Florante at Laura | Page 9

Francisco Balagtas
marunong lahi ni Pitaco, n~gala,i, si Antenor,[AE] lumbay co,i, sabihin nang dumating doon.
May sangbouan halos na d? nacacain, lúhà sa matá co,i, d? mapiguil-piguil; n~guni,t, napayapà sa laguing pag-aliu n~g bunying maestrong may cupcup sa quin.
Sa dinatnán doong nad-láng nag-aaral caparis cong bata,t, cabaguntauhan, isa,i, si Adolfong aquing cababayan, anác niyaóng Condeng Silenong maran~gal.
Ang caniyang taó,i, labis n~g dalauá sa dalá cong edad na lalabing-isá, siyang pinopoón n~g boong escuela, marunong sa lahát na magcacasama.
Mahinhín ang asal na hind? magasó at cong lumacad pa,i, palaguing patungó, mabining man~gúsap at ualáng catalo lapastan~ganin ma,i, hindi nabubuyó.
Ano pa,t, sa bait ay siyang huaran[40] n~g nagcacatipong nagsisipag-aral, sa gaua at uica,i, d? mahuhulihan[41] n~g munting panirà sa magandang asal.
Ni ang catalasan n~g aming maestro at pagca-bihasa sa lacad n~g mundó, ay hind? nataróc ang lihim at tungo ng púsong malihim nitong si Adolfo.
Acóng pagcabata,i, ang quinamulatan cay amá,i, ang bait na d? páimbabáo, yaong namumunga n~g caligayahan, nanacay sa púsong suyui,t, igalang.
Sa pinagtatac-hán n~g bong escuela, bait ni Adolfong ipinaquiquita, d?co malasapán ang haing ligaya n~g magandang asal n~g amá co,t, iá.[42]
Púso co,i, ninilag na siya,i, guiliuin, ayauan cun baquit at naririmarim, si Adolfo nama,i, gayon din sa aquin, nararamdamán co cahit lubháng lihim.
Arao ay natacbó, at ang cabata-an sa pag-aaral co sa qui,i, nananao, bait co,i, luminis at ang carunungan ang bulág cong ísip ay cúsang dinamtán.
Nataróc ang lalim n~g filosfía, aquing natutuhan ang astrología, natantóng malinis ang catacá-tacá at mayamang dunong n~g matemática.
Sa loob n~g anim na taóng lumacad itóng tatlóng dunong ay aquing nayacap tanáng casama co,i, nagsi-pangilalás samp? n~g maestrong toua,i, dili hamac.
Ang pagcatutu co,i, anaqui himala,[43] samp? ni Adolfo,i, naiuan sa guitna, maingay na lamang taga pamalità, sa boong Atenas, ay gumálà-galá.
Caya n~ga at acó ang naguing hantun~gan tungo ng salita n~g tauo sa bayan, muláng báta,t, hangang catanda-tandaan, ay nacatalastás n~g aquing pan~galan.
Dito na nahubdán ang cababayan co n~g hirám na bait na binalat-cay?, cahinhinang ásal na paquitang tauo naquilalang hind? bucal cay Adolfo.
Matant? n~g lahát na caya nanamit niyaóng caba-itang di taglay sa dibdib, ay nang maragdag pa sa tálas nang isip itóng capuriháng mahinhi,t, mabait.
Ang lihim na itó,i, caya nahalatà, dumating ang arao nang pagca-catoua, caming nag aaral bagong tauo,t, batà sari-saring laro ang minunacala.
Minulán ang galí sa pagsasayauan[44] ayon sa música,t, auit na saliuan, laróng bunó,t, arnés na quinaquitaan nang cani-caniyang licsi,t, carunungan.
Saca ilinabás namin ang tragedia nang dalauang apó nang túnay na iná,[AF] at man~ga capatid nang nag-iuing amáng anác at esposo nang Reina Yocasta.
Papel ni Eteocles ang naguíng tungcól co, at si Polinice nama,i, cay Adolfo, isang ca-escuela,i, siyang nag Adrasto,[AG] at ang nag Yocasta,i, bunying si Minandro.
Ano,i, nang mumulán ang unang batalia, ay ang aming papel ang magca-cabaca, nang dapat sabihing aco,i, comilala,t, siya,i, capatid cong cay Edipong bún~ga.[AH]
Nang-lisic ang matá,t, ang ipinagsaysáy, ay hind? ang dichong na sa original cund? ang uica,i, "_icao na umagao nang capurihán co,i, dapat cang mamatáy_"
Hinandulóng acó, sabáy nitóng uicá, nang patalím niyang pamatáy na handá, dan~gan naca-iuas aco,i, nabulagtá sa tatlóng mari-ing binitiuang tagá.
Aco,i, napahiga sa inilag-ilag, sinabayáng bigla nang tagáng malacas, ?salamat sa iyó ó Minandrong liyag, cund? ang licsi mo búhay co,i, na-utás!
Nasalag ang dágoc na camatayan co, lumipád ang tangang cáliz ni Adolfo siyang pag-paguitna nang aming maestro, at naualáng-diuang casama,t, catoto.
Anopa,t, natapus yaóng catoua-án sa pan~gin~gilabot, at capighatian; si Adolfo,i, d?na naman nabúcasan, noón di,i, nahatid sa Albaniang bayan.
Naguing sangtaón pa acó sa Atenas hinintay ang loob nang amá cong liyag, ?sa abá co,t,! noo,i, tumangap nang sulat, na ang balang letra,i, iuang may camandág.
?Gunam-gunam na d? napagod humapis d? ca na-ianod nang lúhang mabilís, iyóng guinuguló ang bait co,t, ísip at dimo payagang payapà ang dibdib!
?Camandág cang lagac niyaong camatayan[45] sa sintang Iná co,i, di nagpacundangan, sinasariua mo ang súgat na laláng nang aquing tinagáp na palasóng liham!
Tutulun~gang quitá n~gayóng magpalala nang hapd? sa púsong di co ma-apulà, namatáy si Iná ay laquing dálita itó sa búhay co ang unang umiuà.
Patáy na dinampó sa aquing pagbasa niyóng letrang titic ng biguing na pluma ?diyata Amá co at nacasulat ca n~g pamatíd búhay sa anác na sintá!
May dalauang oras na d? nacamalay n~g pagca-tauo co,t, n~g quinalalag-yán, dan~gan sa calin~ga n~g casamang tanán ay d? mo na acó na casalitaan.
Nang mahimasmasa,i, narito ang sáquit, dalauá cong matá,i, naguing parang bátis, ang ?ay! ?ay! Ina,i,! cong caya mapatíd ay nacalimutan ang paghin~gáng guipít.
Sa panahóng yaó,i, ang boó cong damdám ay nanao sa aquin ang sangdaigdigan, ang-iisá acó sa guitna ng lumbay ang quinacabaca,i, sarili cong búhay.
Hinamac ng aquing pighatíng mabangís ang sa Maestro cong pang-aliu na voses, ni ang lúhang túlong ng samang may hapis, ay di naca-auás sa pasán cong sáquit.
Baras ng matouid ay linapastangan ng lubháng marahás na capighatian, at sa isang titig ng palalong lumbáy diua,i, lumilipád niyaring cati-isan.[46]
Anopa,t, sa bangís ng dusang bumugsò minamasaráp cong mutóc yaring
Continue reading on your phone by scaning this QR Code

 / 31
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.