lumusong na magtuloy rin.
Nang mayroong sampóng dipá ang lúbid na nahugos na, ay pinatíd capagdaca ni don Pedrong palamara.
Di anong casasapitan sa gayong lalim na hucay, gauang capanganyayaan capatid na tampalasan.
Nang maquita nang princesa guinauá sa casi't, sintá, halos manao ang hininga sa baló'i, tatalóng sadyá.
Agád siyang hinauacan ni don Pedrong tampalasan, aanhin mo si don Juan aco'i, narito rin naman.
Ang nasoc sa ala-ala nang hindi bitiuan siya, ang lobong aliuan niya caniyang paualán bagá.
Quinuha na sa sucbitan at inihulog sa húcay, nguni't, bago binitiuan caniyang pinagbilinan.
Cun nasactan si don Juan gamutin mo capagcuan, siya'i, aquing hinihintay sa caniyang caharian.
Umalis at lumacad na magcapatid na dalaua, sampong dalauang princesa ina-oui sa Berbania.
Atin munang pabayaan ang paglalacad sa parang, at ang aquing ipagsaysay ang hari nilang magulang.
Yaón ang napanaguimpán nang haring Fernandong mahal ang anác na si don Juan pinag-lilo at pinatáy.
Ito'i, lisanin cong agád na sa haring napangarap, at ang aquing ipahayág ang apat na naglalacád.
Nang sila'i, dumating na doon sa reinong Berbania, sa palacio'i, nagtuloy na humarap sa haring amá.
Lumuhód na sa harapán nang amá nilang magulang, canilang ipinagsaysay lahat nang pinagdaanan.
Si don Juan po'i, hindi na na amin siyang naquita, itong dalauáng princesa ang siya naming nacuha.
At sa lupang calaliman doon namin nasumpungán, may alagang nagtatangan gigante't, serpienteng hunghang.
Cami ay naquipagbaca at lumaban sa canila, nang manga-patáy pagdaca manga princesa'i, dinalá.
Nang ito'i, mapaquingan nang hari nilang magulang, di hamac ang catauaán at sila'i, benendicionan.
Itong hari'i, may tuá man sa manga princesang tagláy, malaqui ring calumbayan sa anác na cay don Juan.
Nagsitindig capagdaca capua tinanong sila, na cun alin sa dalauá ang maguiguing asaua.
Sumagót na capagcuan si don Pedrong tampalasa't, tinuro sa haring mahal si Leonorang timtiman.
Itong mahal na princesa lumuhód capagcaraca, dinguin nang vuestra alteza ang aquing ipagbabadyá.
Aco po ay palugalán manga pitong taón lamang, saca aco pacacasal sa anác mong minamahal.
Aco'i, biguian mong tambing nang isang silid na lihim, at doon co tutuparin ang panata cong gagauin.
Nang ito ay mapaquingan nitong haring matimtiman, caniyang ipinaayunan sa princesang cahingian.
Inilagay nangang tambing sa isang silid na lihim, at doon nga gaganapin ang panata niyang hiling.
Si don Diego't, do?a Juana iquinasal capagdaca, catuaa'i, sabihin pa boong reino nang Berbania.
Ay ano'i, nang matapos na siyam na arao na fiesta, caguluha'i, payapa na nitóng daquilang monarca.
Aquing ipagbalic naman sa lobong pinacaualán, nang maquita si don Juan manga lamóg ang catauán.
Ang guinaua capagdaca nitong lobong encantada, guinamót pinag-ayos na catauáng caaya-aya.
Ano'i, nang gumaling naman at siya nga'i, macagalao, ang lobo'i, nuha pagcuan nang tatlong botellang hirang.
Dalaua'i, tali sa paá cagát sa bibig ang isa, saca umalis pagdaca itong lobong encantada.
Nagtulóy na capagcuan doon sa ilog nang jordán, nagcataóng nalilibang yaong manga nagbabantay.
Isinaloc nanga niya ang daláng tatlóng botella, at lumipád capagdaca ito ngang lobong masiglá.
Hinabol na capagcuan niyong tanang nagbabantay, ang lobo'i, napailanláng at di nila inabutan.
Nang ito'i, dumating naman sa príncipeng cay don Juan, ang ulo'i, agad binusan tuloy hangang talampacan.
Nang siya nga ay mabusan tubig na galing sa jordan, nagbango't, lumacás naman itong príncipeng marangal.
Quinuha na niyang tambing diamanteng naiuang singsing, sa aua nang Ináng Vírgen lobo ang nagparaan din.
Si don Jua'i, quinasihan nang Dios na Poong mahal, nacaahong matiuasáy sa balóng quinalalag-yan.
Ang nasoc sa calooban nitong príncipeng timtiman, moui siyang magtuluyan sa caniyang caharian.
Sa pag-lacad ni don Juan sa bundóc at caparangan, nagdamdam nang capagalan sa tinding sicat nang Arao.
Sa isang puno nang cahoy na malaqui't, mayamung mong siya roon ay sumilong at humilig naman tuloy.
Sa calamigan nang hangin at tantong caalio-alio, ay agad nang nagupiling itong príncipeng butihin.
Ano ay caguinsa-guinsa doon sa pagtulog niya, siya nangang pagdating na mahal na ibong Adarna.
At sa tapat ni don Juan sa cahoy na sinilungan, namayagpag at naghusay balahibo sa catauán.
At saca siya nagcantá nang tantong caaya-aya, don Juan magbangon na sa tulog mo'i, gumising ca,
Sa voces na mataguinting siya'i, agad na náguising, at pinaquingang magaling ang sa ibong pagtuturing.
Malaquí mong ala-ala sa princesa Leonora, may lalo pa sa caniya nang cariquitan at ganda.
Malayo nga rito lamang ang caniyang caharian, at malapit siyang tunay sa sinisicatan nang Arao.
Na cun siya mong macuha at iyong mapangasaua, dito sa mundo'i, pang-una sa cariquitan at ganda.
Yaong tatlong princesa sa haring Salermong bunga, si do?a María Blanca, ang matandá sa dalaua.
Sunód si do?a Isabel parang maningning na garing, si do?a Juana'i, gayon din ang tala'i, siyang cahambing.
Hayo lacad na don Juan sa reino nang de los Cristal, ipagcacapuri mo naman sa haring iyong magulang.
Nang ito ay maringig na nitóng príncipeng masiglá. naualá sa loob niya ang princesa Leonora.
Lumacad na nagtuluyan ang príncipeng si don Juan, caniyang pinatunguhan sinisicatan nang Arao.
Aquing lisanin na muna yaong pag-lalacad niya, at ang aquing ipagbadyá ang princesa Leonora.
Arao, gabi'i, tumatangis sa quinalalaguian'i silid, ang caniyang sinasambit, si don Juang sintá't, ibig.
Cun caya humingi aco nang pitóng taóng término, si don Juan ang hintay co caya nagtitiis dito.
Na cun hindi ca binuhay nang
Continue reading on your phone by scaning this QR Code
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.