Hindi Biro!... ó Ang Anting-Anting | Page 2

José R. Francia
pang lubha!
--Wala ka bang m~ga kapatid?
--Wala din po.
--Sus, di magaling: anó, titirá ka na?
--Opo, titirá na ako.
--N~guni't ...tíla hind? ka dapat mag-in~gat n~g m~ga kabulaanang yaon at baka ikaw ay mapahamak, bata ka pa; gaion man ay aatuhan kita.
Sa madaling sabi, natirá na n~ga doon si Juan, at mula noo'y ang panunuyó ang siyang guinamit, anopa't ginawa niyang lahat ang anoman sa loob at labas n~g bahay.

II
Lumipas ang ilang araw.
Minsang gabí, pagkatapus makapagluto si Juan n~g kanilang hapunan ay tinawag n~g matanda at pinagsabihan.
--N~gayon ay huwag káng kakain n~g hapunan, at hindi pa tumutugtog ang "animas" ay pumaroon ka na sa bakuran. Pag patók n~g kampanà ay sabay kang mag tatakbó at yumapós ka sa punò n~g kamatsileng maalitatáp; at ikinatnig ang punong yaon; kumagat káng makakaha n~g pitóng tilád n~g balát bago matapos ang tugtóg, balutin mong magaling sa isang bagong paniong put? at saka mag tatakbóng walang lin~gon hangan dito. Huwag káng paabot sa huling patók n~g kampanà, sapagka't may mangyayari!
--Na anó po?...ang pagdáka'y tanong ni Juan.
--Kapag inabot ka n~g katapusang patók, ay katapusan mo namán, at ...
--Bakit po?
--Sapagka't darating doon ang isang malaking tawo na yayapos sa iyo na sasakalin ka't ipaghahaguisan n~g lubhang matayog hangang sa di ka mamatáy.
Si Jua'y hind? nagsalita, n~guni't di naman munti man na takot sa m~ga hulíng sinabi n~g matanda. Binuó nia ang kaniang loob at lumaang gawin ang m~ga iniatas n~g matanda masunód lamang matamó ang kaniang pita.

III
Dumating ang gabí.--Bagama't pusikit ang dilím ay madali niang na tanáw ang punò n~g kamatsileng maalitaptáp. Pumatók ang "animas"; tumakbó na sia't yumapós sa punong yoon, kumagát sia't na ka tipák n~g pitó; binalot na nia't inuwi sa bahay, anopa't na ganáp ang m~ga bilin n~g matanda, bago natapus ang patók na hulí.
--Magaling na batà!...--ang salubong na sabi n~g dinatnán--N~gaion din ay isubò mo ang m~ga tipák na iyán at pumaroon ka sa bahay ni Kumpareng Kulás, at makikita mo ang lahat ay hind? ka namán makikita, nino man. Samakatuwíd ay nataguibulag mo silá, sabáy mo namang sasabihíng malakas ang oraciong itó:
Saratum, ticom, balakum, tukos, mukos, talagum, ibom.
--Ano pong oracion yaan?--ani Juan.
--Yaan ang oracion sa pitong Arkanhel.
At madaling sinaulo ni Juan ang oracion yoon, at di na n~ga pinapagbihis n~g matandà sapagka't di na makikita't madirinig di kunó ninoman, na itó n~ga namán ang inasahan ni Juan.
Halos manakbó-nakbó sia ay dumating n~ga sa bahay n~g Kulás, na doon palá nama'y maraming tawo sapagka't kasalan sa isang anak nitó. Na sa trankahang pa'y isinubó na ang tagláy at saka dinalit na ulitulit n~g malakas ang oracion:
Dalakong tikoy balatong tunkos mungos talagang ibús.
............................N~guni't
Oh!....ang pagkamanha n~g m~ga dalaga na siang pinagtuluyang inumpukan ni Juan sa pagkaup?, na ang makapiling n~ga nia'y pilit umiilag. Ang palagay n~g lahat ay ul-ol ang dumating, n~guni't ang palagay naman n~g Kapatid na lalaki n~g ikakasal na dalaga ay nag uulol ululan lamang, kaya galit na galit, at kundi n~ga napagpayó ay marahil nasaktan sana na walang pagsala ang atin n~gang si Juan, sapagka’t ipinalagay pa linilibak ang kapatid niang may bulutong n~ga naman bukod pa sa malapad ang mukha na anhin n~ga ang tikoy n~g insik. Pagdaka’y linapitan n~g isá sa m~ga doroon at mahinahong pinakiusapang magbihis muna at saka bumalik.
--Ata makíc po ma ako ma mimih? pa?--ani Juan, na n~gamol umusap dahil n~ga sa subo.
--Sapagka’t ang damit mo’y pulos na putik, ay napapagtawanan ka n~g tawo’t kahiahia ka pa sa m~ga dalaga.
At pulos tubog n~ga naman n~g makita nia’t mamasdan ang kaniang damit sa katawan, kaya hianghia siang umalis na, diman nakuhang namaalam kaninoman. Ang puno paláng kaniang kínagatan ay datihang kuskusan n~g m~ga kalabaw na sa malapit doo’y nanunubog araw araw.
Nanaog na n~ga si Juan na lubhang pinagtanawan n~g lahat na siang nakaaliw sa m~ga nagkakan~gay, pati ina n~g dalaga’y na patawa na, bagama’t lubhang nahahapis na di man makakain símula n~g mag suguan sa kaníang anak.

IV
Dumatíng si Juan kay Matandang Tacio at sinabi niang sia’y pinagtawanan n~g lahat.
--Ganoong n~ga. Ito’y bago-bago ka pa! Huwag niong alumanahin ang anoman; sa magalit sila’t sa matwa ay gawin mo ang gagawin mong utos ko sa iyo!... Papaano ba ang oracion mo?--ang dugtong n~g matanda.
Dalakong tikoy at balatong tunkos mungos talagang ubos.--ang
ulit ni Juan.
--Ah! tingnan mo, di mali ka!... Pagkaba nag kuláng ka n~g iisa man lamang letra eh!... di ... Sira ka na.
--Hindi po ba ganoon ang turo mo?
--Hindi;--Sinabi ko na n~ga't tila hindi ka maari, at sa unang lision lamang ay hindi ka naka lampás ... Bueno! mag pahin~ga;--at sa ul? ay iba naman ang gagawin natin.
At nag si pamahin~ga na n~ga sila, palibhasa't malalim na ang gabí; n~guni't pinagbilinan muna.
--Sa Viernes, humanda ka Juan at kita'y susubuan n~g isang Anting na mabuti sa iyo..... Maliligo ka muna, sa ilog mag hilod na mabuti at ... bahala na.
--Op?, op?; ang tugon n~g kausap.
Patuloy ang panunuyo ni Juan sa mag
Continue reading on your phone by scaning this QR Code

 / 11
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.