asawa ni matandang Tacio.
Dumating ang Viernes. Madilim-dilim pa'y na lig? na n~ga si Juan, at pagkawi sa bahay ay nag lut?, nag haien, kumaen sila sampon n~g mag asawa. Kaguinsaguinsa'y isang babae ang na pa tawo sa hagdanan.
--Anó Angue?... at na parito ka?
--Dahil p? kay Ambo, ay ibig ko pong patingnan sa iyo.
--Oo; madali yoon, titingnan lamang pala eh ...!
--Ibig kó pong ipagamot sa iyo.
--At anó bang sinasakít?
--Walá p?;
--Walá palá'y bakit?
--Meroon p?;
--Na ano yoon?
--Hindi ko n~ga po maalaman.
--Baka pasmá?
--Baka n~ga po yoon ang pasma tabardillo.
--Hindi ka maalam mag salita! "Asno Tamardillo", ang tawag sa sakit na yoon baga ma't hindi ko pa nakikita.
--Ah!... asno tamardillo ... asno tamardillo ...!
--Oo pabayaan mo't ako'y mapapadaan n~gaion sa inio at kami ni Juan ay pasasaanihan. At ang babae'y namaalam na.
Gumayak na madalì ang dalawa ni Juan at ni Matandang Tacio, at halos ay inabutan pa n~ga nila ang tumawag na si Angue. Nanhik silang panabay at dinatnan n~ga namang si Ambo'y gugulong gulong sa sahig na anhin ang batang sangol. Pinulsuhan n~g matanda at iiling-iling na nagsabí.
Oh!--Di sinabi ko n~ga. Di tama n~ga Angue ..."Asno Tamardillo" n~ga itong asawa mo! Ha! Ha ha ... ha!--ang patawa n~g mangagamot.
--Hindi ba masakit ang ulo mo?--ang tuloy na tanong sa may sakit.
--Masakit n~ga p?.
--Ang tian, hindi ba parang walang laman?
--Ganoon n~ga po.
--Di ba ang ibig mo'y kain n~g kain ay ... wala ka namang ...?
--Sia n~ga po.
--Di ba ang ibig mo'y laging uminom ay?...
--Tila n~ga po.
--Di ba para kang hilo, walang maisipang gawin?
--Sia n~ga po!
--Ano!--ang badling na sabi kay Angue--di asno tamardillo n~ga ... sinapantaha ko na n~ga. Ano bang gawagawa n~gaion n~g m~ga tawo dito sa iniong bandahing itó? mapa ibá ako, n~g usap.
Ah! marami po n~gaion ang anihin at nagkakalutlot ang palay.
--Ay sino sa inio ang nan~gan~ganihan?
--Wala po kundi akong saglitsaglit, dian lamang sa malapit; di n~ga po makaláyo'y itong si Ambo'y may sakit at may bata pa akong....
--Mahirap ano?... Marahil sa pagani sia na pasmá?--ang pasaring n~g kausap.
--Sia n~ga po;--ang tugon na lamang n~g mabait na si Angue na ikinakanlong ang ugali n~g asawa nia--Ay ano po kayang mabuti?--ang patuloy na tanong nia.
Ang matanda'y hindi nakasagot kaagad palibhasa'y inisip nia, na kung itóng aanihin na lamang at sukat, mabuti naman ang pahunusan ay kinatatamaran pa, ay ano pa n~ga kaya't di katamarán ang gawang mag bukid, at mag bugtá n~g lupa na lalong mahirap kay sa umani, palibhasa'y nan~gan~gailan~gan n~g pagod, isipan at puhunan, ang pag bubukid na siang kauna-unahang batis n~g ikinabubuhay n~g m~ga tawo at n~g alin mang Bansa.
--Ay ano pong mabuti kay Ambo?--ang ulit na tanong ni Angue.
Kung makakaban~gon at makakalakad ay pasamahin mo sa amin ni Juan.
--Op? ...anó, Ambo; sasama ka?--ang badling n~g Angue sa kaniang may sakit, daw, na asawa.
--Kung ako'y gagamutin mo p? ay bakít ako ipagsasama--ang tanong naman n~g may sakit na talagang ayaw buman~gon.
--Kailan~gan sumama ka; at n~g pagtulò n~g gamot na ihahaplas ko sa batok mo't likod ay malamig lamig pang mapasakatawan mo ... Sumama ka't n~g ikaw ay madáling gumaling at n~g umabot ka n~g anihin, sayang ang palay at mapapásalupa lamang ay hindi mapakinaban~gan, tutukain lamang n~g m~ga ibong kung saan saan galing na m~ga pook.
--Ako po'y baka di makatagal ah!
--Bahala na, utay-utay ... banay banay tayong lalakad at nagkakataong dumarating tayo'y ...
Hindi sumasagot si Ambo; nag tindig na n~gang wari hahapayhapay, sa panglalata lamang n~g katawang kusang ayaw na igalaw, at n~gaio'y tatlo na silang lumalakad sa paroroonang anihan. Si Angue ay saka susunod kung maihabilin sa kalapit bahay ang kaniang m~ga anak na mumunti.
Dumating ang tatlo sa kamalig n~g anihan. Na tanaw nila ang maraming tawong sumasabukid na ang karamiha'y babaieng malalapad ang salakot at mapupulang kundiman at dinampol ang m~ga baro't saya kundiman kaya'y sadyang pinulahan.--Hindi na luatán at nagdatin~gan ang lahat na pawang may kanikanilang sunong na uhay n~g palay sa kanilang m~ga sisidlan. Nagkatipon sa kamalig na maluang din naman, ay pawang nagdaramdam kapaguran at init n~g namimitik na araw, nagbibigay n~g kasaganaan. Gaion din ang m~ga dalaga, na sa kanilang m~ga pisn~gí ay waring na nananalaytay ang dugong buhay n~g kasipagan, lalo na si Biang na anak n~g may bukid.
--Juan!... humanda ka't n~gaion kita bibigyan--ang pabulong ni Tandang Tacio kay Juan.
--Opo Lelong;
At magkakainan na ang lahat n~g kumuha n~g alak si Tininting Isiro at ipinanagay ni Biang na inuna n~gang tagayan si Matandang Tacio, si Juan at si Ambo.
--Totoong sistidor ang matandang Taciong yaan--ang sabi ni Tiningting Isiro sa isa niang kaharap. Makikita natin at hangang mamaya'y ... gagawa n~g sisté!
--Aba!...--ang pabigla n~g matanda sa kay Biang na tumatagay--
Ang unang tiro'y sa botillera At ang ikalawa'y sa kastillero;
Huag kang magkakawikaan Ineng at talagang kalakarán--ang dugtong n~g matandà.
Ang dalaga'y tumatangui sana'y di naman na gawí na at una nan~gang uminom n~g isang tagay, na ipinamaalam, at saka panibagong sinidlan ang tagayanat inilapat sa matandà.
--Ako'y patawarin mo Ineng;
Continue reading on your phone by scaning this QR Code
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.