Florante at Laura | Page 4

Francisco Balagtas
cut-ya,t, lingatong balang
magagalíng ay ibinabaón at inalilibing na ualáng cabaong.
N~guni, ay ang lilo,t, masasamang loób sa trono n~g puri ay inalulucloc at sa balang
sucáb na may asal hayop maban~gong incienso ang isinusuob.
Caliluha,t, sama ang úlo,i, nagtayô at ang cabaita,i, quimi,t, nacayucô, santong catouira,i,
lugamì at hapô, ang lúha na lamang ang pinatutulô.
At ang balang bibíg na binubucalán nang sabing magalíng at catutuhanan agád binibiác at
sinisican~gan nang cáliz n~g lalong dustáng camatayan.
¡O tacsíl na pita sa yama,t, mataás![19] ¡o hangad sa puring hanging lumilipas! icao ang
dahilan n~g casamáng lahat[20] at niyaring nasapit na cahabághabág.[21]
Sa Corona dahil n~g haring Linceo at sa cayamanan n~g Duqueng Amá co, ang
ipinangahás n~g Conde Adolfo sabugan n~g sama ang Albaniang[K] Reino.
Ang lahát nang itó, ma-auaing lan~git[22] iyóng tinutunghá,i, anó,t, natitiis?[23] mula ca
n~g boong catouira,t, bait pinapayagan mong ilubóg n~g lupít?
Macapangyarihang cánan mo,i, iquilos, papamilansiquín ang cáliz n~g poot, sa Reinong
Albania,i, cúsang ibulusoc ang iyóng higantí sa masamáng loob.
Baquit calan~gita,i, bingí ca sa aquin ang tapat cong luhog ay hindi mo dingín? dí yata,t,
sa isang alipusta,t, ilíng sampong tain~ga mo,i, ipinan~gun~gulíng?
Datapua,t, sino ang tataróc caya sa mahál mong lihim Dios na daquilà? ualáng
mangyayari sa balát n~g lupà dì may cagalin~gang iyóng ninanásà.
¡Ay dî saán n~gayón acó man~gan~gapit! ¡saán ipupucól ang tinangis-tangis cong ayao
na n~gayong din~giguin ng Lan~git[24] ang sigao n~g aquing malumbay na voses![25]
Cong siya mong ibig na aco,i, magdusa Lan~git na mataás aquing mababata iságì mo

lamang sa púso ni Laura aco,i, minsan minsang mapag ala-ala.
At dito sa laot n~g dusa,t, hinagpis, malauac na luhang aquing tinatauid gunitâ ni Laura
sa naabáng ibig siya co na lamang ligaya sa dibdib.
Munting gunam-gunam n~g sintá co,t, mutyâ n~g dahil sa aqui,i, daquilâ cong touâ,
higuít na malaquíng hírap at dalita parusa ng táuong lilo,t, ualang aua.
Sa pagka gapus co,i, cong guni-gunihín malamig nang bangcay acong nahihimbíng[26] at
tinatan~gisan nang sula co,t, guiliu, ang pagca-búhay co,i, ualang hangá mandin.
Cong apuhapin co sa sariling isip ang suyúan namin nang pili cong ibig, ang pag luhâ
niyá cong aco,i, may hapis naguiguing ligaya yaring madláng sáquit.
¡Ngunì sa abá co! ¡sauing capalaran! anópang halagá nang gayóng suyúan cun ang
sin-ibig co,i, sa catahimican ay humihilig na sa ibáng candun~gan?
Sa sinapupunan nang Conde Adolfo aquing natatanáo si Laurang sintá co, camataya,i,
nahan ang dating ban~gis mo? nang díco damdamín ang hirap na itó.
Dito hinimatáy sa pag hihinagpís sumúcò ang püsò sa dahás nang sáquit, ulo,i,
nalun~gay-n~gay, lúhà,i, bumalisbís, quinagagapusang cahoy ay nadilíg.
Mag mulâ sa yapac hangang sa ulunán nalimbág ang ban~gís nang capighatían, at ang
panibugho,i, gumamit nang asal nang lalong marahás lilong camatayan.
Ang cahima,t, sinong hindî maramdamin cong ito,i, maquita,i, mag mamahabáguin,
matipid na lúhà ay pa-aagusin ang nagparusa ma,i, pilit hahapisin.
Súcat na ang tingnàn ang lugaming anyo nitong sa dálita,i, hindi macaquibô aacaing
bigláng umiyác ang púsô cong ualâ nang lúhang sa mata,i, itúlô.
Ga-ano ang áuang bubugsô sa dibdib nang may caramdamang ma anyóng tumitig cun
ang panambita,t, daing ay marin~gig nang mahimasmasan ang tipon nang sáquit?
Halos boong gúbat ay na sa sabúgan nang ina-ing-aing na lubháng malumbáy[27] na
inu-ulit pa at isinisigao sagót sa malayò niyaóng alin~gao-n~gao,
¡Ay Laurang poo,i,! baquit isinúyò sa iba ang sintang sa aqui pan~gacò at pinag liluhan
ang tapat na púsó pinang-gugulan mo nang lúhang tumuló?
Dî sinumpa-án mo sa haráp nang lan~git na dî maglililo sa aquing pagibig? ipinabigay co
namán yaring dibdib[28] uala sa gunitâ itóng masasapit.
Catiualà aco,t, ang iyòng carictán capilas nang Lan~git anaqui matibay, tapát ang púsò
mo,t, dî nagunamgunam na ang pag lililo,i, na sa cagandahan.
Hindî co acalang iyóng sa-sayan~gin maraming lúhà mong guinugol sa aquin taguring
madalás na acó ang guiliu, muc-hâ co ang lunas sa madláng hilahil.
Di cong acó Poo,i, utusang mang-gúbat nang Hari mong Amá sa alín man Ciudad cong
guinagauá mo ang aquing saguisag dalauá mong matá,i, nanalong nang perlas?
Ang aquing plumage cung itinatalî nang parang corales na iyóng dalirî buntóng hihin~gá
mo,i, naquiqui-ugalî sa quilos nang guintóng ipinananahî.
Macailan Laurang sa aqui,i, iabot, basâ pa nang lúhà bandang isusuut, ibinibigay mo ay
nag hihimutóc tacot masugatan sa paquiquihamoc.
Baluti,t, coleto,i, dî mo papayagan madampi,t, malapat sa aquing catao-an cundî tingnan
muna,t, bacâ may calauang ay nan~gan~ganib cang damit co,i, marumhán.
Sinisiyasat mo ang tibay, at quintáb na cong sayaran man nang tagá,i, dumulás at cong
malayò mang iyóng minamalas sa guitnâ nang hokbo,i, makilalang agád.
Pahihiasan mo ang aquing turbante nang perlas topasio,t, maningníng na rubé, bucód ang
magalao na batóng diamante púnô nang n~galan mong isang letrang L.
Hangang aco,i, uala,t, naquiquipag-hámoc nang aapuhap ca nang pang aliu loob; manalo

man aco,i, cun bagong nanasoc naquiquita mo na,i, may dalá pang tácot.
Boong pan~ganib mo,i, bacâ nagca sugat di
Continue reading on your phone by scaning this QR Code

 / 32
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.