na di n~ga lubhang
kaluluguihan natin; paris n~ga n~gaio'y m~ga tian natin di
mababayaran n~g tigagatlong aliw.
(tawanan)
Kaya n~ga lubos ang pasasalamat ko sa pan~galan lamang ni
Cumpareng Tacio, biniguian lugal na magkasalo-salo tanang cantores
at sampon maguinoo.
(walang makahin~ga)
Sapagka n~gá't naguing ugali na natin m~ga kantores sa huli ang kaín
tan~gi lamang n~gaion na napapiling din, kaakbay n~g kurang
kaagapay natin.
(may na hikáb pa)
Ang ipinagbadya'y di ko tinitikis kaya ang hiling ko'y inio n~g íalis sa
puso niniong maalam magkipkíp at sa kakulan~ga'y marunong
magtakíp.
(may na banlág)
Inuulit ko'y ang pagpapasalamat dito sa may boda at tanang kaharap;
huag din nawang isaman ay magkalamat m~ga pinga't basong dito
n~ga't sinangkap.
(Na patawa ang asawa ni tandang Tacio)
At natapos na.
Nagpagakpakan at muling nagkatawanan at dito nama'y hinan~gaan
ang pagkakapamigkas n~g Directorcillo n~g gaiong tugma, at sapol na
n~ga noo'y pinagmatahan sia n~g kanilang kura at ipinalagay sa
kaniang sarili na isa sa m~ga may magagawa sakalí pagdating n~g
araw, na ito'y hindi nagluat, sapagkat may ilang panahon lamang at ang
Directorcillo n~ga ay napatapon na sa ibang lupain, at noo'y
nagsisimula na ang himagsikan.
Ang lahat ay nagpaalam na, at ipinalagay na ang m~ga kantores ang
siyang napahirapan sa gaiong kasistihang guinawa n~g matanda; kaya
n~ga ang m~ga ito'y nagsabi na di na sila mauuli ninoman, bagama't
kadidinig pa lamang n~g ipinamutawi n~g Directorcillo.
IX
Nakalipas ang ilang buwan.
Minsang gabi tinipon ni Matandang Tacio ang m~ga kantores.
--Saan tayo paroroon po?--ang tanong n~g Maestro kantor.
--Tayo'y may ipagdarasal sa bahay ni Kumpareng Kulás.
--At sino pô ang namatay?
--Ang anak ko sa biniag.
--Kayo'y mauna na at ako lamang ay magdaraan dito sa tindahan n~g
insik at bibili n~g magagawang bisté, at baka di mayari.
--Sia n~ga pô; pabayaan ninio't kami ang bahala na pagdating doon.
At nagsiparoon nan~gang sabaysabay ang m~ga cantores, samantala'y
may isa sa kanilang na kapunang sa bayan pala nila'y pauang insik na
lamang ang may tinda at ang m~ga taga doo'y pauang mamimilí at
man~gun~gutan~gan na lamang sa m~ga iyon.
...............................................
Dumating ang m~ga kantores sa bunsuran n~g hagdanan n~g Kulas.
Ang ugaling pagpapatawo po ay sinagot sa itaas, sinun~gaw sila at
pinapanhik sa pagsasapantahang marahil ay haranista, sapagka't, doo'y
may dalaga. Nang nan~gauupô na'y ang maestro kantor ay
humin~guing tulot na makalapit sa dambana, nag sindí n~g kandila at
pagkuwan ay nagsiluhod na't nagsimula n~g isang Rosario Cantada.
Lubhang napamanghâ ang may bahay at di nakatiis si Matandang
Akang na noo'y paris din n~g dating hapong nakakainom n~g dalawang
tagay, kaya n~ga ang m~ga mata'y kukurapkurap at n~gamol ang
pan~gun~gusap ay nagsabi:
--Ano ba't kayo'y nagdadasal dito?
--Aba!... Kami po'y pinaparito ni Matandang Tacio, at ipagdasal daw
namin ang inyong apong si Julio na kania namang anak sa binyag; kaya
po ...
--Ah!... Kayo'y m~ga wala n~g kinahahapan~gan kundi ang kung sino
ang mamatay, palibhasa't ... kayo'y kantores kulitis.
--Huag po kayong magkagalit at hindi po kayo ... kami ang may
kasalanan.
--Hindi; Kaya n~g huag tayong magkaligalig ay kayo'y umalis na dito.
At ang m~ga kantores ay di nan~ga nagulit at noon din ay umalis, tuloy
hinanap ang matandang sa kanila'y nag buyó sa gaiong kahihian.
Sabihin ang galit n~g maestro, na sarisaring balak ang sinasabi upang
makagantí.
.............................................
Dumating sila doon at napatawo sa bahay n~ga n~g matandang Tacio.
Sinun~gaw n~g asawa at pinapanhik.
--Juan!... ang pagdaka'y tawag n~g Matanda--ipasok mo dito yaang
mansanilia--Ako yata'y nabalis n~ga taga Lumay na kausap ko dito
kanikaniná--kaya ganito na ang sakit n~g aking tian; at nagsubsób nang
mabuti sa banig na hinihigan na itinitirik ang ulo sa unan, at hinihilot
naman n~g asawa ang tian n~g matanda.
--Baka pô nasin~gawan lamang n~g lupà ang ulit n~g Maestro kantor.
--Hindi; talagang balis ito, kaya ganito katigas ang tian ko parang
bato!... anang matanda....
Ang isa sa m~ga kasama ay pagkadinig n~g wikang "balis" ay
nagmungkahing umalis na sila at baka mahawa, di umano, samantala'y
inanyayahan sila ni Juan Hanipol n~g hitso't sigarilió.
Ilang sandalî ay ga tumahimik ang may sakit, at na katulog.
--Mabuti't wari po'y hinayhinay at tila nakakatulog, ay kami ay aalis
na--ang ulit na sabi n~g Maestro kantor sa asawa n~g matanda--sabihin
mo pô sa kania na kami ay sukó na.
--Bakit naman?
--Sapagka't pô nasabi namin na kami hindi na mauuli niyang
pagbibiruan ... ay eto't ... biro din.
Kaya n~ga tumpak na tumpak n~ga, sa atin ang sinabi n~g Director
noon magkainan tayo sa bahay ding ito; ang sabat n~g isang kasama,
na,
Ang tawo'y di n~ga sukat magsasabi n~g tapos sa sinomang kapua
lalaki sapagka't kung ganito n~ga ang siang mangyari kahihiyang lubha
sa atin ding sarili.
At nagsipagpaalam na ang lahat. Ang magasawa naman ni matandang
Taciong Bakal sampon ni Juang Hanipol ay hindi magkangmamayaw
n~g pagtatawanan, dahil sa m~ga nangyaring yaon.
Kaya;
Continue reading on your phone by scaning this QR Code
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.