Florante at Laura | Page 6

Francisco Balagtas
hinin~ga,t, pinaquimatyagán.
Inabutan niya,i, ang ganitóng hibic ¡ay mapagcandiling Amáng ini-ibig! ¿baquit ang
búhay mo,i, na unang napatid, aco,i, inolila sa guitnâ nang sáquit?
Cong sa gunitâ co,i, pagcuru-curuin ang pagcahulog mo sa camay nang tacsíl, parang
naquiquita ang iyóng naratíng parusang marahás na calaguim-laguim.
At alin ang hirap na dî icacapit sa iyó nang Duque Adolfong malupit[29] icao ang
salamín sa Reino nang bait pagbubuntuhang ca nang malaquing gálit.
Catao-an mo Amai,i, parang namamalas n~gayón nang bunsô mong iugami sa hirap
pinipisang-pisang at iniuaualat nang pauâ ring lilong verdugo nang sucáb.
Ang nagcahiualay na lamán mo,t, butó, camay at catao-áng nálayô sa úlo,
ipinag-haguisan niyaóng mga lilo at ualang maauang maglibing na tauo.
Sampo nang lincód mo,t, m~ga cai-bigan cong campi sa lilo,i, iyo nang ca-auay, ang dî
nagsi-ayo,i, natatacot naman bangcay mo,i, ibaó,t, mapaparusahan.
Hangan dito ama,i, aquing naririn~gig, nang ang iyóng úlo,i, tapát sa caliz ang
panambitan mo,t, dalan~gin sa Lan~git na aco,i, maligtás sa cucóng malupít.
Ninanásà mo pang acó,i, matabunan n~g bangcay sa guitnâ n~g pagpapatayan, nang
houag mahúlog sa panirang camay ng Conde Adolfong higuit sa halimao.
Pananalan~gin mo,i, dî pa nagaganáp sa li-ig mo,i, bigláng nahulog ang tabác naanáo sa
bibig mong hulíng pan~gun~gusap, ang "_adios bunso,t,_" búhay mo,i, lumipas.
¡Ay amang amá co! cong magunam-gunam madlâ mong pag irog at pagpapalayao

ipinapalaso n~g capighatian luhà niyaring púsòng sa mata,i, nunucál.
Ualáng icalauáng amá ca sa lupà sa anác na candóng ng pag-aarugâ ang munting hápis
cong sumungao sa muc-hâ, sa habág mo,i, agad nanálong ang lúhâ.
Ang lahat ng toua,i, natapos sa aquin, sampô niyaring búhay ay naguing hilahil, amá co,i,
hindî na malaong hihintín aco,i, sa payapang baya,i, yayacapin.
Sandaling tumiguil itóng nananangis, binig-yáng panahón lúha,i, tumaguistís niyaóng na
aauang morong naquiquinyig, sa habág ay halos mag putóc ang dîbdib.
Tinutóp ang púsò at saca nag say-say 'cailan a iya lúha co,i, bubucál n~g habág cay amá
at panghihinayang para ng panaghóy ng nananambitan?[30]
Sa sintáng inagao ang itinatan~gis, dahilán n~g aquing lúhang nagbabatis yaó,i,
nananaghóy dahil sa pag-ibig sa amang namatáy na mapagtang-quilic.
Cun ang ualang patid na ibinabahá. n~g m~ga mata ko,i, sa hinayang mulà sa m~ga
palayao ni amá,t, arugà malaquíng pálad co,t, matamís na luhà.
N~guni,t, ang nanaháng maralitang túbig sa muc-hâ,t, dibdib cong laguing dumidilig cay
amá n~ga galing dapoua,t, sa ban~gís hindî sa anduca, at pagtatang-quilic.
Ang matatauag cong palayo sa aquin n~g amá co,i, tóng acó,i, pagliluhin, agauan n~g
sintá,t, panasa-nasaing lumubóg sa dusa,t, búhay co,i, maquitil.
¡May para cong anác na napanganyayá ang layao sa amá,i, dusa,t, pauang lúhà hindi
nacalasáp kahit munting touà sa masintang ináng pagdaca,i, naualà!
Napahintô rito,t, narin~gig na mulî ang pananambitan niyaóng natatalî, na ang uica,i,
"Laurang aliu niyaring budhî[31] pa-alam ang abáng candóng n~g paghati.
Lumaguì ca naua sa caligayahan sa haráp n~g dîmo esposong catipán, at houag mong
datnín yaring quinaratnán n~g casign linimot, at pinagliluhan.
Cong nagban~gis cama,t, nagsucáb sa aquin, mahal ca rin lubha dini sa panimdím, at
cong mangyayari hangáng sa malibíng ang m~ga butó co quita,i, sisintahín.
Dîpa natatapos itóng pan~gun~gusap may dalauang Leóng han~gós ng paglacad, siya,i,
tinuton~go,t, pagsil-in ang han~gad; n~guni,t, nan~ga tiguil pag datíng sa haráp.
Nan~ga-auâ mandi,t, naualán n~g ban~gis sa abáng sisil-ing larauan ng sáquit,
nan~ga-catingala,t, parang naquinyig[32] sa dî lumilicat na tin~gistan~gis.
¡Anóng loob cayâ nitóng nagagapus, n~gayóng na sa haráp ang dalauáng hayóp, na ang
balang n~gipí,t, cucó,i, naghahandóg isang camatayang caquila-quilabot!
Dî co na masabi,t, lúhà co,i, nanatác, na-uumid yaring dilang nan~gun~gusap, pusò co,i,
nanglalambot sa malaquing habág sa ca-aua-auang quinucob ng hirap.
¡Sinong dî mahapis na may caramdaman sa lagay ng gapús na calumbay-lumbay,[33]
lipus n~g pighati sacá tinutunghán, sa lamán at butó niya, ang hihimáy!
Catiualâ na n~gâ itóng tiguib sáquit na ang búhay niya,i, tungtóng na sa guhit, linagnát
ang pusò,t, nasirâ ang voses, dína mauatasan halos itóng hibic.
"Paalam Albaniang pinamamayanan n~g casama,t, lupit, han~gis caliluhan, acóng
tangulan mo,i, cusa mang pinatay, sa iyó,i, malaquí ang panghihinayang.
Sa loob mo naua,i, houag mamilantic ang panirang talím n~g catalong caliz; magcá
espada cang para ng binitbit niyaring quinuta mong canang matang-quilic.
Quinasuclamán mo ang ipinan~gacò sa iyó,i, gugulin niniyac cong dugò at inibig mopang
hayop ang mag bubò, sa cong itangól ca,i, maubos tumúlo.
Pagcabatà cona,i, ualáng inadhicà cundî pag-lilincod sa iyó,t, calin~gà ¿dî maca-iláng
cang babaling masirá ang mga camáy co,i, siyang tumimauà?
Dustáng camatayan ang bihis mong bayad; dapoua,t, sa iyo,i, mag papasalamat, cong

pacamahali,t, houag ipahamac ang tinatan~gisang guiliu na nagsucáb.
Yaóng aquing Laurang hindi mapapacnít n~g camatayan man sa tapát cong dibdib;
¡ipa-alam bayan co, pa-alam na ibig, magdarayang sintang di manao sa ísip!
Bayang ualáng loob, sintáng alibughâ, Adolfong malapit, Laurang magdarayâ,
magdiuang na n~gayo,t, manulos sa touâ, at masusunod na sa aquin ang násà.
Na sa harap co na ang lalong maraual, mabin~gís na lubháng lahing camatayan
Continue reading on your phone by scaning this QR Code

 / 32
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.