ibig mong gumaling ang asawa mo? ang patuloy na
tanong n~g matandà.
--Talaga pong ganoon, mahirap po lamang ang ...
--Mahirap n~ga ang mabawo....
--Ah! hindi po ... hindi po yaan ang ibig kong sabihin.
--Hindi pala eh ... anó?
--Mahirap po anakin ang iniong gamot na hatol sa kania.
--Yaan ang mabuting papawis ...! sa katawan; hindi delikado sa
han~gin, bukod sa ... walang gasta kahi't ga kusing man. Makita mo't
kapag araw-araw ay pinapag-liguid mo ang iyong asawa na mag araro
baga, ang ibig kong sabihin ay bukod sa kayo'y mag kakabukid ay
gagaling pa ang kaniang katawan palibhasa'y papawisan. Naku
Angue!... Baka akala mo'y kakaunting sakit ang nakukuha n~g pawis ...!
Hindi kakaunti, at siang lalong tumpak na gamot sa sakit na yaang
"Asno--Tamardillo".
--Ay ano po ba sa wika tagalog ang "asno tamardillo"?... Wari ko po'y
ibang wika iyan? ang sabad n~g isang kaharap.
--"Asno", iisaisahin ko sa iyong kahulugan ay tawong linalang n~g P.
Dios. at pinaalis sa bayang Paraiso n~g magkasala sa pagkain n~g
bun~gang bawal at sinumpa n~gang sinabi sa kania.
Yaman n~gang sa Akin íkaw nag suail kaya buhat n~gayon at sa
haharapin sa pawis n~g noo mo'y iyong kukunin ang iyong kakanin at
ipakakain,
at simula n~ga noo'y naparam ang ginhawa nakaramdam na sila n~g
gutom at nag isip n~ga n~g paraang ikabubuhay, na ito'y ang
pagtatanim n~g m~ga halaman.
--At ano pong guinawa, kaya n~g nunong Adan? ang tanong naman
n~g tininting Isiro.
--Nag isip pong bungkalin ang lupa upang mag tanim; at sa ganito
n~ga'y natamo nia ang bun~ga n~g lahat niang halaman at sia niyang
ipinakain sa asawang Eva sanpon sa lahat niang inianak. Kaya Tingting
Isiro; ang iniong pagbubukid ay talagang kapuri-puring gawa sapagka't
siang kaunaunahang natuklasang pangbuhay sa m~ga tawo, at hangang
n~gayo'y sia pa ring ikabubuhay at ikabubuhay n~g lahat n~g bayan sa
Sangsinukuban, munti at malaki man, dan~gang dito sa atin ay waring
napapabayaan.
Samantala'y patuloy pa si Ambo n~g pag liliguid sa bukid.
--Ay ano po naman ang tamardillo?--ang ulit n~g kausap.
Ang "tamar" ay tamad, hindi masipag, ayaw gumawa, at "dillo" ay
tinadtad, anhin mo'y pikadillo; sapagka't ang tawong tamad ay talagang
tinatadtad n~g pintas at pula n~g kapua tawo; at ipaghalimbawa nating
tayo n~ga'y makakitá n~g isang tawong malakas at walang
karamdaman n~guni't nagaansikot, ayaw gumawa o mag paupa ay
pinupuri kaya ninoman? Kung makakita kayo, n~g walang gawa kundi
maglagalag, maglan~go, o magsugal na lamang ay anong maitatawag
ninyo? Kung may makita tayong isang salantang wari pilihot ang m~ga
paa na lumapit sa ating pintuan at humin~gi n~g limos, atin naman
lilimusan alang-alang sa salanta, n~guni't pagkapalayo ay matuid pa't
magara kay sa atin kung lumakad, at kung m~ga araw n~g linggo'y
makita nating nagpapatalo n~g salapi sa sabun~gan o sugalan, anong
inyong maitatawag?
--Tamad!... tamad! magdaraya!.. ang ulitan n~g lahat.
--Ganian n~ga; at walang ibang maitatawag ang sinoman,--ang ulit n~g
matanda.
--Sia n~ga!... ang ulitan n~g m~ga kaharap. Dapat n~gang paniwalaan
at siang totoo ...
--Ako'y nagtataka kay Tandang Tacio, sa gayong katulisan n~g unang
dako ay n~gaio'y mabait na't masípag at ang naguiguing aliwan na
lamang niya ay magsistí--ang saló naman n~g isa.
--Sia'y uliran na, na dapat gawin ni Ambo at n~g m~ga iba dian na
talagang tamad, kaya naman pinarusahan siya doon sa initan--at
pagsasabi nito ay gawari hinanap si Ambo, n~guni't n~g tanawin ay
wala na at sa hiya ay nagpatuloy na umuwi sa kanilang bahay.
Namalayan n~ga't pinaghanapanan n~g lahat si Ambo ay wala n~ga sa
bukid. Kaya sa maalaman ni Angue ay napaalam na sa lahat at tinunton
ang pook na pinaroonan n~g kaniang asawa.
Noo'y hapon na; at ang lahat ay nag uwian sa kanikanila, na di
magkangdadala n~g hunos, kaya n~ga ang m~ga bakol, o palanan nila'y
puno n~g palay at ang m~ga tian ay puno din naman n~g ... han~gin sa
katatawa kay matandang Tacio, at busog ang m~ga kaloobán sa m~ga
na dinig na aral n~g sistidor na matanda.
Nagbago kaya si Ambo n~g gaiong ugali?--ang maitatanong n~g
bumabasa.
Tayong lahat ay makasasagot. Makaaasa tayo sapagka't sawikain nating
"sa tawo'y ang mukha ang hindi lamang nagbabago", n~gunit na
dudun~gisang minsan minsan kaya minsan minsa'y kailangang
humarap sa salamin n~g mabubuting aral at m~ga basahing
makapagaagno sa magaling, upang sa m~ga yoon ay maisaayos ang
m~ga kapakanan n~g ating sarili at n~g kalahatan sa kapakinaban~gan
n~g boong katauhan.
VI
....Umui na sa bayan ang m~ga nan~ganihan noong hapong yaon;
n~guni't si matandang Tacio at si Juan ay umiba n~g daan.
--Narito na si Matandang Tacio!--ang putol na sabi n~g isa sa m~ga
nagkakaumpok sa bunsuran n~g isang hagdanan, na ang m~ga ito'y
nagsisipag karay-kurus, ó nag tatan~gá simulá pa n~g makakain n~g
tanghalian.
At sa mapalapit ay pinadaan; n~guni't bagaman gabi na'y nagdasan
ding kusa ang matandà.
--Anó anó ang inyong pinagpupulun~gan m~ga
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.