Hindi Biro!... ó Ang Anting-Anting | Page 6

José R. Francia
bata?--anang matandà.
--Wari po'y nagkakapalabasan; nagkakapustahan po yata n~g kuarta.
--At sinong pupusta sa akin?--ang ulit n~g matanda--n~guni't ayoko
n~g kuartahan!
--Kami po; ang halos sabay n~g apat na binatang doroon, na ang m~ga
isipa'y nasa kara y kurus din at sa pagkakataló.
--Kapag hindi ko napakain sa dulo n~g kawayang yaan ang kalabaw na
yaong nakatali sa tabing bakod ay anong gagawin ninió sa akin?--ang
patuloy n~g matanda.
--Kapag na pakain mo po'y di iyo na ang lahat naming kuarta, pati na sa
bulsá naming apat--ang tugon n~g isa.
--Ayao ako n~g kuartahan--ang ulit n~g matanda.
--Kapag po napakain mo ay unsun~gin ka po naming pauwi sa bayan,
yamang gabi na din lamang, at ikaw po namay matanda na.
--How?... Lalong mabuti at galing din sa inyong bibig!
--Sia n~ga po ang ulit n~g apat na m~ga kapustahan.
Bueno ... at sabay na kinalág n~g matanda ang kalabaw, at inilapit lapit
sa kawayan; humapay n~g isa, na parang sinukat, na ang dulo'y
napalapit sa un~gos n~g kalabaw, at sa ganito n~ga'y kinain n~g hayop
ang talbós n~g kawayan.
--Ano pa?... ang ulit n~g matanda sa m~ga kapustahang
nan~gapamanghâ.
Tumutol ang iba sapagka't inaasahang ipapanhik n~g matanda ang
kalabaw, doon sa dulo n~g kawayan; n~guni't n~g magkaaninawa'y sila
din ang mali sapagka't hindi pinaglinaw muna ang pustahan, ay ang
matanda din ang nagsabi.

Ang kamalian ay katalunan; Siyang kalakarang leying umiiral.
At ang lahat ay di nakatanguí; napatalo na n~ga sila at matanda'y
inusong sa isang duyan.
--Yamang n~gayo'y gabi na din lamang ay ipagpatuloy ninio ako sa
Casa Real at sabihin niniong ako'y nalunod. Walang pagsalang ako'y
lilimusan n~g m~ga kakila't katoto, lalo na si Doña Isabel; at ikaw
Cebio ang maghahawak n~g kuarta, sapagka't ang asawa ko'y
mananan~gis na lamang; huag lamang kayong magpapahalata. Ikaw
naman Kulás ay pasasa simbahan at magpapa algunias, sabihin mo sa
kay Pari Teban na ako'y pag oracionan.
At ganoon n~ga ang guinawa.

VII
Sabihin pa ang pagkapamanghâ n~g marami sa mapagtantong ang
namatay ay si matandang Tasiong Sistidor, lubha pa n~g m~ga
nakakita sa kanian sa anihan, n~g araw na yaon.
Ang bankay nia'y inilagak na lamang sa silong n~g Casa Real ayon sa
utos n~g Kapitan. N~guni't noon ding gabing yoon ay walang makasabi
kung bakit ipinadala na doon sa pantion at n~g doon muna mapa lagak
hangang kinabukasan; at ganito n~ga ang nasunod.
N~g sia'y mapag-isá doon, at n~g wala nang makakita sa kania ay
nagban~go't pinasan ang sa kaniya'y pinagusun~gan at tuloy tuluyang
umuwî sa kaniang bahay, sa wala sinomang nakakita. Noon din ay
pinaroonan nia ang dalawang sa kania'y umusong magbuhat sa bukid,
at ipinagalám sa kaniang inaakalang gawin. Kinabukasang ililibing ang
nalunod na matandang Tacio ay wala ang bankay sampon n~g
pinaglagyan, kaya naman sa takot n~g dalawang pinagutusan n~g
kapitan, ay nagpahayag n~g daw, ay nakita nilang kababalaghang, pag
pailanglang n~g bangkay ni Tandang Tacio hangang kalan~gitan. Ang
salaysay na ito ay paniwala'y dili n~g marami, n~guni't pinagtitibay na
patotohanan n~g dalawang yaon, dahil sa takot na mapalò n~g kapitan.

VIII
Ang lahat na nakaalam n~g pagkamatay ni matandang Tacio ay
malungkot na nagbibilang n~g araw, at n~gayo'y ikaapat na araw na
magmula n~g ilibing ang nalunod. Ang balo n~g namatay sanpon n~g
m~ga kasuyó ay naghahandaan upang ipagparasal n~g gabing yoon,
kaya, n~ga't nagkatipon sa bahay n~g namatay. Na roon na ang Kapitan,
ang Directorcillo, ang Paré, at ang m~ga Cantores ay nagdasal n~g
responso, sampon n~g m~ga manang at ang lahat na doroon. Nang
matapos ay pawang inanyayahan sa paghahapunan at dina n~ga
naluatan at nalilikmo nang lahat sa paligid n~g isang mahabang dulang
na kina hahainan n~g mabubuti at masarap na pagkain na ang litson at
tinolang manok ay kapiling n~g patis na may dayap at n~g salaang
maasim asim. Nang malapit na ang pagkatapos n~g paghapon ay
napansin n~g lahat ang isang tinig na nagbubuhat sa gawing itaas n~g
palupo na tapat n~g dulang. Ang lahat ay na patin~galá at doon n~ga'y
nakita ang duyang may nakalawit na isang paa. Marami ang nagulat at
tumakbó, lubhà ang m~ga babaie. Pinagtulung-tulun~gang ibaba ang
duyan at n~g narito na'y mahinusay na nagsalita ang matanda, na
nagpalutô n~g tsá na pinatakan n~g gatas amargas, sa gitna n~g di
masayod na katuaan at tawanan. Ang kaumpok na m~ga daló sa
piguing na yaon ay walang pagkasiahan sa lugod, kaya n~ga yata ang
Directorcillo ay di nakatiis na di bumigkas n~g isang tulà na kaniang
biglang ipinamutawi, na anya'y,
M~ga, maguinoo,
Ang tawo'y di n~ga sukat na magsasabi, n~g tapos sa sinomang kapua
lalaki, sapagka't kung ganito n~ga ang mangyari kahiyahiyang lubha sa
kania ding sarili.
(Nan~ga tilihán)
Ipinalalagay nating patay n~gang tunay si Pareng Tacio kaya n~ga
nagdasalan, dili pala gaion at siang tumatanaw kung sino sa atin ang
malaking samual.

(tawanan)
Ang gawang maglimos ay gawang magaling
Continue reading on your phone by scaning this QR Code

 / 11
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.