Ibong Adarna

Not Available
꬚
Ibong Adarna

The Project Gutenberg EBook of Ibong Adarna, by Anonymous This eBook is for the use of anyone anywhere at no cost and with almost no restrictions whatsoever. You may copy it, give it away or re-use it under the terms of the Project Gutenberg License included with this eBook or online at www.gutenberg.net
Title: Ibong Adarna Corrido at Buhay na Pinagdaanan nang tatlong Principeng Magcacapatid na Anac nang Haring Fernando at nang Reina Valeriana sa Ca
Author: Anonymous
Release Date: July 1, 2005 [EBook #16157]
Language: Tagalog
Character set encoding: ISO-8859-1
*** START OF THIS PROJECT GUTENBERG EBOOK IBONG ADARNA ***

Produced by Tamiko I. Camacho, Jerome Espinosa Baladad, Pilar Somoza and PG Distributed Proofreaders from page scans provided by University of Michigan. Dedicated to the three Filipino comedians Dolphy, Panchito and Babalu who made this folklore memorable in a 1970s film adaptation.

IBONG ADARNA
AKLATAN NI JULIANA MARTINEZ 116 P. Calderon, Manila
CORRIDO AT BUHAY NA PINAGDAANAN NANG TATLONG PRINCIPENG MAGCACAPATID NA ANAC NANG HARING FERNANDO AT NANG REINA VALERIANA SA CAHARIANG BERBANIA
Virgeng Ináng mariquit Emperadora sa Langit, tulungan po yaring isip matutong macapagsulit.
Sa aua mo po't, talaga Vírgeng ualang macapára, acong hamac na oveja hulugan nang iyong gracia.
Dila co'i iyóng talasan pauiin ang cagarilán, at nang mangyaring maturan ang munting ipagsasaysay.
At sa tanang nangarito nalilimping auditorio, sumandaling dinguin ninyo ang sasabihing corrido.
Na ang sabi sa historia nang panahong una-una, sa mundo'i nabubuhay pa yaong daquilang monarca.
At ang caniyang esposa yaong mariquit, na reina, ang pangala't bansag niya ay si do?a Valeriana.
Itong hari cong tinuran si don Fernando ang ngalan ang caniyang tinubuan ang Berbaniang caharian.
Ang haring sinabi co na ay may tatlóng anác sila, tuturan co't ibabadyá nang inyo ngang maquilala.
Si don Pedro ang panganay na anác nang haring mahal, at ang icalaua naman si don Diego ang pangalan.
Ang icatlo'i, si don Juan ito'i siyang bunsong tunay, parang Arao na sumilang sa Berbaniang caharian.
Ito'i, lalong mahal baga sa capatid na dalaua, salang malingat sa mata nang caniyang haring amá.
Para-parang nag-aaral ang manga anác na mahal, malaqui ang catouaan nang hari nilang magulang.
Ay ano'i, nang matuto na yaong tatlóng anác niya, ay tinauag capagdaca nitong daquilang monarca.
Lumapit na capagcuan ang tatlóng príncipeng mahal, cordero'i, siyang cabagay nag-aantay pag-utusan.
Anáng hari ay ganitó caya co tinauag cayó, dito sa itatanong co ay sabihin ang totoó.
Linoob nang Dios Amá na cayo'i, nangatuto na, mili cayó sa dalaua magpare ó magcorona.
Ang sagót nila at saysay sa hari nilang magulang, capua ibig magtangan nang corona't, cetrong mahal.
Nang itó ay maringig na nang haring canilang amá, pinaturuan na sila na humauac nang espada.
Sa Dios na calooban sa canilang pag-aaral, di nalao'i, natutuhan ang sa armas ay pagtangan.
Ito'i, lisanin co muna yaong pagcatuto nila, at ang aquing ipagbadyá itong daquilang monarca.
Nang isang gabing tahimic itong hari'i, na-iidlip, capagdaca'i, nanaguinip sa hihigán niyang banig.
At ang bungang panaguimpan nitong hari cong tinuran, ang anác na si don Juan pinag lilo at pinatay.
Ang dalauang tampalasang sa caniya ay pumatáy, inihulog at iniuan sa balón na calaliman.
Sa pananaguinip bagá nitong mahal na monarca, nagbangon capagcaraca sa hihigán niyang cama.
At hindi nanga na-idlip sa malaqui niyang hapis, sa hirap na masasapit niyong bunsong ini-ibig.
Ito ang niyang dahilán nang sa bungang panaguimpan tuloy ipinagcaramdam at sa banig ay naratay.
Nagpatauag nanga rito marurunong na médico, dili masabi cun anó ang saquit nang haring itó.
Sa gayong carami bagá medicong tinauag nila, ay ualang macapagbadyá sa saquít na dinadalá.
Ay mayroon namang isá na bagong cararating pa, siyang nagpahayag bagá saquit nang bunying alteza.
Ang damdam mo haring mahal ay galing sa panaguimpán, sa iyo'i, aquing tuturan ang iyo pong cagamutan.
May isang ibong maganda ang pangalan ay Adarna, cun marinig mong magcantá ang saquít mo'i, guiguinhaua.
Sa Tabor na cabunducan ang siyang quinalalaguian, cahoy na hinahapunan Piedras Platas ang pangalan.
Cun arao ay uala roon itong encantadang ibon, sa iba sumasalilong at nagpapaui nang gutom.
Cun gabing catahimican ualang malay ang sino man, ay siyang pag-oui lamang sa Tabor na cabunducan.
Cayá mahal na monarca yao'i, siyang ipacuha, gagaling pong ualang sala ang saquít mong dinadalá.
Nang sa haring mapaquingan ang caniyang cagamutan, capagdaca'i, inutusan ang anác niyang panganay.
Si D. Pedro'i, tumalima sa utos nang haring amá, iguinayác capagdaca cabayong sasac-yán niya.
Yao nanga't, lumacad na cabunducan ang pinuntá, at hahanaping talagá, mahal na ibong Adarna.
Mahiguit na tatlong buan paglacad niya sa párang, at hindi nga maalaman ang Tabor na cabunducan.
May dinatnang landás siya mataas na pasalungá, tumahan capagcaraca itong príncipeng masiglá.
Sa masamáng capalaran sa Dios na calooban, nang dumating sa ibabao cabayo niya'i, namatáy.
Di anong magagaua pa uala nang masac-yán siya, ang bastimento'i, quinuha at lumacad capagdaca.
Sa Dios na calooban na sa tanong bininyagan, dumating siyang mahusay sa Tabor na cabunducan.
May cahoy siyang naquita na tantong caaya-aya, sa caagapay na ibá siyang tangi sa lahat na.
Ang daho'i, sacdal nang inam para-parang cumiquinang, diamante'i, siyang cabagay sa mata'i, nacasisilao.
Ang naisipan nga niya sa loob at ala-ala, doon na tumiguil bagá itong príncipeng
Continue reading on your phone by scaning this QR Code

 / 23
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.