Hindi Biro!... ó Ang Anting-Anting | Page 5

José R. Francia
sinumpa n~gang sinabi sa kania.
Yaman n~gang sa Akin íkaw nag suail kaya buhat n~gayon at sa haharapin sa pawis n~g noo mo'y iyong kukunin ang iyong kakanin at ipakakain,
at simula n~ga noo'y naparam ang ginhawa nakaramdam na sila n~g gutom at nag isip n~ga n~g paraang ikabubuhay, na ito'y ang pagtatanim n~g m~ga halaman.
--At ano pong guinawa, kaya n~g nunong Adan? ang tanong naman n~g tininting Isiro.
--Nag isip pong bungkalin ang lupa upang mag tanim; at sa ganito n~ga'y natamo nia ang bun~ga n~g lahat niang halaman at sia niyang ipinakain sa asawang Eva sanpon sa lahat niang inianak. Kaya Tingting Isiro; ang iniong pagbubukid ay talagang kapuri-puring gawa sapagka't siang kaunaunahang natuklasang pangbuhay sa m~ga tawo, at hangang n~gayo'y sia pa ring ikabubuhay at ikabubuhay n~g lahat n~g bayan sa Sangsinukuban, munti at malaki man, dan~gang dito sa atin ay waring napapabayaan.
Samantala'y patuloy pa si Ambo n~g pag liliguid sa bukid.
--Ay ano po naman ang tamardillo?--ang ulit n~g kausap.
Ang "tamar" ay tamad, hindi masipag, ayaw gumawa, at "dillo" ay tinadtad, anhin mo'y pikadillo; sapagka't ang tawong tamad ay talagang tinatadtad n~g pintas at pula n~g kapua tawo; at ipaghalimbawa nating tayo n~ga'y makakitá n~g isang tawong malakas at walang karamdaman n~guni't nagaansikot, ayaw gumawa o mag paupa ay pinupuri kaya ninoman? Kung makakita kayo, n~g walang gawa kundi maglagalag, maglan~go, o magsugal na lamang ay anong maitatawag ninyo? Kung may makita tayong isang salantang wari pilihot ang m~ga paa na lumapit sa ating pintuan at humin~gi n~g limos, atin naman lilimusan alang-alang sa salanta, n~guni't pagkapalayo ay matuid pa't magara kay sa atin kung lumakad, at kung m~ga araw n~g linggo'y makita nating nagpapatalo n~g salapi sa sabun~gan o sugalan, anong inyong maitatawag?
--Tamad!... tamad! magdaraya!.. ang ulitan n~g lahat.
--Ganian n~ga; at walang ibang maitatawag ang sinoman,--ang ulit n~g matanda.
--Sia n~ga!... ang ulitan n~g m~ga kaharap. Dapat n~gang paniwalaan at siang totoo ...
--Ako'y nagtataka kay Tandang Tacio, sa gayong katulisan n~g unang dako ay n~gaio'y mabait na't masípag at ang naguiguing aliwan na lamang niya ay magsistí--ang saló naman n~g isa.
--Sia'y uliran na, na dapat gawin ni Ambo at n~g m~ga iba dian na talagang tamad, kaya naman pinarusahan siya doon sa initan--at pagsasabi nito ay gawari hinanap si Ambo, n~guni't n~g tanawin ay wala na at sa hiya ay nagpatuloy na umuwi sa kanilang bahay. Namalayan n~ga't pinaghanapanan n~g lahat si Ambo ay wala n~ga sa bukid. Kaya sa maalaman ni Angue ay napaalam na sa lahat at tinunton ang pook na pinaroonan n~g kaniang asawa.
Noo'y hapon na; at ang lahat ay nag uwian sa kanikanila, na di magkangdadala n~g hunos, kaya n~ga ang m~ga bakol, o palanan nila'y puno n~g palay at ang m~ga tian ay puno din naman n~g ... han~gin sa katatawa kay matandang Tacio, at busog ang m~ga kaloobán sa m~ga na dinig na aral n~g sistidor na matanda.
Nagbago kaya si Ambo n~g gaiong ugali?--ang maitatanong n~g bumabasa.
Tayong lahat ay makasasagot. Makaaasa tayo sapagka't sawikain nating "sa tawo'y ang mukha ang hindi lamang nagbabago", n~gunit na dudun~gisang minsan minsan kaya minsan minsa'y kailangang humarap sa salamin n~g mabubuting aral at m~ga basahing makapagaagno sa magaling, upang sa m~ga yoon ay maisaayos ang m~ga kapakanan n~g ating sarili at n~g kalahatan sa kapakinaban~gan n~g boong katauhan.

VI
....Umui na sa bayan ang m~ga nan~ganihan noong hapong yaon; n~guni't si matandang Tacio at si Juan ay umiba n~g daan.
--Narito na si Matandang Tacio!--ang putol na sabi n~g isa sa m~ga nagkakaumpok sa bunsuran n~g isang hagdanan, na ang m~ga ito'y nagsisipag karay-kurus, ó nag tatan~gá simulá pa n~g makakain n~g tanghalian.
At sa mapalapit ay pinadaan; n~guni't bagaman gabi na'y nagdasan ding kusa ang matandà.
--Anó anó ang inyong pinagpupulun~gan m~ga bata?--anang matandà.
--Wari po'y nagkakapalabasan; nagkakapustahan po yata n~g kuarta.
--At sinong pupusta sa akin?--ang ulit n~g matanda--n~guni't ayoko n~g kuartahan!
--Kami po; ang halos sabay n~g apat na binatang doroon, na ang m~ga isipa'y nasa kara y kurus din at sa pagkakataló.
--Kapag hindi ko napakain sa dulo n~g kawayang yaan ang kalabaw na yaong nakatali sa tabing bakod ay anong gagawin ninió sa akin?--ang patuloy n~g matanda.
--Kapag na pakain mo po'y di iyo na ang lahat naming kuarta, pati na sa bulsá naming apat--ang tugon n~g isa.
--Ayao ako n~g kuartahan--ang ulit n~g matanda.
--Kapag po napakain mo ay unsun~gin ka po naming pauwi sa bayan, yamang gabi na din lamang, at ikaw po namay matanda na.
--How?... Lalong mabuti at galing din sa inyong bibig!
--Sia n~ga po ang ulit n~g apat na m~ga kapustahan.
Bueno ... at sabay na kinalág n~g matanda ang kalabaw, at inilapit lapit sa kawayan; humapay n~g isa, na parang sinukat, na ang dulo'y napalapit sa un~gos n~g kalabaw, at sa ganito n~ga'y kinain n~g hayop ang talbós n~g kawayan.
--Ano pa?... ang ulit n~g matanda sa m~ga kapustahang nan~gapamangha.
Tumutol ang iba sapagka't inaasahang ipapanhik n~g matanda ang kalabaw, doon sa dulo
Continue reading on your phone by scaning this QR Code

 / 11
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.