Ibong Adarna | Page 2

Not Available
masiglá.
Ang nasoc sa calooban ang cahoy na ito'i, siyang marahil hinahapunan nang ibong cong pinag-lacbay.
Ay ano'i, nang gagabi na ang Arao ay lulubóg na, madláng ibo'i, narito na at manga cauan ang ibá.
Sa gayóng daming nagdaan ualang dumápo isa man, naguló ang gunam-gunam nitong príncipeng timtiman.
Ganitong diquit na cahoy ualáng ibong humahapon, aco'i, dito nalingatong paghihintay cong malaon.
Ang nasoc sa ala-ala sa loob niyang mag-isá, ang siya ay magpahingá at búcas lumacad siya.
Humilig nanga't, sumandal doon sa cahoy na mahal, sa malaquing capaguran siya'i, tambing nagulaylay.
Ay ano'i, nang tahimic na ang gabí ay lumalim na, siya nangang pagdating na niyong ibong encantada.
Dumapo na siyang agad sa cahoy na Piedras Platás, balahibo ay nangulág pinalitán niyang agad.
At capagdaca'i, nagcantá itong ibong encantada, ang tinig ay sabihin pa tantong caliga-ligaya.
Ang príncipe ay hindi na nacaringig nang pagcantá, pagtúlog ay sabihin pa himbing na ualang capara.
Ang sa ibong ugali na cun matapos na magcantá, ay siyang pag-táe niya at matutulog pagdaca.
Sa masamáng capalaran ang príncipe'i, natai-an, ay naguing bató ngang tunay ang catauan niyang mahal.
Di anong magágaua pa nang siya'i, maguing bató na, paghihintay sabihin pa nang haring caniyang amá.
At nang maguing isang-taon na hindi dumarating bagá, inutusan capagdaca si don Diegong pangalauá.
Sumunód at di sumuay sa hari niyang magulang, iguinayác capagcuan cabayo niyang sasac-yán.
Pagca-handa'i, lumacad na cabunducan ang tinumpá, at hahanapin nga niya ang bunying ibong Adarna.
Mahiguit sa limang buan nag-lacad niya sa párang, hindi naman maalaman ang Tabor na cabunducan.
Nang siya ay dumating na, sa daan na pasalunga, nagtuloy at umahon na itong príncipeng masiglá.
Sa masamáng capalaran nang dumating sa ibabao, nabual nanga't, namatay ang cabayong sinasac-yán.
Di anong magagaua pa sa cabayong namatay na, ang báon niya'i, quinuha at lumacad capagdaca.
Nang siya'i, dumating naman sa Tabor na cabunducan, may cahoy siyang dinatnan diquít ay di ano lamang.
Nang caniyang mapagmalas ang cahoy Piedras Platas, ang dahon ay cumiquintáb diquít ay ualang catulad.
Ang nasoc sa ala-ala nitong príncipeng magandá, cahoy na caaya-aya hapunán niyong Adarna.
Sa puno nang cahoy baga may bató siyang naquita, cristal ang siyang capara nacauiuili sa matá.
Doon niya napagmalas ang cahoy na Piedras Platas ang balát ay guintóng uagás anaqui'i, may piedrerías.
Sa toua niya't, ligaya sa cahoy niyang naquita, oras nang á las cinco na madlang ibo'i, nagdaan na.
Sa gayong daming nagdaan manga ibong cauan-cauan, ualang dumapo isa man sa cahoy niyang namasdan.
Ganitong diquit na cahoy ualang ibong humahapon, ito'i, di co mapagnoynoy cahalimbaua co'i, ulól.
Ang cahoy na caagapay mayroong ibong nagdaan, ito'i, siyang tangi lamang bucód na hindi dapuan.
Cahit anong casapitan ay hindi co tutugutan, na cun anong cabagayán sa cahoy na gaua't, laláng.
Ay ano'i, nang lumalim na ang gabí ay tahimic na, doon sa batóng naquita ay nangublí capagdaca.
Ay ano'i, caalam-alam sa caniyang paghihintay, siya na nganing pagdatál nang ibong Adarnang mahal.
Dumapo na nganing agád sa cahoy na Piedras Platas, at naghusay nangang caguiat balahibong sadyang dilág.
Sa príncipeng napagmasdan ang sa ibong cariquitan, icao ngayo'i, pasasaan na di sa aquin nang camay.
Ay nang macapaghusay na itong ibong encantada, ay siya nangang pagcantá tantong caliga-ligaya.
Sa príncipeng mapaquingan ang voces na sadyang inam, capagdaca'i, nagulay-lay sa caniyang pagcasandal.
Sino cayang di maidlip sa gayong tinig nang voces, cun marinig nang may saquít ay gagaling siyang pilit.
Macapitong hintó bagá, ang caniyang pagcacantá, pitó naman ang hichura balahibong maquiquita.
Nang matapos nganing lahat yaong pitóng pagcocoplas, ay tumáe namang agad itong ibong sadyang dilág.
Sa casam-ang capalaran si don Diego ay natai-an, ay naguing bató rin naman cay don Pedro'i, naagapay.
Di anong magagaua pa nang siya'i, maguing bató na, paghihintay sabihin pa nang haring caniyang amá.
Hindi niya mautusan ang anác na si don Juan, at di ibig mahiualay cahit susumandalí man.
Si don Jua'i, naghihintay na siya ay pag-utusan, aayao tauaguin naman nang hari niyang magulang.
Siya nanga'i, nagcusa na dumulog sa haring amá, nag-uica capagcaraca nang ganitong parirala,
Aco po'i, pahintulutan nang haring aquing magulang, aco ang quiquita naman nang iyo pong cagamutan.
Ngayon ay tatlóng taón na hindi dumarating bagá, ang capatid cong dalaua saquít mo po'i, malubha na.
Ang sagót nang haring mahal bunsóng anác co don Juan cun icao ay mahiualay lalo co pang camatayan.
Mapait sa puso't, dibdib iyang gayác mo't, pag-alís, hininga co'i, mapapatid cun icao'i, di co masilip.
Isinagót ni don Juan ó haring aquing magulang, sa loob co po'i, masucal mamasdan quitang may damdam.
Cundi mo pahintulutan ang aquing pagpapaalam, ay di mo mamamalayan ang pag-alis co't, pagpanao.
Sa uinicang ito naman ang hari ay natiguilan, at segurong magtatanan ang príncipeng si don Juan.
Lumuhod na capagdaca sa haráp nang haring amá, bendición po'i, igauad na siya cong maguing sandata.
Capagdaca'i, guinauaran at siya'i, binendicionan, at sa reinang iná naman ay lumuhód capagcuan.
Ay ano'i, nang matapos na na mabendicionan siya, ay nagtindig capagdaca itong príncipeng masiglá.
Ang despensa ay binucsán nuha nang limang tinapay, siyang babaunin lamang sa talagang parurunan.
Di sumacay sa cabayo nag-lacad nangang totoo, ang príncipe nganing itó cabunducan ang tinungo.
Doon sa paglacad niya ualang tauong naquiquita,
Continue reading on your phone by scaning this QR Code

 / 23
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.