Ibong Adarna | Page 3

Not Available
paratí sa ala-ala ang Vírgen Santa María.
Cung mahustong isang buan paglacad niya sa parang, ay siyang pagcain lamang nang isang baong tinapay.
Sa isang buan ang isa nang pagcaing muli niya, parang nagpepenitencia nang sa ibon ay pagquita.
Madai't, salita naman at di co na pahabaan, ay naguing apat na buan pag-lacad niya sa parang.
Sa aua nang Vírgen Iná cay don Juan de Berbania, ay dumating capagdaca sa daan na pasalunga.
Nang sa príncipeng matignan taas niyong cabunducan, lumuhód siya't, nagdasál sa Vírgeng Ináng marangal.
Aco'i, iyong caauaan Vírgeng calinis-linisan, at aquin ding matagalán itong mataas na daan.
Nang siya'i, matapos naman pagtauag sa Vírgeng mahal, nuha nang isang tinapay at cumain capagcuan.
Sa limang tinapay bagá na baon niyang talaga, iisa na ang natira na pangpauing gutom niya.
Nang matapos nang pagcain sumalunga siyang tambing, sa aua nang Ináng Vírgeng ualang hirap na dinating.
Nang dumating sa ibabao ang príncipeng si don Juan, doo'i, caniyang dinatnán isang leprosong sugatán.
Anitong leproso't, badyá maguinoó po aniya, na cun may baon cang dalá aco po'i, limosán mo na.
Sa Dios po alang-alang aco'i, iyong cahabagán, cun gumaling ang catauan ay aquin ding babayaran.
Isinagot ni don Juan aco nga'i, mayroong taglay, natirang isang tinapay na aquing baon sa daan.
Dinucot na capagdaca yaong tinapay na isa, caniyang ibinigay na sa leproso na naquita.
Anitong matanda't, saysay pasasaan ca don Juan, sabihin mo't, iyong turan ang layon mo't, iyong pacay.
Anang príncipe at badyá ganito po'i, maquinig ca, sasabihin cong lahat na ang sadya cong quiniquita.
Ang ama co'i, may damdam sa banig ay nararatay, ang ibong Adarna lamang ang caniyang cagamutan.
Bucód dito ang isa pa ngayon ay tatlóng taón na, na hindi co naquiquita ang capatid cong dalauá.
Anitong leproso bagá don Juan maghihirap ca, at sa pagca't, encantada yaon ngang ibong Adarna.
Nguni't, ngayon ang bilin co ay itanim sa pusó mo. at nang hindi sapitin mo na icáo ay maguing bató.
Sa iyong paglalacad diyan ay may cahoy na daratnan, diquít ay di ano lamang cauili-uiling titigan.
Doo', huag tumiguil ca na sa cariquitan niya, totoong ualang pagsala don Jua'i, mamamatay ca.
Sa ibaba'i, tumanao ca may bahay cang maquiquita ang magtuturo ay siya doon sa ibong Adarna.
Yaring limos mong tinapay ay cunin mo na don Juan, nang may canin ca sa daan sa láyo nang paroroonan.
Anitong príncipe't, badyá ugali pagcabata na, na cun mailimos co na ay di co na quinucuha.
Pinipilit na ibigay ang limos niyang tinapay, umalis na si don Juan siya'i, hindi pinaquingan.
Sa mahusay na pag-lacad nitóng príncipeng marilág, sumapit siyang liualas sa cahoy na Piedras Platas.
Nang maquita ni don Juan yaong cahoy na malabay, loob niya'i, natiguilan sa gayon ngang cariquitan.
Naualá sa ala-ala yaóng bilin sa caniya, parang naencanto siya sa cahoy niyang naquita.
Sa caniyang pagmamalas sa dahong nagsisiquintáb, gayon din naman ang lahat na anaqui'i, guintóng uagás.
Ay ano'i, caguinsa-guinsá na sa panonoód niya, ay parang pinucao bagá ang caniyang ala-ala.
Tinutóp nanga ang noó at nag uica nang ganito, abá at nalimutan co yaóng bilin nang leproso.
Sa ibabá'i, tumingin siya ay may bahay ngang naquita, lumacad na capagdaca itóng príncipeng masiglá.
Nang dumating sa hagdanan napatano capagconan, capagdaca ay dumungao isang ermita?ong mahal.
Pinapanhic na sa bahay ang príncipeng si don Juan, at ang ermita?o naman ang pagcai'i, inilagay.
Umupo na sa lamesa nagsalo silang dalaua, ay sa príncipeng naquita tinapay na limos niya.
At nag-uica capagdaca sa loob niyang mag-isa, itong tinapay cong dalá ay baquit narito baga.
Yaóng aquing linimosán leprosong gagapang-gapang, sacá dito'i, ibá naman ermita?o ang may tangan.
Ngayo'i, hindi maisip co sa Dios itong secreto, anaqui'i, si Jesucristo ang mahal na ermita?o.
Nang matapos ang pagcain ermita?o ay nagturing, don Jua'i, iyong sabihin cun anong sadyá sa aquin.
Isinagot ni don Juan sa ermita?ong marangal, gayon po'i, iyong paquingan at aquing ipagsasaysay.
Ang sadyá co po aniya dahil sa ibong Adarna, igagamót na talagá sa hari pong aquing amá.
Ang sagot nang ermita?o don Juan iyang hanap mo, maghihirap cang totoo at ang ibo'i, encantado.
Isinagót niya naman cahit aquing icamatáy, ituro mo po ang lugar at aquing paroroonan.
Ang sagot nang ermita?o don Jua'i, maquiquita co, na cun bagá nga totoó ang pagsunód sa amá mo.
Ang cahoy mong naraanan cauili-uiling pagmasdan, yaon ang siyang hapunán nang ibon mong pinapacay.
Na cun siya'i, dumating na sa cahoy ay magcacantá, at ang gabi'i, malalim na ualang malay cahit isá.
At cun yao'i, matapos na nang caniyang pagcacantá, pitó naman ang hichura balahibong maquiquita.
Ay nang iyong matagalán pitóng cantang maiinam, quita ngayon ay bibiguian nang maguiguing cagamutan.
Naito at iyong cuha pitóng dayap at navaja, ito'i, siyang gamót bagá na sa ibong encantada.
Balang isang cantá naman ang catauan mo'i, sugatan, at sa dayap iyong pigán nang di mo macatulugan.
At cun ito'i, matapos na nang macapitóng pagcantá, ay siyang pagtáe niya don Juan ay umilag ca.
Capag icao'i, tinamaan nang táe nang ibong hirang, maguiguing bató cang tunay doon ca na mamamatáy.
Naito'i, cunin mo naman ang cintas na guintong lantay, pagca-hauac ay talian at gapusin mong matibay.
Caya bunsó hayo
Continue reading on your phone by scaning this QR Code

 / 23
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.