Hindi Biro!... ó Ang Anting-Anting | Page 6

José R. Francia
n~g kawayan; n~guni't n~g magkaaninawa'y sila din ang mali sapagka't hindi pinaglinaw muna ang pustahan, ay ang matanda din ang nagsabi.
Ang kamalian ay katalunan; Siyang kalakarang leying umiiral.
At ang lahat ay di nakatanguí; napatalo na n~ga sila at matanda'y inusong sa isang duyan.
--Yamang n~gayo'y gabi na din lamang ay ipagpatuloy ninio ako sa Casa Real at sabihin niniong ako'y nalunod. Walang pagsalang ako'y lilimusan n~g m~ga kakila't katoto, lalo na si Do?a Isabel; at ikaw Cebio ang maghahawak n~g kuarta, sapagka't ang asawa ko'y mananan~gis na lamang; huag lamang kayong magpapahalata. Ikaw naman Kulás ay pasasa simbahan at magpapa algunias, sabihin mo sa kay Pari Teban na ako'y pag oracionan.
At ganoon n~ga ang guinawa.

VII
Sabihin pa ang pagkapamangha n~g marami sa mapagtantong ang namatay ay si matandang Tasiong Sistidor, lubha pa n~g m~ga nakakita sa kanian sa anihan, n~g araw na yaon.
Ang bankay nia'y inilagak na lamang sa silong n~g Casa Real ayon sa utos n~g Kapitan. N~guni't noon ding gabing yoon ay walang makasabi kung bakit ipinadala na doon sa pantion at n~g doon muna mapa lagak hangang kinabukasan; at ganito n~ga ang nasunod.
N~g sia'y mapag-isá doon, at n~g wala nang makakita sa kania ay nagban~go't pinasan ang sa kaniya'y pinagusun~gan at tuloy tuluyang umuw? sa kaniang bahay, sa wala sinomang nakakita. Noon din ay pinaroonan nia ang dalawang sa kania'y umusong magbuhat sa bukid, at ipinagalám sa kaniang inaakalang gawin. Kinabukasang ililibing ang nalunod na matandang Tacio ay wala ang bankay sampon n~g pinaglagyan, kaya naman sa takot n~g dalawang pinagutusan n~g kapitan, ay nagpahayag n~g daw, ay nakita nilang kababalaghang, pag pailanglang n~g bangkay ni Tandang Tacio hangang kalan~gitan. Ang salaysay na ito ay paniwala'y dili n~g marami, n~guni't pinagtitibay na patotohanan n~g dalawang yaon, dahil sa takot na mapalò n~g kapitan.

VIII
Ang lahat na nakaalam n~g pagkamatay ni matandang Tacio ay malungkot na nagbibilang n~g araw, at n~gayo'y ikaapat na araw na magmula n~g ilibing ang nalunod. Ang balo n~g namatay sanpon n~g m~ga kasuyó ay naghahandaan upang ipagparasal n~g gabing yoon, kaya, n~ga't nagkatipon sa bahay n~g namatay. Na roon na ang Kapitan, ang Directorcillo, ang Paré, at ang m~ga Cantores ay nagdasal n~g responso, sampon n~g m~ga manang at ang lahat na doroon. Nang matapos ay pawang inanyayahan sa paghahapunan at dina n~ga naluatan at nalilikmo nang lahat sa paligid n~g isang mahabang dulang na kina hahainan n~g mabubuti at masarap na pagkain na ang litson at tinolang manok ay kapiling n~g patis na may dayap at n~g salaang maasim asim. Nang malapit na ang pagkatapos n~g paghapon ay napansin n~g lahat ang isang tinig na nagbubuhat sa gawing itaas n~g palupo na tapat n~g dulang. Ang lahat ay na patin~galá at doon n~ga'y nakita ang duyang may nakalawit na isang paa. Marami ang nagulat at tumakbó, lubhà ang m~ga babaie. Pinagtulung-tulun~gang ibaba ang duyan at n~g narito na'y mahinusay na nagsalita ang matanda, na nagpalut? n~g tsá na pinatakan n~g gatas amargas, sa gitna n~g di masayod na katuaan at tawanan. Ang kaumpok na m~ga daló sa piguing na yaon ay walang pagkasiahan sa lugod, kaya n~ga yata ang Directorcillo ay di nakatiis na di bumigkas n~g isang tulà na kaniang biglang ipinamutawi, na anya'y,
M~ga, maguinoo,
Ang tawo'y di n~ga sukat na magsasabi, n~g tapos sa sinomang kapua lalaki, sapagka't kung ganito n~ga ang mangyari kahiyahiyang lubha sa kania ding sarili.
(Nan~ga tilihán)
Ipinalalagay nating patay n~gang tunay si Pareng Tacio kaya n~ga nagdasalan, dili pala gaion at siang tumatanaw kung sino sa atin ang malaking samual.
(tawanan)
Ang gawang maglimos ay gawang magaling na di n~ga lubhang kaluluguihan natin; paris n~ga n~gaio'y m~ga tian natin di mababayaran n~g tigagatlong aliw.
(tawanan)
Kaya n~ga lubos ang pasasalamat ko sa pan~galan lamang ni Cumpareng Tacio, biniguian lugal na magkasalo-salo tanang cantores at sampon maguinoo.
(walang makahin~ga)
Sapagka n~gá't naguing ugali na natin m~ga kantores sa huli ang kaín tan~gi lamang n~gaion na napapiling din, kaakbay n~g kurang kaagapay natin.
(may na hikáb pa)
Ang ipinagbadya'y di ko tinitikis kaya ang hiling ko'y inio n~g íalis sa puso niniong maalam magkipkíp at sa kakulan~ga'y marunong magtakíp.
(may na banlág)
Inuulit ko'y ang pagpapasalamat dito sa may boda at tanang kaharap; huag din nawang isaman ay magkalamat m~ga pinga't basong dito n~ga't sinangkap.
(Na patawa ang asawa ni tandang Tacio)
At natapos na.
Nagpagakpakan at muling nagkatawanan at dito nama'y hinan~gaan ang pagkakapamigkas n~g Directorcillo n~g gaiong tugma, at sapol na n~ga noo'y pinagmatahan sia n~g kanilang kura at ipinalagay sa kaniang sarili na isa sa m~ga may magagawa sakalí pagdating n~g araw, na ito'y hindi nagluat, sapagkat may ilang panahon lamang at ang Directorcillo n~ga ay napatapon na sa ibang lupain, at noo'y nagsisimula na ang himagsikan.
Ang lahat ay nagpaalam na, at ipinalagay na ang m~ga kantores ang siyang napahirapan sa gaiong kasistihang guinawa n~g matanda; kaya n~ga ang m~ga ito'y nagsabi na di na sila mauuli ninoman, bagama't kadidinig pa lamang n~g

 / 11
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.