icao,i, may saquit,
himutoc co niyao,i, inaaring Lan~git Paraiso namán ang may tulong silíd.
Liniligauan co ang iyong larauan sa Macating ilog, na quinalagui-an[7] binabacás co rin
sa masayáng doon~gan, yapac n~g paá mo sa batóng tuntun~gan.
Nag babalíc mandi,t, parang hinahanp dito ang panahóng masayáng lumipas na cong
maliligo,i, sa tubig áagap, nang hindi abutin n~g tabsing sa dagat.
Parang naririn~gig ang laguî mong uica "_tatlong arao na di nag tatanao tama_" at
sinasagot co ng sabing may touâ _sa isa catauo,i, marami ang handa_.
Ano pan~ga,t, ualang dî nasisiyasat, ang pagiisipco sa touang cumupas sa cagugunitâ,
luha,i, lalagaslás sabay ang taghoy cong "¡ó, nasauing palad!"
Nasaan si Celiang ligaya ng dibdib? ang suyuan nami,i, baquít dí lumauig? nahan ang
panahóng isá niyang titig ang siyang búhay co, caloloua,t, Lan~git?
Baquit bagá niyaóng cami mag hiualay ay dîpa naquitil yaring abáng búhay? con gunitain
ca,i, aquing camatayan[8], sa puso co Celia,i, dica mapaparam[9].
Itong dî matiis na pagdaralitâ nang dahil sa iyo, ó nalayóng touâ, ang siyang umacay na
aco,i, tumulâ auitin ang búhay nang isang na abâ.
Celia,i, talastás co,t, malabis na umid, mangmáng ang Musa co,t, malumbay ang tinig di
quinabahag-yâ cong hindí malait palaring dinguin mo ng tainga,t, isíp.
Ito,i, unang bucal nang bait cong cutad na inihahandóg sa mahal mong yapac[10]
tangapin mo nauâ cahit ualang lasáp nagbúhat sa puso nang lingcód na tapát.
Cong casadlacán man ng pula,t, pag ayop tubo co,i, daquila sa puhunang pagod, cong
binabasa mo,i, isá mang himutóc ay alalahanin yaríng nag hahandóg.
Masasayáng Ninfas sa laua nang Bay, Sirenas, ang tinig ay cauili-uili cayó n~gayo,i,
siyang pinipintacasi n~g lubháng mapanglao na Musa cong imbi.
Ahon sa dalata,t, pangpang na nag liguid tunuhan nang lira yaring abáng auit na nag
sasalitáng búhay ma,i, mapatid, tapát na pag sinta,i, han~gad na lumauig[11].
Icao na bulaclac niyaring dili-dili, Celiang saguisag mo,i, ang M. A. R. sa Virgeng
mag-Iná,i, ipamintacasi ang tapát mong lingcód na si F. B.
SA BABASA NITO
Salamat sa iyo, ó nánasang írog, cong halagahán mo itóng aquing pagod, ang tulâ ma,i,
bucál nang bait na capós, paquiquinaban~gan nang ibig tumaróc.
Cong sa bigláng tin~gi,i, bubót at masacláp palibhasa,i, hilao at mura ang balát ngunit
cung namnamín ang sa lamáng lasáp masasarapán din ang babasang pantás.
Di co hinihin~ging pacamahalín mo, tauana,t, dustaín ang abáng tulâ co gauin ang
ibigui,t, alpa,i, na sa iyó ay houag mo lamang baguhin ang verso.
Cong sa pagbasa mo,i, may tulang malabo bago mo hatulang catcatin at licô[12] pasuriin
muna ang luasa,t, hulô[13] at maquiquilalang malinao at uastô.
Ang may tandang letra alin mang talata dimo mauatasa,t, malalim na uicà ang mata,i,
itin~gin sa dacong ibabâ[14] boong cahuluga,i, mapag uunauà.
Hangán dito acó ó nánasang pantás,[15] sa cay Sigesmundo,i, houag ding mátulad sa
gayóng catamis uicang masasaráp ay sa cababago nang tula,i, umalat.
(Sa cursiva o bastardilla)
PUNÒ NANG SALITÂ
Sa isang madilím gúbat na mapanglao[A] dauag na matinic, ay ualáng pag-itan, halos
naghihirap ang cay Febong silang[B] dumalao sa loob na lubhang masucal.
Malalaquing cahoy ang inihahandóg pauang dalamhati, cahapisa,t, lungcót huni pa n~g
ibon, ay nacalulunos sa lalong matimpi,t, nagsasayáng loob.
Tanáng mga baguing, na namimilipit sa sangá ng cahoy, ay balót n~g tinic may bulo ang
bun~ga,t, nagbibigay sáquit sa cangino pa máng sumagi,t, málapit.
Ang m~ga bulaclac n~g nag tayong cahoy pinaca-pamuting nag ungós sa dahon pauang
culay lucsa, at naquiqui ayon sa nacaliliong masangsang na amoy.
Caramiha,i, Ciprés at Higuerang cutád,[C] na ang lilim niyaón ay nacasisindác ito,i,
ualang bun~ga,t, daho,i, malalapad, na nacadidilím sa loob ng gubat.
Ang m~ga hayop pang dito,i, gumagalâ caramiha,i, Sierpe,t, Baselisco,i, mad-la, Hiena,t,
Tigreng ganid nanag sisi sila, ng búhay n~g tauo,t, daiguíng capoua.
Ito,i, gúbat manding sa pinto,i, malapit n~g Avernong[D] Reino ni Plutong masun~git[E]
ang nasasacupang lupa,i, dinidilig[16] n~g ilog Cocitong camandag ang túbig.[F]
Sa may guitnâ nito mapanglao na gubat may punong Higuerang daho,i, culay pupás, dito
nagagapos ang cahabag habag isang pinag usig n~g masamang palad.
Bagong tauong basal, na ang anyo,t, tindig[17] cahit natatalì camay, paá,t, liig cundî si
Narciso,i,[G] tunay na Adonis[H] muc-ha,i, sumisilang sa guitnâ n~g sáquit.
Maquinis ang balát at anaqui buroc pilicmata,t, quilay mistulang balantók bagong sapóng
guinto ang cúlay n~g buhóc sangcáp n~g cataua,i, pauang magca-ayos.
Dan~gan doo,i, ualang Oreadang Ninfas,[I] gúbat na Palacio n~g masidhing Harpías,[J]
nangaaua disi,t, na acay lumiyag sa himaláng tipon n~g caricta,t, hirap.
Ang abáng oyamin n~g dálita,t, sáquit ang dalauang mata,i, bucál ang caparis, sa lúhang
nanatác, at tinan~gis-tan~gis ganito,i, damdamin n~g may auang dibdib.
Mahiganting lan~git, ban~gis mo,i, nasaan? n~gayo,i, naniniig sa pagcá-gulaylay bago,i,
ang bandilà n~g lalong casam-an[18] sa Reinong Albania,i, iniuauagayuay?
Sa loob at labás, n~g bayan cong sauî caliluha,i, siyang nangyayaring harî cagalin~ga,t,
bait ay nalulugamî ininís sa hucay nang dusa,t, pighatî.
Ang magandang asal ay ipinupucól sa láot n~g dagat n~g
Continue reading on your phone by scaning this QR Code
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.