pinagda-anan dinalá ang calong sa pinangalingan.
Doon sa naunang hinintúang daco nang masoc sa gúbat ang bayaning moro sa isang
malapad, malinis na bató cúsang pinag-yaman ang lugaming pangcó.
Cumuha ng munting báong macacain, ang angdaralitâ,i, inamong tumiquím cahit
uma-ayao ay nahicayat din nang sabing malambót na pauang pag-aliu.
Nalouag-louagán ang pang-hihin~gapus sapagca,t, na-auas sa pagcadayucdóc, hindî
quinucusa,i, tantóng nacatulog, sa sinapupunan nang guerrerong bantóg.
Itó,i, dî umidlíp sa boong magdamág sa pag-aalaga,i, nagbatá n~g puyat
ipinan~gan~ganib, ay bacá macagát nang ganid na madláng nag-gala sa gúbat.
Touing maguiguising sa magaang túlog itóng lipós hirap, ay naghihimutóc, pauang
tumitiric na anaqui túnod sa dibdib nang morong may habág at lúnos.
Nang magmamadaling arao, ay nahimbíng munting napayapa sa dalang hilahil hangáng
sa Aurorang itabóy ang dilim[S] ualáng binitiuang himutóc at daing.
Itó ang dahiláng ipinagcasundò limáng caramdamang parang hinahalò iquinatiuasáy nang
may dúsang púsò lumacás na mulî ang catao-ang hapò.
Caya,t, nang isabog sa sangsinucuban ang doradong buhóc nang masayang arao
nag-ban~gong hinaho,t, pinasalamatan sa Lan~git ang bagong lacás nang catao-an.
Sabihin ang touâ nang guerrerong hayág, ang abáng quinalong ay bigláng niyacap, cong
nang una,i, nucál ang lúha sa habág n~gayo,i, sa galac na ang ilinagaslás.
Capús ang dilà cong magsaysay nang laquí nang pasasalamat nitóng quinandili,
cundan~gan ang dusa,i, sa naualáng casi ay napauî disin sa touang umalí.
Sapagca,t, ang dusang mula sa pag-ibig cung cahit mangyaring lumayó sa dibdib, quisáp
matá lamang ay agád babalic at magdadagdág pa sa una nang ban~gís.
Cayâ hindî pa man halos dumadápò ang toua sa lámad nang may dúsang pusó ay
itinac-uil na nang dálitang lálò at ang túnod niya,i, siyang itinimó.
Niyapús na mulî ang dibdib nang dúsa ¡hirap ayang bat-hín nang sáquit sa sintá! dan~gan
ina-aliu nang moro sa Persia natuluyang nánao ang tan~gang hinin~gá.
Iyong natatantô ang aquing paglin~gap, (anitong Persiano sa nababagabag) mula nang
hirap mo,i, ibig cong matatap at nang cong may daa,i, malagyan nang lúnas.
Tugóng nang may dusa,i, "dî lamang ang mulâ niyaring dálita co ang isasalita, cundi
sampong búhay sapól pagcabata, nang maganapán co ang hin~gî mo,t, nasà.
Nupóng nag-agapay sa punò nang cahoy ang may daláng habág at lipus lingatong sacá
sinalitang, lúha,i, bumabalong boong naguing búhay hangang naparool.
"Sa isang Ducado nang Albaniang Ciudad, doon co naquita ang unang liuanag, yaring
catauha,i, utang cong tinangap sa Duque Briseo ¡ay amá cong liyag!
N~gayóng nariyang ca sa payápang bayan sa haráp n~g aquing ináng minamahal
Princesa Florescang esposa mong hirang tangáp ang lúhà cong sa matá,i, hunucál.
¿Baquit naguing tauo acó sa Albania bayan n~g amá co at di sa Crotona,[T] masayáng
Ciudad na lúpa ni iná? disin ang búhay co,i, di lubháng nag dusa.
Ang Duqueng amá co,i, privadong tanungàn n~g Haring Linceo sa anomang bagay,[U]
pan~galauáng púno n~g sangcaharían, hilaga-ang tungo n~g súyo n~g bayan.
Cong sa cabaita,i, ulirán n~g lahát at sa catapanga,i, pang-úlo sa Ciudad, ualáng
casingdúnong mag mahal sa anác, umacay, magturo sa gagauing dapat.
Naririn~gig copa halos hangan n~gayón malayao na tauag n~g amá cong poon, niyaóng
acó,i, bátang quinacandóng-candóng, taguríng Floranteng bulaclác cong bugtóng.
Itó ang n~galan co, mulang pagcabata, naguisnán sa amá,t, ináng nag anducà, pamagát na
ambil sa lumuhà-luhà, at cayacap-yacap n~g màdlang dàlità.
Boong camusmusa,i, dî na sasalitín ualáng may halagáng nangyari sa quin, cundi nang
sangól pa,i, cusang daraguitin ng isang Buitreng ibong sadyang saquim.[V]
Ang sabi ni iná acó,i, natutulog sa bahay sa quintang malapit sa bundóc pumasoc ang
ibong pang-amóy, ay abót hangang tatlóng leguas sa patáy na hayop.
Sa sinigao-sigao n~g iná cong mutyà nasoc ang pinsán cong sa Epiro mulà n~gala,i,
Monalipo may taglay na panà tinudlà ang ibo,i, namatáy na biglà.
Isang arao namang bagong lumalacad acó,i, naglalaró sa guitnâ n~g salas, may nasoc na
Arco,t, bigláng sinambilat[W] Cupidong diamanteng sa dibdib co,i, hiyas.[X]
Nang tumuntóng acó sa siyam na taón, palaguing gauâ co,i, mag aliu sa buról sacbát ang
palaso,t, ang búsog ay cálong pumatay ng hayop, mamána ng ibon.
Sa touing umagang bagong naglalatag ang anác n~g arao, n~g masayang siñag,[Y]
naglilibang acó sa tabi n~g gubat mad-lâ ang ca-acbay na m~ga alagad.
Hangang sa tingalín n~g sangaigdigan ang muchâ ni Febong hindî matitigan ay sinasagap
co ang caligayahang handóg niyaóng hindî maramot na parang.
Aquing tinitipon ang iquinacalat ng masayáng ban~gó n~g m~ga bulaclác, ina-aglahi co
ang larouang pulad mahinhíng amiha,t, ibong lumilipad.
Cong acó,i, mayroong matanao na háyop sa tinitin~galáng malapit na bundóc, bigláng
ibibinit ang panâ sa búsog, sa minsang tud-lâ co,i, pilit matutuhog.
Tanáng sámang lincód ay nag-aágauan unang macarampót nang aquing napatáy ang tiníc
sa dauag ay dî dinaramdám, palibhasa,i, toua ang naca-aacay.
Súcat maligaya sino mang manoód sa sinuling-suling n~g sáma cong lingcód, at cong
masundúan ang bangcay n~g háyop ingay n~g hiyauan sa loob n~g tumóc.
Ang larouáng búsog ay cong pag-sauaan, u-upo sa tabí n~g matuling bucál, at
Continue reading on your phone by scaning this QR Code
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.