ca na at ang gabi'i, malalim na, at malapit nanga bagá dumating yaóng Adarna.
Yáo nanga si don Juan sa Tabor na cabunducan, at caniyang aabangan ang ibong pinag-lalacbay.
Nang siya'i, dumating na sa puno nang cahoy bagá doon na hinintay niya yaon ngang ibong Adarna.
Ay ano'i, caalam-alam sa caniyang ipaghihintay, ay siyang pagdating naman niyaong ibong sadyang mahal.
Capagdaca ay naghusay balahibo sa catauan, ang cantá'i, pinag-iinam cauili-uiling paquingan.
Naghusay namang mulí pa itong ibong encantada, umulit siyang nagcantá tantong caliga-ligaya.
Nang sa príncipeng marinig yaóng matinig na voces, ay doon sa pagca-tindig tila siya'i, maiidlip.
Quinuha na capagdaca ang dala niyang navaja, at caniyang hiniua na ang caliuang camay niya.
Saca pinigán nang dáyap nitong príncipeng marilág, cun ang ibon ay magcoplas ay nauaualá ang antác.
Di co na ipagsasaysay pitóng cantáng maiinam, at ang aquin namang turan sa príncipeng cahirapan.
Pitóng cantá'i, nang mautás nitong ibong sacdal dilág, pitó rin naman ang hilas cay don Juang naguing sugat.
Ay ano'i, nang matapos na ang caniyang pagcacantá, ay tumáe capagdaca ito ngang ibong Adarna.
Ang príncipeng si don Juan inailag ang catauán, hindí siya tinamaan para nang unang nagdaan.
Siya nangang pagtúlog na nitong ibong encantada, ang pacpac ay nacabucá dilát ang dalauang matá.
Nang sa príncipeng matátap nagtahan nang pagcocoplas, umac-yat na siyang agad sa cahoy na Piedras Platas.
Nang caniya ngang maquita ang pacpac ay nacabucá, dilát ang dalauang mata nilapitang capagdaca.
Agad niyang sinungabán sa paa'i, agad tinangnan, guinapos niyang matibay nang cintas na guintong lantáy.
At bumabá nanga rito ang príncipeng sinabi co, itong ibong encantado dinalá, sa ermita?o.
Sa ermita?ong quinuha mahal na ibong Adarna, inilagay nanga niya sa mariquit na jaula.
Ang uica nang ermita?o itong bangá ay dalhin mo, madalí ca at sundin mo ang ipinag-úutos co.
Muha ca nang tubig naman dalauang bató ay busan, nang sila ay magsilitao manga capatid mong hirang.
Si don Jua'i, lumacad na ang banga'i, caniyang dala, sumaloc nang tubig siya. at ang bató'i, binusan na.
Si don Pedro'i, ang nauna na siyang nabusan niya, lumitao capagcaraca at hindi namamatay pa.
Umuling sumaloc naman si don Diego ang binusan, nagquita silang mahusay at hindi pa namamatay.
Malaquing pasasalamat nang magcapatid na liyag, ualá silang maibayad cay don Juang manga hirap.
Sila'i, agad napatungo sa bahay nang ermita?o, at naghain nanga rito pinacain silang tatló.
Ay ano'i, nang matapos na nang pagcain sa lamesa, capagdaca ay quinuha garrafang may lamáng lana.
At caniyang pinahiran yaong sugat ni don Juan, gumalíng agad nabahao at ualang bacás munti man.
Nag-uica ang ermita?o mangagsi-ouí na cayó magcasundó cayong tatló at huag ding may mag-lilo.
Don Juan ay cunin mo na iyang mariquit na jaula, baca di datning buháy pa ang monarcang iyong amá.
Bago umalis at nanao ang príncipeng si don Juan, ay lumuhód sa harapan nang ermita?ong marangal.
Napabendición nga muna at saca sila'i, nalis na, si don Pedro ay nagbadyá cay don Diegong bunso niya.
Si don Juan ay magaling pa hindí mahihiyá siya, at siya ang nacacuha nito ngang ibong Adarna.
Ang mabuti ngayon naman ang gauin nating paraan, patayin ta si don Juan, sa guitna nang cabunducan.
Si don Diego ay nag-uica iya'i, masamang acala, ang búhay ay mauaualá nang bunsóng caaua-aua.
Ani don Pedro at saysay cun gayon ang carampatan, umuguin ta ang catauan at saca siya ay iuan.
Ito ang minagaling na sa loob nilang dalaua, ang cataua'i, inumog na nang bunsong capatid nila.
Di anong casasapitan nang pagtulungan sa daan, ay di nanga macagaláo ang príncipeng si don Juan.
Quinuha na capagdaca ang dalá nga niyang jaula, nang dalaua't, omoui na doon so reinong Berbania.
Nang sila'i, dumating na sa canilang haring amá ang ibong canilang dalá nangulugó capagdaca.
Itinanong si don Juan. nang hari nilang magulang, sagót nang dalauá naman di po namin naalaman.
Nang ito'i, maringig na ang sabi nilang dalauá, ang saquít ay lumubhá pa nitong daquilang monarca.
Saca ang ibong marilág balahibo'i, nangu-ngulág, di magpaquita nang dilág sa haring quinacaharap.
Ang uica nang hari bagá itó ang ibong Adarna, anong samá nang hichura sa ibong capua niyá.
Ang sinabi nang medico na ito rao ibong itó, ay may pitóng balahibo na tantong maquiquita mo.
At cun ito ay magcantá lubhang caliga-ligaya, ngayo'i, nangasaan bagá, at di niya ipaquita.
Hindi pa nga nagcacantá itong ibong encantada, at sapagca nga uala pa ang cumuha sa caniya.
Ito'i, aquing pabayaan ang di niya pagsasaysay, at ang aquing pagbalicán ang príncipeng si don Juan.
Ano ang casasapitan nang umuguin ang catauan, hindi naman macagapang sa guitna nang cabunducan.
Di anong magagauá pa nang di macaquilos siya, ang nasoc sa ala-ala tumauag sa Vírgeng Iná.
Aniya'i, ó Vírgeng mahal anó cayang naisipan, manga capatid cong hirang at aco'i, pinag-liluhan.
Ang boo cong ala-ala caming tatlo'i, tiuasáy na, mahusay na maquiquita mahal naming haring amá.
O bacá pa caya naman ay sa ibon ang dahilan, at caya pinahirapan sila ang ibig magtangan.
Cun sinabi nila sana ang maghauac na ay sila, yao'i, gaano na bagá di ibigay sa canila.
Cayo naua'i, pagpalain nang Dios at Ináng Vírgen, gaua ninyong di magaling ang guinhaua'i, siyang datnin.
Nagpanibagong nangusap ang
Continue reading on your phone by scaning this QR Code
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.