ipinamutawi n~g Directorcillo.
IX
Nakalipas ang ilang buwan.
Minsang gabi tinipon ni Matandang Tacio ang m~ga kantores.
--Saan tayo paroroon po?--ang tanong n~g Maestro kantor.
--Tayo'y may ipagdarasal sa bahay ni Kumpareng Kulás.
--At sino p? ang namatay?
--Ang anak ko sa biniag.
--Kayo'y mauna na at ako lamang ay magdaraan dito sa tindahan n~g insik at bibili n~g magagawang bisté, at baka di mayari.
--Sia n~ga p?; pabayaan ninio't kami ang bahala na pagdating doon.
At nagsiparoon nan~gang sabaysabay ang m~ga cantores, samantala'y may isa sa kanilang na kapunang sa bayan pala nila'y pauang insik na lamang ang may tinda at ang m~ga taga doo'y pauang mamimilí at man~gun~gutan~gan na lamang sa m~ga iyon.
...............................................
Dumating ang m~ga kantores sa bunsuran n~g hagdanan n~g Kulas. Ang ugaling pagpapatawo po ay sinagot sa itaas, sinun~gaw sila at pinapanhik sa pagsasapantahang marahil ay haranista, sapagka't, doo'y may dalaga. Nang nan~gauup? na'y ang maestro kantor ay humin~guing tulot na makalapit sa dambana, nag sindí n~g kandila at pagkuwan ay nagsiluhod na't nagsimula n~g isang Rosario Cantada. Lubhang napamangha ang may bahay at di nakatiis si Matandang Akang na noo'y paris din n~g dating hapong nakakainom n~g dalawang tagay, kaya n~ga ang m~ga mata'y kukurapkurap at n~gamol ang pan~gun~gusap ay nagsabi:
--Ano ba't kayo'y nagdadasal dito?
--Aba!... Kami po'y pinaparito ni Matandang Tacio, at ipagdasal daw namin ang inyong apong si Julio na kania namang anak sa binyag; kaya po ...
--Ah!... Kayo'y m~ga wala n~g kinahahapan~gan kundi ang kung sino ang mamatay, palibhasa't ... kayo'y kantores kulitis.
--Huag po kayong magkagalit at hindi po kayo ... kami ang may kasalanan.
--Hindi; Kaya n~g huag tayong magkaligalig ay kayo'y umalis na dito.
At ang m~ga kantores ay di nan~ga nagulit at noon din ay umalis, tuloy hinanap ang matandang sa kanila'y nag buyó sa gaiong kahihian. Sabihin ang galit n~g maestro, na sarisaring balak ang sinasabi upang makagantí.
.............................................
Dumating sila doon at napatawo sa bahay n~ga n~g matandang Tacio. Sinun~gaw n~g asawa at pinapanhik.
--Juan!... ang pagdaka'y tawag n~g Matanda--ipasok mo dito yaang mansanilia--Ako yata'y nabalis n~ga taga Lumay na kausap ko dito kanikaniná--kaya ganito na ang sakit n~g aking tian; at nagsubsób nang mabuti sa banig na hinihigan na itinitirik ang ulo sa unan, at hinihilot naman n~g asawa ang tian n~g matanda.
--Baka p? nasin~gawan lamang n~g lupà ang ulit n~g Maestro kantor.
--Hindi; talagang balis ito, kaya ganito katigas ang tian ko parang bato!... anang matanda....
Ang isa sa m~ga kasama ay pagkadinig n~g wikang "balis" ay nagmungkahing umalis na sila at baka mahawa, di umano, samantala'y inanyayahan sila ni Juan Hanipol n~g hitso't sigarilió.
Ilang sandal? ay ga tumahimik ang may sakit, at na katulog.
--Mabuti't wari po'y hinayhinay at tila nakakatulog, ay kami ay aalis na--ang ulit na sabi n~g Maestro kantor sa asawa n~g matanda--sabihin mo p? sa kania na kami ay sukó na.
--Bakit naman?
--Sapagka't p? nasabi namin na kami hindi na mauuli niyang pagbibiruan ... ay eto't ... biro din.
Kaya n~ga tumpak na tumpak n~ga, sa atin ang sinabi n~g Director noon magkainan tayo sa bahay ding ito; ang sabat n~g isang kasama, na,
Ang tawo'y di n~ga sukat magsasabi n~g tapos sa sinomang kapua lalaki sapagka't kung ganito n~ga ang siang mangyari kahihiyang lubha sa atin ding sarili.
At nagsipagpaalam na ang lahat. Ang magasawa naman ni matandang Taciong Bakal sampon ni Juang Hanipol ay hindi magkangmamayaw n~g pagtatawanan, dahil sa m~ga nangyaring yaon.
Kaya; kung minamainam mo ito guiliw kong kababayan, ay pakitandaan ang m~ga nangyari; pulutin at itanim ang m~ga binhi n~g katwiran upang sa araw na kailan~gan natin ay salo salo tayong magani n~g masarap na bun~ga n~g kaguinhawahang inilaan sa atin n~g sa atin ay Kumapal.
At hangan sa muli po tayong magkita at sandaling magkaulayao paris n~gaion,--Marami pong salamat sa inyo at ipagpaumanhin ang kulang nito at n~g susunod, na pakahuhusayin upang panibagong mai handog sa inio.
=STANGL PRESS=
Tumatanggap ng mga gawaing nauukol sa limbagin na gaya ng Revista, Nobela, Alegato, Membrete, Tarjeta, at iba't iba pa.
Sa halagang mura at madali ang pagkayari.
Dumalaw kayo rito sa aming pagawaan.
641 Sales, Santa Cruz, Maynila.
Patalastas: La Moderna
End of the Project Gutenberg EBook of Hindi Biro!... ó Ang Anting-Anting, by José R. Francia
*** END OF THIS PROJECT GUTENBERG EBOOK HINDI BIRO!... ó ANG ANTING-ANTING ***
***** This file should be named 18805-8.txt or 18805-8.zip ***** This and all associated files of various formats will be found in: http://www.gutenberg.org/1/8/8/0/18805/
Produced by Tamiko I. Camacho, Pilar Somoza, and the Online Distributed Proofreading Team at http://www.pgdp.net Handog ng Proyektong Gutenberg ng Pilipinas para sa pagpapahalaga ng panitikang Pilipino. (http://www.gutenberg.ph)
Updated editions will replace the previous one--the old editions will be renamed.
Creating the works from public domain print editions means that no one owns a United States copyright in these works, so the Foundation (and you!) can copy and distribute it in the United States without permission and without paying copyright royalties. Special rules, set forth in the General Terms of Use part of this license, apply to copying and distributing

Continue reading on your phone by scaning this QR Code
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.