príncipeng na sa hirap, ó Vírgeng Ináng marilág amponin mo di man dapat.
Aco'i, iyong calarahin cay Jesús Anác mong guilio, magdalita't, patauarin sa manga gaua cong linsil.
At doon sa oras naman cun aco ma'i, mama matáy, caloloua co'i, hugasan nang caniyang dugóng mahal,
Ay anó'i, caguinsa-guinsa sa pananalangin niya, isang matanda'i, eto na at nag-uica capagdaca.
Don Juan ay pagtiisan ang madla mong cahirapan, di na malalaong arao guinhaua'i, iyong cacamtan.
Ang cataua'i, hinipo na at hinilot nanga siya, gumaling na capagdaca at siya'i, nacatindig na.
Hayo't, lacad na don Juan moui ca sa caharian, di pa gumagaling naman ang haring iyong magulang.
Lumacad na at umalis itong príncipeng mariquít, lagay ay cahapis-hapis damit pa ay punit-punit.
Nang dumating nga siya sa palacio'i, nagtuloy na, sa haráp nang haring amá at lumuhód capagdaca.
Ang hari'i, di macagalao sa catre niyang hihigan, at di naquiquilalang tunay ang anác na minamahal.
Ay sa uala ring magbadyá na magsabi sa caniya, ang ibong na sa jaula ay nangusap capagdaca.
Namayagpág at naghusay nag-linis na nang catauán, balahibo'i, pinalitao anaquin ay guintong tunay.
At nagcantá nang ganitó abá haring don Fernando, quilalanin mo ngang totoó ang naninicluhod sa iyo.
Iyan ang bunsó mong anác si don Juan ang pamagát, na nagdalita nang hirap sa utos mo ay tumupad.
Yaong anác mong dalaua na inutusang nauna, anoma'i, ualang nacuha at sila'i, naguing bató pa.
Nang ito ay masabi na tumaha't, nagbago muna, balahibong icalauá na mariquit sa nauna.
Saca muling nagpahayág abá haring sacdal dilág, paquingán di man dapat yaong cay don Juang hirap.
Ang bunsóng anác monghirang nagtiis nang cahirapan, at siyang nag-alís naman batóng balot sa catauan.
Nang masabi nanga itó naghaliling panibago, nang balahibong icatló na capua esmaltado.
At nag-uica nang ganito mahal na hari'i, dinguin mo, nagsi-oui silang tatló sa bahay nang ermita?o.
Sila nga ay piniguing pa pinacain sa lamesa, pinangaralan pa sila anác ang siyang capara.
Nang ito'i, maipahayag naghalili namang agád, nang balahibong icaapat diamante'i, siyang catulad.
Nang macacain na naman itong ermita?ong mahal, madlang sugat ni don Juan pinagaling niyang tanan.
Nang ito'i, masabi na tumaha't, naghalili pa, balahibong icalimá cahalimbaua'i, tumbaga.
Nangsila'i lumacad naman sa bundóc at caparangan, si don Pedro ay nagsaysay na patayin si don Juan.
Si don Diego'i, sumansala yao'i, masamang acala, sa búhay na mauauala ni don Juang ating mutya.
Nang ito'i, maipagturing nitong ibong nagniningning, naghalili siyang tambing balahibong icaanim.
Ito'i, lalong cariquitan sa icalimang nagdaan, mahal na hari paquingán cay don Juang cahirapan.
Ay ang pinagcaisahan nang dalauang tampalasan, ay umuguin ang catauan sa guitna nang caparangan.
Nang hindi macagalao ang príncipeng si don Juan, capagdaca ay iniuan aco'i, canilang tinagláy.
Nang masabi nanga itó naghaliling panibago balahibong icapitó na anaqui ay carbungco.
Ito'i, siyang catapusán mahal na hari'i, paquingán, pinagdaanang cahirapan nang bunsó mong si don Juan.
Sa malaquing auang lubós nang Vírgeng Iná nang Dios, isang matanda'i, dumulóg at siya'i, tambing guinamót.
Hinipo na ang catauán at pinag-ayos ang lagay, nacatindig na mahusay itong príncipeng si don Juan.
Caya co di ipaquita ang mariquit na hichura, ay hindi dumarating pa ang sa aquin ay cumuha.
Ang isa pa haring mahal ang anác mong si don Juan, siya mo pong pamanahan nitong iyong caharian.
Nang ito'i, masabi na nitóng ibong encantada, tumahán na nang pagcantá hindi na naringig niya.
Ang saquít na dinaramdam nang haring aquing tinuran, parang nagdahilán lamang at gumaling ang catauán.
Ang haring si don Fernando tinipon na ang consejo, at pinaghuntahan dito si don Pedro't, si don Diego.
Sa guinauang caliluhán sa capatid nilang hirang, cun ano ang catampatang parusang dapat ibigay.
Ang sagot nang calahatán destierro'i, ang carampatan, nang huag silang mapisan sa príncipeng cay don Juan.
Nang cay don Juang matatap ang hatol na iguinauad, siya ay nagdalang habág sa capatid niyang liyág.
Lumapit capagcaraca sa harap nang haring amá, dinguin nang vuestra alteza ang aquing ipagbabadyá.
Alang alang sa corona at hauac na cetro niya, huag nang biguiang parusa ang capatid cong dalauá.
Cun sila'i, ipadalá man sa malayong caharian, di co mababatang tunay na hindi paroroonan.
Caya haring aming amá patauarin na po sila, sa Dios ito'i, talagá ang guinaua nilang sala.
Ang di magpatauad naman sa guinauáng casalanan, ay di rin naman cacamtán ang gloria sa calangitán.
Nang sa haring maunaua yaóng cay don Juang uica, pinatauad alipala yaóng dalauang cuhilá.
Nagsamang nuling mahusay doon sa palacio real, ang hari nag-uica naman sa tatlóng anác na hirang.
Cayong tatló'i, halinhinan sa ibong co'i, magbabantay, ang magpaualáng sino man macacapalit ang búhay.
Sa cahabaan nang arao nang canilang pagbabantay, di mauala sa gunam-gunam cay don Pedrong cainguitan.
Ang guinaua nilang laláng ang dalaua'i, magsasabáy, saca hahalili naman ang príncipeng si don Juan.
Ay nang isang gabí bagá ang ora'i, á las doce na, guinising na nang dalaua ang bunsóng capatid nila.
Si don Juan ang nagbantay niyaong gabing calaliman, nang magmamadaling arao siya'i, agad nagulaylay.
Ang cay don Pedrong nilaláng linapitang dahan-dahan, yaong jaula at binucsan ang ibon ay pinaualán.
At saca nga umalis na na nag-ualang quibó siya, ay niyong mag uumaga si don Jua'i, naguising na.
Ano'i, nang caniyang maquita na ang ibon
Continue reading on your phone by scaning this QR Code
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.