ay uala na, sinidlán nang tacot siya sa mahal na haring amá.
Ito'i, sucat na pagmasdan nang anác na sino pa man, sinong di matacot naman sa castigo nang magulang.
Sa malaquing tacot niya sa búhay na macucuha, nagtaanan capagdaca at siya'i, umalis na.
Nguni aquin munang lisan ang pag-alis ni don Juan at ang aquing ipagsaysay ang hari niyang magulang.
Nang siya ay maguising na nagtuloy nanga sa jaula, ang pintó ay nacabucá at ang ibon ay uala na.
Capagdaca ay tinauag ang caniyang tatlóng anác, ang dalauang lilo't, sucáb siyang lumapit na agád.
Itinanong capagcuan ang ibon cung napasaan, sagót ni don Pedro't, saysay si don Juan ang nagbantay.
Ang nagpauala po'i, siya doon sa ibong Adarna, at cun cami ngang dalauá huag mo pong biguiang sála.
Ang uica nang haring mahal ay hanapin si don Juan, at nang aquing maalaman cun sinong may casalanan.
Yáo nanga't, lumacad na magcapatid na dalauá, cabunducan ang pinunta si don Jua'i, quiniquita.
Ito'i, aquing pabayaan na pag-lalacad sa párang, ang aquing ipagsaysay ang principeng si don Juan.
Doon naghinahán siya sa bundóc niyong Armenia, tantong caliga-ligaya sa tanang bundóc na ibá.
Ang cahoy sa caparangan cauili-uiling pagmasdan, ang damó'i, gayón din naman sadyáng nangagdiriquitan.
Ipagparito co muna magcapatid na dalauá, ang paghanap sabihin pa cay don Juang bunsó nila.
Sa mabuting capalaran sa Dios na calooban, canilang napatunguhan ang Armeniang cabunducan.
Doon nga nila naquita ang bunsóng capatid nila, si don Diego'i, nag-uica na nang ganitong parirala.
Cun dalhín ta si don Juan sa Berbaniang caharian, quita ang parurusahan nang haring ating magulang.
Ngayo'i, lalong mabuti pa tayong tatló'i, magsasama, at huag nating ipaquita sa mahal na haring amá.
Doon nga tumahan sila tatlóng magcapatid bagá, ang tuá ay sabihin pa sa cabunducang Armenia.
Ay ano'i, caguinsa-guinsa isang balón ang naquita, ibig ni don Juan bagá ang lalim mataróc niya.
May lúbid nga sa ibabao ang balón nilang dinatnán, ay nag-uica si don Juan acó ay inyong talian.
Sumagót nga si don Diego aco'i, matanda sa iyo, ang ihulog muna'i, aco, ang lalim nang matantó co.
Si don Pedro'i, nagpahayag aco'i, matanda sa lahat, aco ang siyang marapát na sa baló'i, sumiyasat.
At capag aquing tinangtáng ang lúbid na iyong tangan, hilahin ninyo pagcuan nang aco'i, mapaibabao.
Tinalian nanga siya inahulog capagdaca, tatlong puóng dipa bagá. ang siyang sinapit niya.
Sa malaquing catacután ang lúbid agad tinangtáng, hinila na sa ibabao nang dalauang nagtatangan.
At tinanong nanga nila cun ano bagang naquita, paquingan ninyong dalauá ang aquing ipagbabadyá.
Ang balón cong nilusungan di co mataróc ang hangán, dilím na di ano lamang aco ay nahintacutan.
Ani don Diego naman acó ang inyóng talian, at nang aquing maalaman ang sa balóng cahanganan.
Tinalian capagdaca at siya'i, inihulog na tatatló pa lamang dipá ang siyang sinapit niya.
Sa malaquing tacot bagá ang lubid ay tinangtáng na, sa ibabao ay hinila nang capatid na dalauá.
Ani don Juan at saysay sa amin ay iyong turan, cun inabót mo ang hangán nang balón mong linusungan.
Sagót ni don Diego naman di co masapit ang hangan, at sa lubhang cadilimán loob co'i, nahintacutan.
Ani don Juan at turing aco ang taliang tambing, at aquing sisiyasatin itóng balóng sacdal dilím.
Tinalian capagdaca ang bunsóng capatid nila, sa baló'i, inihulog na nang capatid na dalaua.
Ang sa historia ngang saysay na sa balóng calaliman, mahiguit sa isang daan na dipá ang casucatán.
Nang siya nga'i, dumating na sa fondo nang balón bagá, ay quinalág capagdaca ang lubid na tali niya.
Lumacad na capagcuan ang príncipeng si don Juan, isang pintó ang binucsán pumasoc na nagtuluyan.
May isang campong maluang doo'i, caniyang dinatnán, linis ay ualang cabagay nang lupang tinatapacan.
Ang sari-saring bulaclac naroo't, namamacetas, diquít ay ualang catulad bangó'i, humahalimuyac.
Doon sa pag-libot niya sa macetas at sampaga, may bahay siyang naquita diquít ay ualang capara.
Tumauag na capagcuan ang príncipeng si don Juan, siya naman ay dinungao nang princesang na sa bahay.
Nang maquita'i, binati na ang mariquit na princesa, bibiguiang arao na maganda poon nang tanang sampaga.
Anang princesa'i, ganito salamat naman sa iyo, namamangha ang loob co nang iyong pagcaparito.
Sagót nang príncipe't, uica abá mariquit na tala, pagcaparito co'i, bigla dalá nang sintang gahasa.
Inalipád sa itaas nang malabay niyang pacpac, saca po caringat dingat sa harapan mo'i, lumagpác.
Caya mahal na diosa huag cang mag-ala-ala, sa Dios ito'i, talagá tangáp ang hain cong sinta.
Ang sagot ni do?a Juana na cun may tapang cang dalá magtulóy na pumanhic ca at dini mag-usap quita.
Pumanhic na capagcuan ang príncipeng si don Juan, at nuha nang silla naman ang dalaua'i, nag-agapay.
Ang uica nang princesa doon sa hain mong sinta, malaqui cong ala-ala sa loob bagáng mag-isa.
Saan quita ilalagay na iyong pagtataguan, at baca icao ay datnan nang giganteng tampalasan.
Yaong lilo at cuhilá sa aqu'i, nag-aalaga, malaqui co ngayong aua sa buhay mong mauauala.
Isinagót ni don Juan ualin mo sa gunam-gunam at hamac sa aquing camáy ang giganteng tampalasan.
Sa pag-uusap nila nang príncipe at princesa, siya nangang pagdating na nang giganteng palamara.
Sa hagdan nang dumating na tinauag si do?a Juana, amóy manusia aniya dito'i,
Continue reading on your phone by scaning this QR Code
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.