na ang sabi nilang dalauá, ang saquít ay lumubhá pa nitong
daquilang monarca.
Saca ang ibong marilág balahibo'i, nangu-ngulág, di magpaquita nang dilág sa haring
quinacaharap.
Ang uica nang hari bagá itó ang ibong Adarna, anong samá nang hichura sa ibong capua
niyá.
Ang sinabi nang medico na ito rao ibong itó, ay may pitóng balahibo na tantong
maquiquita mo.
At cun ito ay magcantá lubhang caliga-ligaya, ngayo'i, nangasaan bagá, at di niya
ipaquita.
Hindi pa nga nagcacantá itong ibong encantada, at sapagca nga uala pa ang cumuha sa
caniya.
Ito'i, aquing pabayaan ang di niya pagsasaysay, at ang aquing pagbalicán ang príncipeng
si don Juan.
Ano ang casasapitan nang umuguin ang catauan, hindi naman macagapang sa guitna nang
cabunducan.
Di anong magagauá pa nang di macaquilos siya, ang nasoc sa ala-ala tumauag sa Vírgeng
Iná.
Aniya'i, ó Vírgeng mahal anó cayang naisipan, manga capatid cong hirang at aco'i,
pinag-liluhan.
Ang boo cong ala-ala caming tatlo'i, tiuasáy na, mahusay na maquiquita mahal naming
haring amá.
O bacá pa caya naman ay sa ibon ang dahilan, at caya pinahirapan sila ang ibig
magtangan.
Cun sinabi nila sana ang maghauac na ay sila, yao'i, gaano na bagá di ibigay sa canila.
Cayo naua'i, pagpalain nang Dios at Ináng Vírgen, gaua ninyong di magaling ang
guinhaua'i, siyang datnin.
Nagpanibagong nangusap ang príncipeng na sa hirap, ó Vírgeng Ináng marilág amponin
mo di man dapat.
Aco'i, iyong calarahin cay Jesús Anác mong guilio, magdalita't, patauarin sa manga gaua
cong linsil.
At doon sa oras naman cun aco ma'i, mama matáy, caloloua co'i, hugasan nang caniyang
dugóng mahal,
Ay anó'i, caguinsa-guinsa sa pananalangin niya, isang matanda'i, eto na at nag-uica
capagdaca.
Don Juan ay pagtiisan ang madla mong cahirapan, di na malalaong arao guinhaua'i, iyong
cacamtan.
Ang cataua'i, hinipo na at hinilot nanga siya, gumaling na capagdaca at siya'i, nacatindig
na.
Hayo't, lacad na don Juan moui ca sa caharian, di pa gumagaling naman ang haring iyong
magulang.
Lumacad na at umalis itong príncipeng mariquít, lagay ay cahapis-hapis damit pa ay
punit-punit.
Nang dumating nga siya sa palacio'i, nagtuloy na, sa haráp nang haring amá at lumuhód
capagdaca.
Ang hari'i, di macagalao sa catre niyang hihigan, at di naquiquilalang tunay ang anác na
minamahal.
Ay sa uala ring magbadyá na magsabi sa caniya, ang ibong na sa jaula ay nangusap
capagdaca.
Namayagpág at naghusay nag-linis na nang catauán, balahibo'i, pinalitao anaquin ay
guintong tunay.
At nagcantá nang ganitó abá haring don Fernando, quilalanin mo ngang totoó ang
naninicluhod sa iyo.
Iyan ang bunsó mong anác si don Juan ang pamagát, na nagdalita nang hirap sa utos mo
ay tumupad.
Yaong anác mong dalaua na inutusang nauna, anoma'i, ualang nacuha at sila'i, naguing
bató pa.
Nang ito ay masabi na tumaha't, nagbago muna, balahibong icalauá na mariquit sa nauna.
Saca muling nagpahayág abá haring sacdal dilág, paquingán di man dapat yaong cay don
Juang hirap.
Ang bunsóng anác monghirang nagtiis nang cahirapan, at siyang nag-alís naman batóng
balot sa catauan.
Nang masabi nanga itó naghaliling panibago, nang balahibong icatló na capua esmaltado.
At nag-uica nang ganito mahal na hari'i, dinguin mo, nagsi-oui silang tatló sa bahay nang
ermitaño.
Sila nga ay piniguing pa pinacain sa lamesa, pinangaralan pa sila anác ang siyang capara.
Nang ito'i, maipahayag naghalili namang agád, nang balahibong icaapat diamante'i,
siyang catulad.
Nang macacain na naman itong ermitañong mahal, madlang sugat ni don Juan pinagaling
niyang tanan.
Nang ito'i, masabi na tumaha't, naghalili pa, balahibong icalimá cahalimbaua'i, tumbaga.
Nangsila'i lumacad naman sa bundóc at caparangan, si don Pedro ay nagsaysay na
patayin si don Juan.
Si don Diego'i, sumansala yao'i, masamang acala, sa búhay na mauauala ni don Juang
ating mutya.
Nang ito'i, maipagturing nitong ibong nagniningning, naghalili siyang tambing
balahibong icaanim.
Ito'i, lalong cariquitan sa icalimang nagdaan, mahal na hari paquingán cay don Juang
cahirapan.
Ay ang pinagcaisahan nang dalauang tampalasan, ay umuguin ang catauan sa guitna nang
caparangan.
Nang hindi macagalao ang príncipeng si don Juan, capagdaca ay iniuan aco'i, canilang
tinagláy.
Nang masabi nanga itó naghaliling panibago balahibong icapitó na anaqui ay carbungco.
Ito'i, siyang catapusán mahal na hari'i, paquingán, pinagdaanang cahirapan nang bunsó
mong si don Juan.
Sa malaquing auang lubós nang Vírgeng Iná nang Dios, isang matanda'i, dumulóg at
siya'i, tambing guinamót.
Hinipo na ang catauán at pinag-ayos ang lagay, nacatindig na mahusay itong príncipeng
si don Juan.
Caya co di ipaquita ang mariquit na hichura, ay hindi dumarating pa ang sa aquin ay
cumuha.
Ang isa pa haring mahal ang anác mong si don Juan, siya mo pong pamanahan nitong
iyong caharian.
Nang ito'i, masabi na nitóng ibong encantada, tumahán na nang pagcantá hindi na
naringig niya.
Ang saquít na dinaramdam nang haring aquing tinuran, parang nagdahilán lamang at
gumaling ang catauán.
Ang haring si don Fernando tinipon na ang consejo, at pinaghuntahan dito si don Pedro't,
si don
Continue reading on your phone by scaning this QR Code
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.