Hindi Biro!... ó Ang Anting-Anting | Page 4

José R. Francia
nananalaytay ang dugong buhay
n~g kasipagan, lalo na si Biang na anak n~g may bukid.
--Juan!... humanda ka't n~gaion kita bibigyan--ang pabulong ni
Tandang Tacio kay Juan.
--Opo Lelong;
At magkakainan na ang lahat n~g kumuha n~g alak si Tininting Isiro at
ipinanagay ni Biang na inuna n~gang tagayan si Matandang Tacio, si
Juan at si Ambo.
--Totoong sistidor ang matandang Taciong yaan--ang sabi ni Tiningting
Isiro sa isa niang kaharap. Makikita natin at hangang mamaya'y ...

gagawa n~g sisté!
--Aba!...--ang pabiglâ n~g matanda sa kay Biang na tumatagay--
Ang unang tiro'y sa botillera At ang ikalawa'y sa kastillero;
Huag kang magkakawikaan Ineng at talagang kalakarán--ang dugtong
n~g matandà.
Ang dalaga'y tumatangui sana'y di naman na gawí na at una nan~gang
uminom n~g isang tagay, na ipinamaalam, at saka panibagong sinidlan
ang tagayanat inilapat sa matandà.
--Ako'y patawarin mo Ineng; at ako'y may na din~gig na isang awit
kastila na ania'y,
El dinero del sacristan Cantando viene y cantando van.
Samakatawid ko baga Neneng, kung tatagaluguin ko sa sarili lamang
ay.
Ang tuba daw sa karitan ay di tutulo kundi pan~gulukatikan.
Ang ibig sabihin ay iawit mo!...ang sabihang pabiglâ n~g m~ga
nanonood; kaya n~ga naman ang dalaga ay umawit n~g ganito na
tan~gan ang tagayan; na sinaliwan n~g tugtog n~g biguela n~g isang
binata.
Utos ng matanda'y Mahalay di sundin Kinabubusun~gan Batang paris
ko din Larán-larán larin larin larán Larán larán larin larin larán...
......................At pagka ikot n~g umaawit ay hinarap ang matanda at
dinugtong.
Kaya n~ga:
Inom na, inom na't Sa kamay ko galing Sukdang ito'y laso'y Di ka na
tatalbín... Laran laran larin.

Ehoy!... Ehoy ...! ang sigawan n~g marami. At saka inilapit sa matanda,
upang ipainom.
--Dalawa ineng, itong aking kasama ay pumili ka, n~g makakahalig sa
akin,--at itinuro ang magkasigbay na si Juan at si Ambo.--Sapagka't
totoong masama sa aking n~gaion ang alak, linisan ko na ang malabis
na pag inóm dahil sa ako'y nagkakasakít kung ako man lamang ay
makaamoy. Uminom ako n~g alak kung kagamutan at kung kailan~gan
lamang, n~guni't hindi ako naglalan~gó, sapagka't nakita ko na ang
kapagitan n~g ugaling paglalan~gó, at di ko na sabihin pa sa iyo.
Sia n~ga; sia n~ga, ang payo n~g Isiro si pareng Tacio ay sasakupin ni
pareng Juan. Kaya iniliwat kay Juan na kasigbay n~g Tacio.
...Prrrf!.... Prrf!... Prrrf!.... at na laguinlin ang m~ga nanonood sa
bandang yoon sapagka't biglang ibinuga ni Juan sa mukha ni Ambo ang
alak na kaniang ininom na anhin mo ang nagbubuga sa mukha n~g
manok, na sasabun~guin. At bakit kaya? Walang makasabi n~g tiak,
dapua't waring nagkakaisa ang lahat na dahil daw sa na lagyan n~g
sileng pacite ang tagay na yoon. Sa ganito n~gay na sunod ang sabi ni
Tingting Isiro. Sistidor n~ga si Matandang Tacio!
Nag kainan na ang lahat pagkatapus n~g paghihinumó n~g tawanan
n~g lahat.
Bagama't na hanghan~gan n~g sile si Juan ay nag papa walang anoman,
n~guni't hianghia sa m~ga dalaga, sapagka't naguing parang sagâ ang
mukhâ, at gaion din ang m~ga mata nia.
Natapus ang kainan; n~guni't nabigò ang m~ga naghihintay na mag
sisté pa uli sa pagkain ang matandang Tacio. Hindi n~ga nia guinawà
ang gayon at ania'y hindi dapat na sa loob n~g panahón n~g pagkain ay
magkatawanang lubha sapagka't malaki aniang kalapastan~ganan sa
gracia at biayá n~g Dios, at isa pa'y hindi nakatutunaw n~g kinain,
kung baga ma'y pagkatapus n~g pag kain.

V

At ganoon n~ga ang nangyari.
Tapus nang kumain ang lahat, ay tinawag n~g matanda sa gawing labas
n~g kamalig si Ambo at sarilinang nag usap. Tinawanan n~g ilán.
Pinulsuhan muna si Ambo, binasá n~g tubig ang batok at saka
pínagsabihan:
--Ang hatol ko sa iyo ay magliguíd ka n~g magliguíd dian sa walong
pilapil na yaan, sabay na itinuro ang m~ga pilapil, na pag dating mo
dito'y patuloy ka pa n~g patuloy hangang patiguilin kita. Ako nama'y
kukuha n~g iinomín mong gamot na ewan ko lamang sa baat n~g aking
salokot na nasa kamalig.
Ang hinatulan ay walang liwag na sumunod. Líguid-ke líguid sa m~ga
pilapil at sa sikat n~g mainit na araw samantala'y sa loob n~g kamalig
ay naghihinugang ang tawanan n~g lahat.
Hindi naluatan at dumating si Angue, na kayâ natagalan n~g pag sunod
ay nag bayo muna n~g palay na kakanin nila nag saing at nag pakain
muna sa kaniang m~ga anak. Nakita nia ang kaniang asawa sa guitnà
n~g bukid at sa pagkaawà, palibhasà baga'y asawa ay nagmakaamong
lumuluhod at tumatan~gis sa matanda, na ania'y patawarin ang kaniang
asawa. Kayâ naman na ululan pa mandin ang tawanan n~g lahat, na
nanonood.
--Ibig mo bang gumaling sia?--ang tanong n~g matanda sa
nananan~gis.
--Opò, ay huag mo po namang pahirapan at ...
--Angue;--ang tugon n~g matandà;
Pag ang sakit ay masamá ang gamot malaking lubhâ, Pag ang sakit ay
maliit ang gamot ay gaga hanip.
--At tunay bang
Continue reading on your phone by scaning this QR Code

 / 11
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.