Florante at Laura

Francisco Balagtas
Florante at Laura

The Project Gutenberg EBook of Florante at Laura, by Francisco Baltazar This eBook is
for the use of anyone anywhere at no cost and with almost no restrictions whatsoever.
You may copy it, give it away or re-use it under the terms of the Project Gutenberg
License included with this eBook or online at www.gutenberg.net
Title: Florante at Laura
Author: Francisco Baltazar
Release Date: May 17, 2005 [EBook #15845]
Language: Tagalog
Character set encoding: ISO-8859-1
*** START OF THIS PROJECT GUTENBERG EBOOK FLORANTE AT LAURA ***

Produced by Tamiko I. Camacho, Jerome Espinosa Baladad and PG Distributed
Proofreaders. Special thanks to Matet Villanueva, Pilar Somoza and Ateneo Rizal
Library-Filipiniana Section.

[Transcriber's note: Tilde g in old Tagalog which is no longer used is marked as ~g.
Mistakes in the original published work has been retained in this edition.]
[Paalala ng nagsalin: May kilay ang mga salitang "ng, mga," at iba pa upang ipakita ang
dating estilo sa pag-sulat ng Tagalog na sa ngayon ay hindi na ginagamit. Hinayaang
manatili sa edisyong ito ang mga pagkakamali sa orihinal na pagkakalimbag.]
FLORANTE
at
LAURA
May Paunang Salita at mga Paliwanag
ni
CARLOS RONQUILLO
Maynila 1921

PAUNANG SALITA
Nang kalahatian ng 1906, na lumabas sa larangan ng Panitikang Tagalog ang mahalagang
aklat ng _"Kun sino ang kumatha ng Florante"_, ni G. Hermenegildo Cruz, ay sinasabing
may mga 106,000 nang salin ng "Florante at Laura" ang naipalilimbag ng iba't iba; at
sapul noon hangga ngayon ay marami na ring taón ang nagsipagdaan, at sa loob ng

panahong iyan--lalo na nga't kung aalagataing siyang panahon ng kaunlaran ng
Panitikang Tagalog at ng kasiglahan sa pagbabasá at ng pag-uumalab na lalo ng
pagmamahal sa ating walang kahambing na Makatang Francisco Baltazar--ay walang
alinlangang sa datihang bilang ng 106,000 ay di na rin kakaunti at di na iilang libo ang
naparagdag pa.
At sa harap ng kasiglahang iyan ay mapaghahalatang nagkaroon din ng ibayong sigla ang
nagsisipagpalimbag. Isa't isa ay gumagawa ng kanikanyang kaya, upang mapalitaw na
kalugodlugod ang "Florante at Laura". Ngunit sa likod ng kasiglahang iyan at
kapuripuring pagpupunyagi ay kasakitsakit sabihing wari'y naipagwawalang bahala kung
minsan ng ilan yaong tagubiling:
"Di co hinihinging pacamahalin mo tauana,t, dustain ang abang tula co gauin ang ibigui,t,
alpa,i, na sa iyo ay houag mo lamang baguhin ang verso".
Naipagwawalang bahala? Walang alinlangan. Pinatutunayan ng mga pangyayari. Nguni't
maaari namang paniwalaang hindi sa atas ng masamang hangad na "paalatin ang
matatamis na tula" kundi bagkus pa ngang sa magandang nais, na lalo pang mapatamis.
Lalong mapasarap. Lalong mapabuti. Lalong maitumpak. Gayon man, at maging gaano
man kabanalang ganyang nais, ay di rin maipagkakailang tunay na pagwawalang bahala
sa tagubilin at tunay na ipinagkakamit ng malubhang kasalanan ni Sigesmundong
dinadaliri ng dakilang Makata.
Kailangan ngang kung ano ang akda ng dakilang Makata ay siyang papanatilihing buhay
magpakailan man, walang munti mang pagbabago, sa maging labis man o kulang, kahi't
mali mang nakikita. Ni isang titik, ni isang kuwit--maliban na nga lamang kung hindi
maiwasan dahil sa makapangyarihang atas ng panibagong alituntunin sa pagsulat.
Sinasabing ni saan man ay wala na ngayong matatagpuang isa mang salin ng
"Floranteng" limbag noong buhay pa si Balagtas, at may paniwalang ang iniingatan ni Dr.
Pardo de Tavera ay siyang matanda sa lahat nang nakatago ngayon; nguni't sa
kagandahang palad ay sumakamay namin ang isang salin ng lumabas noong 1861,
linimbag sa papel Tsina ng "Imprenta de Ramirez y Giraudier", at sa kanyang takip na
papel katalan--takip na ilinagay lamang ng maingat na may-ari--ay nakatitik ito: "Es
propiedad de Don Jose Dioniso de Mendoza". Si Balagtas ay namatay noong ika 20 ng
Pebrero ng 1862, sa gulang na magpipitongpu't apat na taón. Kaya, maliwanag, na buhay
pa si Balagtas ng limbagin nina Ramirez ang "Floranteng" sumakamay namin, at matanda
pang di hamak sa iniingatan ni Dr. Tavera, sapagka't ang kanya ay limbag lamang noong
1870 ng "Imprenta de B. Gonzales Mora" sa Binundok. Siyam na taón nga ang katandaan
dito. At kung aalagataing buháy pa nga si Balagtas noong 1861 ay walang alinlangang
dahil sa pagpipitagan man lamang sa noon pa ma'y itinuturing nang "Hari ng mga
Manunula", ang sumakamay namin ay di pa "napanghihimasukan ng kamay ni
Sigesmundo",
Ang saling iyan ay wala na sa amin, pagka't hindi amin. Naipagparanya lamang sa
amin--dahil sa paglabas noong 1906 ng "kun sino ang kumatha ng Florante"--ng noo'y
nag-aaral pa sa "Escuela de Derecho" at ngayo'y abogado Alfonso Mendoza, masugid na
demokrata; at sa likod ng ilang buwang pag-iingat at pagsipi namin ay pinagpilitang
bawiin ng nagpahiram, dahil sa minamahal daw mabutí ng kanyang ama, palibhasa'y sa
mga nuno pa nila minana. Isinauli rin nga namin, sa likod ng kung makailang
pagwawalawalaan.
At kamakailang maitanong namin uli sa abogado Mendoza ay ganito ang isinagot:

--Aywan bagá kung saan na naroon. Tila
Continue reading on your phone by scaning this QR Code

 / 32
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.