~ga labi n~g bawa't nakarinig ay waring
napabitin ang kasagutan.
Walang ginawa ang marami kundi sa pintuang pinagmamalas na lagi ay
ipako ang m~ga mata, at nang wala ring makitang anoman ay agad na
binawi ang m~ga panin~gin upang sa m~ga kalipon ay ibaling.
¿Anó ang hinihintay n~g m~ga manggagawang ito?
¿Anóng bagay ang kanilang kinasasabikang malaman?
¿Ano't sa mukha n~g lahat ay nababadha ang malaking pagkainip?
Alamin muna natin ang lahat nang ito, samantalang naghihintay sila
upang mabatid natin.
Nang araw na sinundan, ang m~ga manggagawang nasabi ay
tumanggap n~g isang babalang buhat sa m~ga may-ari n~g pagawaan,
at doo'y ipinababatid sa kanila na sa kinabukasan ay ibababa ang upa sa

lahat n~g m~ga "vitola" na kanilang ginagawa.
Pagkatanggap nila n~g gayon babala, at sa pan~gan~gasiwa n~g
pangulo n~g Kapisanan nilang natatayo sa loob n~g pagawaan ay
nagsipagpulong ang lahat, at doon ay pinagusapan ang nararapat nilang
gawin.
Pagkatapos n~g isang mahaba at mainitáng pagtatalo ay pinagkaisahan
n~g lahat, na magsugo
Continue reading on your phone by scaning this QR Code

 / 19
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.