Ibong Adarna | Page 4

Not Available
aquing paroroonan.
Ang sagot nang ermitaño don Jua'i, maquiquita co, na cun bagá nga totoó ang pagsunód
sa amá mo.
Ang cahoy mong naraanan cauili-uiling pagmasdan, yaon ang siyang hapunán nang ibon
mong pinapacay.
Na cun siya'i, dumating na sa cahoy ay magcacantá, at ang gabi'i, malalim na ualang
malay cahit isá.
At cun yao'i, matapos na nang caniyang pagcacantá, pitó naman ang hichura balahibong
maquiquita.
Ay nang iyong matagalán pitóng cantang maiinam, quita ngayon ay bibiguian nang
maguiguing cagamutan.
Naito at iyong cuha pitóng dayap at navaja, ito'i, siyang gamót bagá na sa ibong
encantada.
Balang isang cantá naman ang catauan mo'i, sugatan, at sa dayap iyong pigán nang di mo
macatulugan.
At cun ito'i, matapos na nang macapitóng pagcantá, ay siyang pagtáe niya don Juan ay
umilag ca.
Capag icao'i, tinamaan nang táe nang ibong hirang, maguiguing bató cang tunay doon ca
na mamamatáy.
Naito'i, cunin mo naman ang cintas na guintong lantay, pagca-hauac ay talian at gapusin
mong matibay.
Caya bunsó hayo ca na at ang gabi'i, malalim na, at malapit nanga bagá dumating yaóng
Adarna.
Yáo nanga si don Juan sa Tabor na cabunducan, at caniyang aabangan ang ibong
pinag-lalacbay.
Nang siya'i, dumating na sa puno nang cahoy bagá doon na hinintay niya yaon ngang
ibong Adarna.
Ay ano'i, caalam-alam sa caniyang ipaghihintay, ay siyang pagdating naman niyaong
ibong sadyang mahal.
Capagdaca ay naghusay balahibo sa catauan, ang cantá'i, pinag-iinam cauili-uiling
paquingan.
Naghusay namang mulí pa itong ibong encantada, umulit siyang nagcantá tantong
caliga-ligaya.
Nang sa príncipeng marinig yaóng matinig na voces, ay doon sa pagca-tindig tila siya'i,
maiidlip.
Quinuha na capagdaca ang dala niyang navaja, at caniyang hiniua na ang caliuang camay
niya.
Saca pinigán nang dáyap nitong príncipeng marilág, cun ang ibon ay magcoplas ay
nauaualá ang antác.
Di co na ipagsasaysay pitóng cantáng maiinam, at ang aquin namang turan sa príncipeng
cahirapan.
Pitóng cantá'i, nang mautás nitong ibong sacdal dilág, pitó rin naman ang hilas cay don
Juang naguing sugat.
Ay ano'i, nang matapos na ang caniyang pagcacantá, ay tumáe capagdaca ito ngang ibong
Adarna.
Ang príncipeng si don Juan inailag ang catauán, hindí siya tinamaan para nang unang

nagdaan.
Siya nangang pagtúlog na nitong ibong encantada, ang pacpac ay nacabucá dilát ang
dalauang matá.
Nang sa príncipeng matátap nagtahan nang pagcocoplas, umac-yat na siyang agad sa
cahoy na Piedras Platas.
Nang caniya ngang maquita ang pacpac ay nacabucá, dilát ang dalauang mata nilapitang
capagdaca.
Agad niyang sinungabán sa paa'i, agad tinangnan, guinapos niyang matibay nang cintas
na guintong lantáy.
At bumabá nanga rito ang príncipeng sinabi co, itong ibong encantado dinalá, sa
ermitaño.
Sa ermitañong quinuha mahal na ibong Adarna, inilagay nanga niya sa mariquit na jaula.
Ang uica nang ermitaño itong bangá ay dalhin mo, madalí ca at sundin mo ang
ipinag-úutos co.
Muha ca nang tubig naman dalauang bató ay busan, nang sila ay magsilitao manga
capatid mong hirang.
Si don Jua'i, lumacad na ang banga'i, caniyang dala, sumaloc nang tubig siya. at ang
bató'i, binusan na.
Si don Pedro'i, ang nauna na siyang nabusan niya, lumitao capagcaraca at hindi
namamatay pa.
Umuling sumaloc naman si don Diego ang binusan, nagquita silang mahusay at hindi pa
namamatay.
Malaquing pasasalamat nang magcapatid na liyag, ualá silang maibayad cay don Juang
manga hirap.
Sila'i, agad napatungo sa bahay nang ermitaño, at naghain nanga rito pinacain silang
tatló.
Ay ano'i, nang matapos na nang pagcain sa lamesa, capagdaca ay quinuha garrafang may
lamáng lana.
At caniyang pinahiran yaong sugat ni don Juan, gumalíng agad nabahao at ualang bacás
munti man.
Nag-uica ang ermitaño mangagsi-ouí na cayó magcasundó cayong tatló at huag ding may
mag-lilo.
Don Juan ay cunin mo na iyang mariquit na jaula, baca di datning buháy pa ang
monarcang iyong amá.
Bago umalis at nanao ang príncipeng si don Juan, ay lumuhód sa harapan nang
ermitañong marangal.
Napabendición nga muna at saca sila'i, nalis na, si don Pedro ay nagbadyá cay don
Diegong bunso niya.
Si don Juan ay magaling pa hindí mahihiyá siya, at siya ang nacacuha nito ngang ibong
Adarna.
Ang mabuti ngayon naman ang gauin nating paraan, patayin ta si don Juan, sa guitna
nang cabunducan.
Si don Diego ay nag-uica iya'i, masamang acala, ang búhay ay mauaualá nang bunsóng
caaua-aua.
Ani don Pedro at saysay cun gayon ang carampatan, umuguin ta ang catauan at saca siya
ay iuan.

Ito ang minagaling na sa loob nilang dalaua, ang cataua'i, inumog na nang bunsong
capatid nila.
Di anong casasapitan nang pagtulungan sa daan, ay di nanga macagaláo ang príncipeng si
don Juan.
Quinuha na capagdaca ang dalá nga niyang jaula, nang dalaua't, omoui na doon so
reinong Berbania.
Nang sila'i, dumating na sa canilang haring amá ang ibong canilang dalá nangulugó
capagdaca.
Itinanong si don Juan. nang hari nilang magulang, sagót nang dalauá naman di po namin
naalaman.
Nang ito'i, maringig
Continue reading on your phone by scaning this QR Code

 / 24
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.