Florante at Laura | Page 9

Francisco Balagtas

mananalamín sa linao n~g cristal, sasagap n~g lamig na ini-áalay.
Dito,i, mauiuili sa mahinhing tinig n~g nan~gag-sasayáng Nayadas sa bátis,[Z] taguintíng
n~g Lírang catuno n~g auit[AA] mabisang pamaui sa lumbay n~g dibdib.
Sa tamis n~g tinig na cahalac-halác n~g nag-aauitang masasayáng Ninfas,[AB]
na-aanyayahan sampóng lumilipád sari-saring ibong agauán n~g dilág.
Cayâ n~ga,t, sa san~ga n~g cahoy na ducláy sa mahál na bátis na iguinagalang[AC] ang
bulág na gentil, ay nag lulucsuhan ibo,i, naquiquinig n~g pag-aauitan.
Anhín cong saysain ang tinamóng touá ng cabataan co,t, malauig na lubhâ pag-ibig ni
amá,i, siyang naguing mulà lisanin co yaóng gúbat na payapa.
Pag ibig anaqui,t, aquing naquilala dî dapat palac-hín ang bata sa sayá at sa catoua-a,i,
capag-namihasa cong lumaquí,i, ualáng hihintíng guinhaua.
Sa pagca,t, ang mundo,i, bayan n~g hinagpis namamaya,i, súcat tibayan ang dibdib,
lumaquí sa toua,i, ualáng pagtiti-is ¿anóng ilalaban sa dahás n~g sáquit?
Ang táuong mágaui sa ligaya,t, aliu mahinà ang púso,t, lubháng maramdamin, inaacala pa
lamang ang hilahil, na daratná,i, dinâ matutuhang bat-hín.
Para n~g halamang lumaguí sa tubig, daho,i, malalantá munting dî madilig, iquinalolo-óy
ang sandaling init, gayón din ang púsong sa toua,i, mani-ig.
Munting cahirapa,i, mamalac-híng dalá, dibdib palibhasa,i, di gauing magbatá, ay bago,i,
sa mundo,i, ualang quisáp matá ang tauo,i, mayroong súcat ipagdusa.
Ang laquí sa layao caraniua,i, hubád sa bait at muni,t, sa hatol ay salát, masacláp na
bún~ga ng malíng paglin~gap, habág n~g magulang sa irog na anác.
Sa taguríng bunsót, licóng pag mamahál ang isinasama n~g báta,i, nunucál ang iba,i,
marahil sa capabayaan nang dapat magturong tamád na magulang.
Ang lahát nang itó,i, cay amáng talastás, cayâ n~ga ang lúha ni ina,i, hinamac, at
ipinadalá acó sa Atenas,[AD] bulág na ísip co,i, n~g doon mamulat.
Pag-aral sa aquin qy ipinatungcól sa isang mabait, maestrong marunong lahi ni Pitaco,
n~gala,i, si Antenor,[AE] lumbay co,i, sabihin nang dumating doon.
May sangbouan halos na dî nacacain, lúhà sa matá co,i, dî mapiguil-piguil; n~guni,t,
napayapà sa laguing pag-aliu n~g bunying maestrong may cupcup sa quin.
Sa dinatnán doong nad-láng nag-aaral caparis cong bata,t, cabaguntauhan, isa,i, si
Adolfong aquing cababayan, anác niyaóng Condeng Silenong maran~gal.
Ang caniyang taó,i, labis n~g dalauá sa dalá cong edad na lalabing-isá, siyang pinopoón
n~g boong escuela, marunong sa lahát na magcacasama.
Mahinhín ang asal na hindî magasó at cong lumacad pa,i, palaguing patungó, mabining
man~gúsap at ualáng catalo lapastan~ganin ma,i, hindi nabubuyó.
Ano pa,t, sa bait ay siyang huaran[40] n~g nagcacatipong nagsisipag-aral, sa gauâ at

uica,i, dî mahuhulihan[41] n~g munting panirà sa magandang asal.
Ni ang catalasan n~g aming maestro at pagca-bihasa sa lacad n~g mundó, ay hindî
nataróc ang lihim at tungo ng púsong malihim nitong si Adolfo.
Acóng pagcabata,i, ang quinamulatan cay amá,i, ang bait na dî páimbabáo, yaong
namumunga n~g caligayahan, nanacay sa púsong suyui,t, igalang.
Sa pinagtatac-hán n~g bong escuela, bait ni Adolfong ipinaquiquita, dîco malasapán ang
haing ligaya n~g magandang asal n~g amá co,t, iá.[42]
Púso co,i, ninilag na siya,i, guiliuin, ayauan cun baquit at naririmarim, si Adolfo nama,i,
gayon din sa aquin, nararamdamán co cahit lubháng lihim.
Arao ay natacbó, at ang cabata-an sa pag-aaral co sa qui,i, nananao, bait co,i, luminis at
ang carunungan ang bulág cong ísip ay cúsang dinamtán.
Nataróc ang lalim n~g filosfía, aquing natutuhan ang astrología, natantóng malinis ang
catacá-tacá at mayamang dunong n~g matemática.
Sa loob n~g anim na taóng lumacad itóng tatlóng dunong ay aquing nayacap tanáng
casama co,i, nagsi-pangilalás sampô n~g maestrong toua,i, dili hamac.
Ang pagcatutu co,i, anaqui himalâ,[43] sampô ni Adolfo,i, naiuan sa guitnâ, maingay na
lamang taga pamalità, sa boong Atenas, ay gumálà-galá.
Cayâ n~gâ at acó ang naguing hantun~gan tungo ng salita n~g tauo sa bayan, muláng
báta,t, hangang catanda-tandaan, ay nacatalastás n~g aquing pan~galan.
Dito na nahubdán ang cababayan co n~g hirám na bait na binalat-cayô, cahinhinang ásal
na paquitang tauo naquilalang hindî bucal cay Adolfo.
Matantô n~g lahát na cayâ nanamit niyaóng caba-itang di taglay sa dibdib, ay nang
maragdag pa sa tálas nang isip itóng capuriháng mahinhi,t, mabait.
Ang lihim na itó,i, caya nahalatà, dumating ang arao nang pagca-catoua, caming nag
aaral bagong tauo,t, batà sari-saring laro ang minunacala.
Minulán ang galí sa pagsasayauan[44] ayon sa música,t, auit na saliuan, laróng bunó,t,
arnés na quinaquitaan nang cani-caniyang licsi,t, carunungan.
Sacâ ilinabás namin ang tragedia nang dalauang apó nang túnay na iná,[AF] at man~ga
capatid nang nag-iuing amáng anác at esposo nang Reina Yocasta.
Papel ni Eteocles ang naguíng tungcól co, at si Polinice nama,i, cay Adolfo, isang
ca-escuela,i, siyang nag Adrasto,[AG] at ang nag Yocasta,i, bunying si Minandro.
Ano,i, nang mumulán ang unang batalia, ay ang aming papel ang magca-cabaca, nang
dapat sabihing aco,i, comilala,t, siya,i, capatid cong cay Edipong bún~ga.[AH]
Nang-lisic ang matá,t, ang ipinagsaysáy, ay hindî ang dichong na sa original cundî ang
uica,i, "_icao na umagao nang capurihán co,i, dapat cang mamatáy_"
Hinandulóng acó, sabáy nitóng uicá, nang patalím
Continue reading on your phone by scaning this QR Code

 / 32
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.