Florante at Laura | Page 5

Francisco Balagtas
maniniualà cundi masiasat at cung
magcagurlís nang muntî sa balát hinuhugasan mo nang lúhang nanatác.
Cung aco,i, mayroong cahapisang muntî tatanun~gin moná cun anó ang sanhî, hangang
di malining ay idinarampî sa mga muc-ha co, ang rube mong lábî.
Hindî ca tutugot cundî matalastás, cacapitan monang mag bigla nang lúnas, dadalhin sa
jardi,t, doon ihahanap, nang ica-aaliu, sa mga bulaclác.
Iyong pipitasín ang lalong mariquít dini sa li-ig co,i, cúsang isasabit tuhog na bulaclac
sadyáng saglit-saglit, pag-uupandín mong lumbay co,i, mapacnít.
At cun ang hapis co,i, hindî masauatâ sa pilic-matá mo,i, dadáloy ang lúhâ na pasaán
n~gayón ang gayóng arugâ sa dalá cong sáquit ay di i-apulâ?
Halina Laura,t, aquing cailangan n~gayon, ang lin~gap mo nang naunang arao, n~gayón
hinihin~gî ang iyong pag-damay; ang abáng sintá mo,i, na sa camatayan.
At n~gayóng malaqui ang aquing dálitâ, ay dî humahanap nang maraming lúhâ, sucat ang
capatác na maca-apulâ cun sa may pag sintang púsò mo,i, mag mulâ.
Catao-ang co,i, n~gayón siyasatin, ibig, tigní ang súgat cong dí gauâ nang cáliz hugasan
ang dugóng nanálong sa guitguít nang camay co, paa,t, natataling li-ig.
Halina, irog co,t, ang damít co,i, tingnán, ang hindî mo ibig dampioháng calauang
calaguín ang lubid, at iyong bihisan, matinding disa co,i, nang gumaán-gaán.
Ang m~ga matá mo,i, cun iyóng ititig dini sa anyô cong sadlacan nang sáquit upanding
mapiguil ang tacóng mabilís niyaring abáng búhay sa icapapatíd.
Uala na Laura,t, icao nan~ga lamang ang macalulunas niyaring cahirapan; damhín nang
camay mo ang aquing catauan, at bangcay man aco,i, mulíng mabúbuhay!
N~guní ¡sa abáco! ¡ay sa laquing hirap! ualâ na si Laura,i, laquing tinatauag!
napalayo-layo,t, di na lumiliyag, ipinag cánolò ang sintá cong tapát.
Sa ibang candun~ga,i, ipinagbiyayà ang púsong aquin na, at aco,i, dinayá boóng pag-ibig
co,i, ipinan~ganyaya linimot ang sintá,t, sinayang ang luhá.
Alin pa ang hirap na dî na sa aquin? may camatayan pang dîco dadamdamín? ulila sa
Amá,t, sa Ináng nag-angquin, ualang kaibiga,t, linimot ng guiliu.
Dusa sa puri cong cúsang siniphayò, palasong may lasong natiric sa púsò; habág sa Amá
co,i, túnod na tumimo; aco,i, sinusunog niyaring panibughò.
Ito,i, siyang una sa lahat n~g hirap, pag dayà ni Laura ang cumacamandág dini sa búhay
co,i, siyang magsa-sadlac sa lingin~gang la-án ng masamáng palad.
O conde Adolfo,i, ilinapat mo man sa aquin ang hirap n~g sangsinucuban, ang
caban~gisan mo,i, ipinasalamatan, ang púsò ni Laura,i, cong hindî inagao.
Dito nag-himutóc ng casindac-sindác na umaalin~gao-n~gao sa loob n~g gúbat tinangay
ang diua,t, caramdamang hauac n~g buntóng hinin~ga,t, lúhang lumagaslás.
Sa púno n~g cahoy ay napa-yucayoc, ang li-ig ay supil n~g lúbid na gapos, bangcay na
mistula,t, ang culay na buroc n~g caniyang muc-ha,i, naguing puting lubós.
Nagcataón siyáng pagdatíng sa gúbat n~g isang guerrerong bayani ang ticas, putong na
turbante, ay calin~gas-lin~gas, pananamit moro sa Persiang Ciudad[L]
Piniguil ang lacad, at nagtanao-tano, anaqui ninita ng pag-pahingahán di
caquinsa-guinsa,i, ipinagtapunan ang pica,t, adarga,t, nagdaóp ng camay.
Sacá tumin~galá,t, mata,i, itiniric sa bubóng ng cahoy na taquip sa Lan~git, estátua
manding nacatayo,t, umíd, ang buntóng hinin~gá niya,i, ualang patid.
Nang magdamdam n~gauit sa pagayóng anyò, sa punó n~g isang cahoy ay umupô

nag-uicang "_ó palad_" sabay ang pagtulò, sa matá, ng lúhang anaqui,i, palasò.
Olo,i, ipinatong sa caliuang camay at sacá tinutop, ang noó, ng canan, anaqui mayroong
guinugunam-gunam isang mahalagang nalimutang bagay.
Malao,i, humilig nag ualang bahalâ dirin cumacati ang batis ng lúha, sa madláng himutoc,
ay casalamuhá ang uicang "_Flerida,i, tapus na ang touá_".
Sa balang sandalî ay sinasabugan yaóng boóng gúbat n~g maraming ¡ay! naquiquituno sa
huning mapanglao n~g pang-gabing ibon doó,i, nagtatahán.[M]
Mapamaya-maya,i, nag ban~gong nagulat, tinangnán ang pica,t, sampo n~g calasag
nalimbag sa muc-hâ ang ban~gís n~g Furias[N] "_dî co itutulot_" ang ipinahayág.
"At cung cay Flerida,i, ibá ang umagao at dî ang amá cong dapat na igalang, hindî co
masabi cun ang picang tan~gan bubugá n~g libo,t, lacsáng camatayan.
Bababa si Marte mulâ sa itaás[O] sa ca-ilalima,i, áahon nang Parcas,[P] boong galit nila,
ay ibubulalàs yayacaguin niyaring camáy cong marahàs.
Sa cucó nang lilo,i aquing àagauin ang cabiyác niyaring calolouang angquín, liban na cay
Amá, ang sino ma,t, alin ay dî igagalang nang tangang patalím.
¡O pag sintang labis nang capangyarihan sampong mag aamá,i, iyong nasasaclao! pag
icao ang nasoc sa púsò ninoman hahamaquing lahat masunód ca lamang!
At yuyuracan na ang lalong daquilá bait, catouira,i, ipan~gan~ganyaya boong
catungcula,i, uaualing bahalà sampo nang hinin~ga,i, ipauubayà.
Itong quinaratnán nang palad cong linsil salamíng malinao na sucat mahalín nang
macatatatáp, nang hindî sapitin ang cahirapan cong di macayang bathín.
Sa mauica itó lúhà,i, pina-agos, pica,i, isinacsac, sacá nag himutóc, nagcataón naimáng
parang isinagót, ang buntóng hinin~gá, niyaóng nagagapus.
Guerrero,i, namanghâ nang ito,i, marin~gig, pinabaling-baling sa gúbat ang titig, nang
ualang maquita,i, hinintay umulit, dî namán nala,i, nag bagong humibíc.
Ang bayaning moro,i, lalò nang namaáng "sinong nananaghóy sa ganitóng iláng?"
lumapit sa dacong pinan~gagalingan nang buntóng
Continue reading on your phone by scaning this QR Code

 / 32
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.