Ibong Adarna | Page 7

Not Available
may tauo cang ibá.
Si don Jua'i, sumagót nga anong dami mong usisa, aco ang siyang nagsadyá sa princesa mong alagá.
Anitong gigante naman malaqui cong catuaan, mayroon acong dinatnan na sucat cong icabuhay.
Isinagót ni don Juan yao'i, sucat mong asahan, cun aco'i, iyong mapatay pagsil-in ang aquing bangcay.
Anang gigante at badyá cun gayon ay lalaban ca, hinauacan capagdaca ang espada't, naghamoc na.
Sa mabuting capalaran sa Dios na calooban, ay napatay ni don Juan ang giganteng tampalasan.
Anang príncipe at badyá ó mariquit na princesa, anong hinihintay mo pa at di pa umalis quita.
Ang sagót ni do?a Juana may lumbay rin acong dalá, at aquing maiiuan pa bunsó cong si Leonora.
Nariyan sa cabila naman ang siyang quinalalaguian, may alilang nagtatangan isang serpienteng matapang.
Ani don Juang masiglá dito ay iiuan quita, at paroroonan siya capatid mong Leonora.
Lumacad na nagtuluyan itong príncipeng matapang, doon sa icalauang bahay sa mata'i, nacasisilao.
Ang hagda'y, gintong lantay cauili-uiling titigan, na cun sa lupang ibabao ualang catulad cabagay.
Napatauo capagdaca itong príncipeng masiglá, siya namang pagdungao na nang princesa Leonora.
Nang cay don Juang maquita ang cariquitan at ganda, ito'i, lumalo aniya doon cay do?a Juana.
Big-yan nang Dios na mahal niyong pong magandang arao, sagot nang princesa naman ay capua maquinabang.
Nguni aco'i, namamangha ó príncipeng daraquila, lugar na ito'i, lihim nga ay baquin mo naunaua.
Isinagót ni don Juan ay abá palabang Buan, paquinga't, aquing tuturan ang sa aquin ay nagtaglay.
Isang bungang panaguimpan sa pagtulog co'i, pumucao, ang catulad co't, cabagay ang isang pinag-ulapan.
Ang sa bungang tulog co nga na pumucao sa pag-higa, sa ilalim nitong lupa ay mayroong isang tála.
At sa aquing pangangarap aco'i, agád inalipad, camuc-há'i, ibong may pacpác dito aco inilagpac.
Hindi co nga máalaman itó pong lihim na lugar, sa Dios na calooban cun caya po natutuhan.
Cayá mahal na princesa huag cang mag-ala-ala, ang Dios ang may talagá cayá tangáp yaring sintá.
Sagót nang princesa't, sulit magtulóy ca pong pumanhíc, at nang iyo pong mabatid handóg mong sintá sa dibdib.
Pumanhíc na capagdaca itong príncipeng masiglá, sa silla ay umupó na nag-usap silang dalauá.
Isinagót ni Leonora tungcól sa alay mong sintá, malaquí cong ala-ala serpiente'i, cun dumating na.
Saan quitá ilalagáy na sucat mong pagtaguan, nang hindi ca maamuyan niyong lilo't, tampalasan.
Sagót nang príncipe't, badyá huag cang mag-ala-ala, ang bahala ay acó na sa tacsíl at palamara.
Ano ay caguinsa-guinsa ang lúpa ay umugong na, siyang pagdating pagdaca nang serpienteng palamara.
Sa hagdana'i, lumapit na tinauag na si Leonora, amóy manusia aniya dito'i, may tauo cang ibá.
Sumagót si don Juan sa serpienteng tampalasan, yaring espada cong tagláy aalis nang iyong búhay.
Anang serpiente'i, ganitó iyan ang siyang hanap co, ualang pagsalang totoó icao ay bibihaguin co.
Ano pa nga at nag-laban ang capua lacas, tapang, ang príncipe'i, di tamaán nang serpienteng tampalasan.
Ang isang catacá-tacá sa tacsíl at palamara, ang úlo'i, cun mapútol na naniniquit na mulí pa.
Nang maguing tatlóng oras na ang canilang pagbabaca, cay don Juan ay nagbadyá ang tacsíl at palamara.
Quita ay magpahingaláy nitóng ating pag-lalaban, napa-ayon si don Juan sa serpienteng tampalasan.
Sa príncipeng pagcalagay sa bintanang tapat naman, ang princesa ay dumungao at siya ay tinauagan.
Don Juan ay abutín mo itóng mahal na bálsamo, at siyang ibubuhos mo sa mapupútol na úlo.
Ang balang úlong mapugay cahit siya'i, lumucsó man cun ma agád mong mabusan, di mauulí sa lagay.
Quinuha na capagdaca ang mahal na balsamera, at mulíng naghamoc sila nang serpienteng palamara.
Nang maputol na ang anim na úlo nang lilo't, tacsíl, at di na mauling tambing cagalitan ay sabihin.
Lalo nga ang cagalitan dito sa princesang mahal, at biniguian si don Juan nang bálsamong cagamutan.
Anang serpiente at badyá dini sa úlo cong isá, na ngayo'i, natitirá pa sa búhay ninyo'i, cucuha.
Ang dalaua'i, nagsagupa umulit silang nagbangá, ang úlong natitirá nga nalaglág agád sa lúpa.
Capagdaca ay binusan nang bálsamo ni don Juan, siya nangang pagcamatáy nang serpienteng tampalasan.
Ani don Juan at badyá ó mariquit na princesa, anong hinihintáy mo pa at hindi umalís quitá.
Sa pagmamadaling tunay nang princesang matimtiman, ang lobo niyang aliuan ang na-isucbit na lamang.
Diamanteng singsing niya ay naiuan sa lamesa, nagsi-alis nanga sila dalauang magcasi't, sintá.
At canilang dinaanan si do?a Juanang marangal, ang tatló'i, nalis naman at sa lúbid nagtuluyan.
Nang sila ay dumating na sa lúbid na laan bagá, sila ay nangagtáli na at hinila capagdaca.
Nang dumating sa ibabao ang tatló'i, magcacasabáy, si don Diego ay nagsaysay narito na si don Juan.
Cay don Pedrong maquita mariquit na Leonora, tinablán agád nang sintá púso niya't, ala-ala.
Niyong sila'i, aalis na at oouí sa Berbania, ay nangusap capagdaca ang princesa Leonora.
O don Juang aquing búhay ay aquing nacalimutan, ang singsing cong minamahal sa lamesa ay naiuan.
Anang príncipe at badyá cayo'i, maghintay aniya at aquing cucunin muna yaong singsing nang princesa.
Ani do?a Leonora huag na guilio co't, sintá, cun paroon cang mag-isá malaqui cong ala-ala.
Ang uinica ni don Juan yao'i, masamáng maiuan, aquin ngang pagbabalicán at aco'i, nahihinayang.
Sa hindi ngani mapiguil itong príncipeng butihin, ay nagtali nangang tambing
Continue reading on your phone by scaning this QR Code

 / 23
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.