Florante at Laura | Page 7

Francisco Balagtas

malulubos nan~ga ang inyóng casamán, gayon din ang aquing aalipustaán.
¡Sa abáng-abá co! diatâ ó Laura mamamatáy aco,i, hindî mo na sintá! itó ang mapait sa
lahat nang dusa, ¡Sa quin ay sino ang mag-aala-ala!
Diyata,t, ang aquing pagca-panganyáya dî mo tatapunang ng camunting lúhà, cong yaring
búhay co,i, mahimbíng sa ualà dî babahaguinan n~g munting gunitâ!
Guni-guning itó,i, lubháng macamandág ágos na lúhà co,t, púsò co,i, ma-agnás, túlò
caloloua,t, sa mata,i, pumulàs, cayóaquing dugo,i, mag-unahang matác.
Nang matumbasan co ang lúhà, ang sáquit[34] nitóng pagcalimot n~g tunay cong ibig;
houag yaring buháy ang siyang itan~gis cundî ang pagsintang lubós na na-amis.
Sa tinaghoy-taghóy na casindac-sindác, guerrero,i, hindî na napiguil ang habág, tinuntón
ang voses at siyang hinanap, patalim ang siyang nagbucás n~g landás.
Dauag na masinsi,i, naglagui-laguitic sa dágoc n~g lubháng matalas na cáliz, moro,i, dî
tumugot hangang dî nasapit ang binubucalán ng maraming tan~gis.
Anyóng pantay-matá ang lagay n~g arao niyóng pagcatun~go sa calulunuran[35] siyang
pagcataos sa quinalalag-yan nitóng nagagapus na cahambalhambál.
Nang malapit siya,t, abutin ng suliáp ang sa pagcatali,i,[36] liniguid n~g hirap, naualán
n~g diua,t, lúha,i, lumagaslás, catao-án at púso,i, nagapus ng habág.
Malaong natiguil na dî nacaquibô hinin~ga,i, hinabol na ibig lumayò, matutulog disin sa
habág ang dugô, cundan~gan nagbangís Leong nan~gag-tayô.
Na-acay n~g gútom at gauing manilâ, ang-ulî sa ganid at naualâng aua, handâ na ang
n~gipi,t, cucong bagong hasa at pagsasabayán ang gapós n~g iuâ.
Tanang balahibo,i, pinapan~galisag, nanindig ang buntót na nacagugulat sa ban~gis n~g
anyô at n~ginasáb-n~gasáb, Furiang nag n~gan~galit ang siyang catulad.
Nag taás ang camáy, at nanga caamâ sa cato-ang gapá ang cucóng pangsirâ, nang
daracmain na,i, siyang pagsagásâ niyaóng bagong Marteng lumitao sa lúpâ.
Inusig n~g tagâ ang dalauang León, si Apolo mandin sa Serpiente Piton,[Q] ualang
bigóng quilós na dî nababaón ang lubháng bayaning tabác na pamutol.
Cong ipamilantíc ang canang pamatáy, at sacá isalág ang pang-adyáng camáy,
malilicsing León ay nanga lilinláng cayâ dî nalao,i, nan~ga-gumong bangcay.
Nang magtagumpay na ang guerrerong bantóg sa nan~ga-calabang maban~gis na
hayop,[37] lúha,i, tumutulong quinalag ang gápus ng ca-aua-auang iniuan ang loob.
Halos nabibihay sa habág ang dibdib[38] dugó,i, ng matingnang nunucal sa guitguít, sa
pagcalág niyang malicsí,i, nainíp sa siga-sigalót na madláng bilibid.
Cayâ ang guinaua,i, inagapayanan catauang malatáng parang bagong bangcáy at minsang
pinatid n~g espadang tan~gan ualang auang lubid na lubháng matibay.
Umupo,t, quinalong na naghihimutoc, catauan sa dusa hinin~ga,i, natulog, hinaplus ang
muc-ha,t, dibdib ay tinutóp, násà ng gueerro,i, pagsauláng loob.
Doon sa pagtitig sa pagcálun~gay-n~gay n~g caniyang cálong na calumbay-lumbay,
nininilay niya, at pinagtatao-hán ang diquit n~g quias at quinasapitan.
Namamanghâ namán ang magandang quias casing-isa,t, ayon sa bayaning ticas, mauiuili

disin ang iminamamalas, na matá, cundan~gan sa malaquíng habág.
Gulong-gulóng lubha ang caniyang loob, n~guni,t, napayapà n~g anyong cumilos itóng
abáng candong ng calunos-lunos nagusing ang búhay na nacacátulog.
Sa pagcalun~gay-n~gay matá,i, idinilat, himutóc ang unang bati sa liuanag, sinundan n~g
taghoy na cahabaghabág "nasaan ca Laura sa ganitong hirap?
Halina guiliu co,t, gapus co,i, calaguín, cong mamatáy acó,i, gunitain mo rin, pumiquít na
muli,t, napatid ang daing, sa may candóng namang tacot na sagutin.
Ipina-n~gan~ganib, ay bacá mabiglâ magtuloy mapatid hiningang mahinâ hinintáy na
lubós niyang mapayapá ang loob n~g candóng na lipus dálità.
Nang muling mamulat ay naguiclahanan "¿sino? ¡Sa aba co,t, na sa morong camay!" ibig
na i-igtád ang lunóng catao-án, nang hindî mangyari,i, nag-ngalit na lamang.
Sagót n~g guerrero,i, houag na man~ganib sumapayapaca,t, mag aliu n~g dibdib
n~gayo,i, ligtas cana sa lahát nang sáquit may cálong sa iyo ang nagtatangquilic.
Cung nasusuclám ca sa aquing candun~gan, lason sa púso mo nang hindi binyagan,
nacucut-ya acóng dí ca saclolohan sa iyong nasapit na napacarauál.
Ipina-hahayág n~g pananamít mo tagá Albania ca at aco,i, Perciano icao ay caauay n~g
baya,t, secta co,[R] sa lagay mo n~gayo,i, magcatoto tayo.
Moro aco,i, lubós na táong may dibdib, ay nasasacalo rin ng útos ng Lan~git, dini sa púso
co,i, cusang natititic natural na leyng sa abá,i, mahapis.
Anong gagauín co,i, aquing napaquingán ang iyong pagtaghoy na calumbay-lumbay,
gapús na naquita,t, pamu-mutiuanan ng dalauáng gánid, n~g bangís na tangan.
Nagbuntóng hini~gá itong abáng calong at sa umaaliu na moro,i, tumugón, "cundîmo
quinalág sa punu n~g cahoy, nalibíng na acó sa tiyán n~g León.
Payapa na namán disin yaring dibdib; napag-quiquilalang ca-auay cang labis at dî
binaya-ang nagca-patid-patid, ang aquing hinin~gáng camataya,t, saquit.[39]
Itóng iyóng aua,i, dî co hinahan~gád, pataín mo acó,i, siyang pitang habág, dimo tantô
yaring binabatáng hirap na ang camatayan ang búhay cong hanap.
Dito napahiyao sa malaquing hapis ang morong may áua,t, lúha,i, tumaguistís, siyang
itinugón sa uicang narin~gig at sa panglolomo,i, cusang napahilig.
Ano pa,t, capoua hindi macaquibô dî nanga-calaban sa damdam ng púsò parang ualáng
malay, hangang sa magtágo,t, humilig si Febo sa hihigáng guintô.
May áuang guerrero ay sa maramdaman malam-lám na sinag sa gúbat ay nanao, tinuntón
ang landás na
Continue reading on your phone by scaning this QR Code

 / 32
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.