Florante at Laura | Page 8

Francisco Balagtas
dúsang pusó ay itinac-uil na nang dálitang lálò at ang túnod niya,i, siyang itinimó.
Niyapús na mul? ang dibdib nang dúsa ?hirap ayang bat-hín nang sáquit sa sintá! dan~gan ina-aliu nang moro sa Persia natuluyang nánao ang tan~gang hinin~gá.
Iyong natatant? ang aquing paglin~gap, (anitong Persiano sa nababagabag) mula nang hirap mo,i, ibig cong matatap at nang cong may daa,i, malagyan nang lúnas.
Tugóng nang may dusa,i, "d? lamang ang mula niyaring dálita co ang isasalita, cundi sampong búhay sapól pagcabata, nang maganapán co ang hin~g? mo,t, nasà.
Nupóng nag-agapay sa punò nang cahoy ang may daláng habág at lipus lingatong sacá sinalitang, lúha,i, bumabalong boong naguing búhay hangang naparool.
"Sa isang Ducado nang Albaniang Ciudad, doon co naquita ang unang liuanag, yaring catauha,i, utang cong tinangap sa Duque Briseo ?ay amá cong liyag!
N~gayóng nariyang ca sa payápang bayan sa haráp n~g aquing ináng minamahal Princesa Florescang esposa mong hirang tangáp ang lúhà cong sa matá,i, hunucál.
?Baquit naguing tauo acó sa Albania bayan n~g amá co at di sa Crotona,[T] masayáng Ciudad na lúpa ni iná? disin ang búhay co,i, di lubháng nag dusa.
Ang Duqueng amá co,i, privadong tanungàn n~g Haring Linceo sa anomang bagay,[U] pan~galauáng púno n~g sangcaharían, hilaga-ang tungo n~g súyo n~g bayan.
Cong sa cabaita,i, ulirán n~g lahát at sa catapanga,i, pang-úlo sa Ciudad, ualáng casingdúnong mag mahal sa anác, umacay, magturo sa gagauing dapat.
Naririn~gig copa halos hangan n~gayón malayao na tauag n~g amá cong poon, niyaóng acó,i, bátang quinacandóng-candóng, taguríng Floranteng bulaclác cong bugtóng.
Itó ang n~galan co, mulang pagcabata, naguisnán sa amá,t, ináng nag anducà, pamagát na ambil sa lumuhà-luhà, at cayacap-yacap n~g màdlang dàlità.
Boong camusmusa,i, d? na sasalitín ualáng may halagáng nangyari sa quin, cundi nang sangól pa,i, cusang daraguitin ng isang Buitreng ibong sadyang saquim.[V]
Ang sabi ni iná acó,i, natutulog sa bahay sa quintang malapit sa bundóc pumasoc ang ibong pang-amóy, ay abót hangang tatlóng leguas sa patáy na hayop.
Sa sinigao-sigao n~g iná cong mutyà nasoc ang pinsán cong sa Epiro mulà n~gala,i, Monalipo may taglay na panà tinudlà ang ibo,i, namatáy na biglà.
Isang arao namang bagong lumalacad acó,i, naglalaró sa guitna n~g salas, may nasoc na Arco,t, bigláng sinambilat[W] Cupidong diamanteng sa dibdib co,i, hiyas.[X]
Nang tumuntóng acó sa siyam na taón, palaguing gaua co,i, mag aliu sa buról sacbát ang palaso,t, ang búsog ay cálong pumatay ng hayop, mamána ng ibon.
Sa touing umagang bagong naglalatag ang anác n~g arao, n~g masayang si?ag,[Y] naglilibang acó sa tabi n~g gubat mad-la ang ca-acbay na m~ga alagad.
Hangang sa tingalín n~g sangaigdigan ang mucha ni Febong hind? matitigan ay sinasagap co ang caligayahang handóg niyaóng hind? maramot na parang.
Aquing tinitipon ang iquinacalat ng masayáng ban~gó n~g m~ga bulaclác, ina-aglahi co ang larouang pulad mahinhíng amiha,t, ibong lumilipad.
Cong acó,i, mayroong matanao na háyop sa tinitin~galáng malapit na bundóc, bigláng ibibinit ang pana sa búsog, sa minsang tud-la co,i, pilit matutuhog.
Tanáng sámang lincód ay nag-aágauan unang macarampót nang aquing napatáy ang tiníc sa dauag ay d? dinaramdám, palibhasa,i, toua ang naca-aacay.
Súcat maligaya sino mang manoód sa sinuling-suling n~g sáma cong lingcód, at cong masundúan ang bangcay n~g háyop ingay n~g hiyauan sa loob n~g tumóc.
Ang larouáng búsog ay cong pag-sauaan, u-upo sa tabí n~g matuling bucál, at mananalamín sa linao n~g cristal, sasagap n~g lamig na ini-áalay.
Dito,i, mauiuili sa mahinhing tinig n~g nan~gag-sasayáng Nayadas sa bátis,[Z] taguintíng n~g Lírang catuno n~g auit[AA] mabisang pamaui sa lumbay n~g dibdib.
Sa tamis n~g tinig na cahalac-halác n~g nag-aauitang masasayáng Ninfas,[AB] na-aanyayahan sampóng lumilipád sari-saring ibong agauán n~g dilág.
Caya n~ga,t, sa san~ga n~g cahoy na ducláy sa mahál na bátis na iguinagalang[AC] ang bulág na gentil, ay nag lulucsuhan ibo,i, naquiquinig n~g pag-aauitan.
Anhín cong saysain ang tinamóng touá ng cabataan co,t, malauig na lubha pag-ibig ni amá,i, siyang naguing mulà lisanin co yaóng gúbat na payapa.
Pag ibig anaqui,t, aquing naquilala d? dapat palac-hín ang bata sa sayá at sa catoua-a,i, capag-namihasa cong lumaquí,i, ualáng hihintíng guinhaua.
Sa pagca,t, ang mundo,i, bayan n~g hinagpis namamaya,i, súcat tibayan ang dibdib, lumaquí sa toua,i, ualáng pagtiti-is ?anóng ilalaban sa dahás n~g sáquit?
Ang táuong mágaui sa ligaya,t, aliu mahinà ang púso,t, lubháng maramdamin, inaacala pa lamang ang hilahil, na daratná,i, dina matutuhang bat-hín.
Para n~g halamang lumaguí sa tubig, daho,i, malalantá munting d? madilig, iquinalolo-óy ang sandaling init, gayón din ang púsong sa toua,i, mani-ig.
Munting cahirapa,i, mamalac-híng dalá, dibdib palibhasa,i, di gauing magbatá, ay bago,i, sa mundo,i, ualang quisáp matá ang tauo,i, mayroong súcat ipagdusa.
Ang laquí sa layao caraniua,i, hubád sa bait at muni,t, sa hatol ay salát, masacláp na bún~ga ng malíng paglin~gap, habág n~g magulang sa irog na anác.
Sa taguríng bunsót, licóng pag mamahál ang isinasama n~g báta,i, nunucál ang iba,i, marahil sa capabayaan nang dapat magturong tamád na magulang.
Ang lahát nang itó,i, cay amáng talastás, caya n~ga ang lúha ni ina,i, hinamac, at ipinadalá acó sa Atenas,[AD] bulág na ísip co,i, n~g doon mamulat.
Pag-aral sa aquin qy ipinatungcól sa isang mabait, maestrong
Continue reading on your phone by scaning this QR Code

 / 31
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.