sira na ang mga unang mukha.
Kaya, nang paroonan ni Epifanio ay aywan kung nakuha niya o hindi....
Si G. Epifanio de los Santos--ang dalubhasang istoriograpo, ang guro, ang akademiko,
ang sumakastila ng "Florante"--ay siyang tinutukoy. Kami ang sa kanya ay
nakapagpahiwatig, upang mapawi ang maling paniwala, na "wala na ngayong Floranteng
limbag nang buháy pa si Baltazar." At dahil diyan ay walang salang nagdumaling paroon,
upang makuha--sa paano man--ang mahalagang hiyas ng Literaturang Tagalog na
pinakamamahal niya. Sakaling nakuha niya, kahi't na nga sira-sira, ay dapat
ipagpasalamat, sapagka't parang napalagay sa "kabang may pitong susi"; nguni't kung
hindi, at kung natuluyan na ngang nasira, ay tunay na kahinahinayang.
Kahinahinayang! Tunay na kahinahinayang!...
Sakaling nasira na nga.
Nguni't gayon man ay may sukat na rin tayong dapat ikaaliw; ang siping naingatan namin.
Pagkakapag-ingat, na maituturing nating isa na ring tunay na kapalaran, at siping walang
munti mang pagbabago, palibhasa'y pinag-ingatan naming ilagay pati ng kanyang
maliliwanag na kamalian sa limbagan at di dinagdagan, ni kinulangan, ng kahi't na ano.
At ang siping iyang sa huli'y linagyan namin ng mga paliwanag ay siyang ngayo'y
inihahandog namin sa tanang magiliwin at mapagmahal sa walang kamatayang "Florante
at Laura".
Maipaliliwanag naming buháy pa ang dakilang Makata ay nasasaulo nang mabuti ng
kanyang mga anak ang "Florante at Laura". Paanong di magkakagayon ay sa pati ng iba't
iba pa niyang akda'y nasasaulo rin? Ang "Florante" pa nga ba ang di mapapakintal sa
kanilang ulo? At ang "Floranteng" nalalaman nila at mapahangga ngayo'y sariwa pa sa
isipan ay isang saling ayon din sa kanilang ama ay siya niyang tunay na gawa. Dito natin
mapagkukuro kung bakit walang kamalian sa mga huling labas ng "Florante", na di ang
di mapupuna nila.
Kaya, nang ang ilang kabaguhang napuna namin, dahil sa masusing pagsusumag sa "Kun
sino ..." at sa siping nasa amin ay maipakitang isaisa kay G. Victor Baltazar--anak na
lalaki ng Makata at siyang pinakamatanda sa tatlong nabubuhay pa hangga ngayon
(Victor, Isabel at Silveria), na laging nasa amin, tumitigil ng buwanan at lingguhan, dahil
sa kalimitan nilang magpagamot dito sa Maynila, gayon din ang dalawang apong dalaga
ni Balagtas, na sina Pepita at Vicenta[I.], anak ng Victor[II.]--; ang mga kabaguhang
nadaliri ay pinatunayang "iba nga at di siyang nasa matandang nasasaulo nila". Nguni't,
hindi naman napagpakuan namin ng tingin ang lahat, kundi ang madla lamang lalong
mahalaga. Ni ang mga kamalian man ng pagkakalimbag sa siping nasa aming kamay ay
di rin napag-usapan.
At ang lahat nang kaibhang iyan at kamalian ay siyang naging sanhi ng mga paliwanag
namin sa dakong huli.
CARLOS RONQUILLO
Maynila, 10 Septiembre 1921.
[I.] Namatay noong ika 21 Sept. 1921.
[II.] Namatay noong ika 12 Dis. 1926.
-Alberta Balmaseda, asawa ni Victor, namatay noong Marso, 1921.
FLORANTE
at
LAURA
Sipi sa lumabas noong buháy pa ang dakilang Makatang may akda, na linimbag sa
"Imprenta de Ramirez y Giraudier" noong 1861, at linagyan ng Paunang Salita at ng mga
Paliwanag
ni
CARLOS RONQUILLO
Kaparis na kaparis ng ipinamana ng Makata sa kanyang mga anak, na sariwang nakikintal
sa kanilang isip magpahangga ngayon
MAYNILA 1921
Pinagdaanang Buhay
ni
FLORANTE at ni LAURA
sa
Cahariang Albania
Quinuha sa madlang "cuadro histórico" o pinturang nag sasabi sa mga nangyayari[1]
nang unang panahón sa Imperio nang Grecia, at tinula nang isang matouain sa versong
tagálog.
Reimpreso-Manila Imprenta de Ramirez y Giraudier 1861
* * * * * Sa dakong huli ay may mga paliwanag na makikita, na aming ginawa, bukod pa
sa mga sariling paliwanag ni Baltazar sa kanyang akdang ito. Lahat nang may bilang na
ganito ay siyang amin, na pinagsunodsunod sa dakong huli. At ang paliwanag sa bilang
na ito (1) ay makikita sa unahan ng lahat nang paliwanag namin.
CAY CELIA
Cong pag saulang cong basahin sa isip[2] ang nan~gacaraang arao n~g pag-ibig, may
mahahaguilap cayang natititic liban na cay Celiang namugad sa dibdib?
Yaong Celiang laguing pinan~gan~ganiban baca macalimot sa pag-iibigan; ang
iquinalubog niyaring capalaran sa lubhang malalim na caralitaan.
Macaligtaang co cayang di basahin[3] nagdaáng panahón n~g suyuan namin? caniyang
pagsintáng guinugol sa aquin at pinuhunan cong pagod at hilahil?
Lumipas ang arao na lubhang matamis at ualáng nátira condi ang pag-ibig[4], tapat na
pag suyong lalagui sa dibdib hanggang sa libin~gan bangcay co,i, maidlip.
N~gayong namamanglao sa pan~gon~golila ang guinagaua cong pag-alio sa dusa nag
daang panaho,i, inaala-ala, sa iyong laraua,i, ninitang guinhaua.
Sa larauang guhit n~g sa sintang pincel cusang ilinimbag sa puso,t, panimdim,[5]
nag-íisang sanláng naiuan sa aquin at di mananacao magpahangang libing[6].
Ang caloloua co,i, cusang dumadalao sa lansan~ga,t, náyong iyóng niyapacan sa ilog
Beata,t, Hilom na mababao yaring aquing puso,i, laguing lumiligao.
Di mámacailang mupo ang panimdin sa puno n~g mangang náraanan natin, sa nagbiting
bun~gang ibig mong pitasín ang ulilang sinta,i, aquing ináaliu.
Ang catauhang co,i, cusang nagtatalic sa buntong-hinin~ga nang
Continue reading on your phone by scaning this QR Code
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.