Florante at Laura | Page 7

Francisco Balagtas
na ang n~gipi,t, cucong bagong hasa at pagsasabayán ang gapós n~g iua.
Tanang balahibo,i, pinapan~galisag, nanindig ang buntót na nacagugulat sa ban~gis n~g any? at n~ginasáb-n~gasáb, Furiang nag n~gan~galit ang siyang catulad.
Nag taás ang camáy, at nanga caama sa cato-ang gapá ang cucóng pangsira, nang daracmain na,i, siyang pagsagása niyaóng bagong Marteng lumitao sa lúpa.
Inusig n~g taga ang dalauang León, si Apolo mandin sa Serpiente Piton,[Q] ualang bigóng quilós na d? nababaón ang lubháng bayaning tabác na pamutol.
Cong ipamilantíc ang canang pamatáy, at sacá isalág ang pang-adyáng camáy, malilicsing León ay nanga lilinláng caya d? nalao,i, nan~ga-gumong bangcay.
Nang magtagumpay na ang guerrerong bantóg sa nan~ga-calabang maban~gis na hayop,[37] lúha,i, tumutulong quinalag ang gápus ng ca-aua-auang iniuan ang loob.
Halos nabibihay sa habág ang dibdib[38] dugó,i, ng matingnang nunucal sa guitguít, sa pagcalág niyang malicsí,i, nainíp sa siga-sigalót na madláng bilibid.
Caya ang guinaua,i, inagapayanan catauang malatáng parang bagong bangcáy at minsang pinatid n~g espadang tan~gan ualang auang lubid na lubháng matibay.
Umupo,t, quinalong na naghihimutoc, catauan sa dusa hinin~ga,i, natulog, hinaplus ang muc-ha,t, dibdib ay tinutóp, násà ng gueerro,i, pagsauláng loob.
Doon sa pagtitig sa pagcálun~gay-n~gay n~g caniyang cálong na calumbay-lumbay, nininilay niya, at pinagtatao-hán ang diquit n~g quias at quinasapitan.
Namamangha namán ang magandang quias casing-isa,t, ayon sa bayaning ticas, mauiuili disin ang iminamamalas, na matá, cundan~gan sa malaquíng habág.
Gulong-gulóng lubha ang caniyang loob, n~guni,t, napayapà n~g anyong cumilos itóng abáng candong ng calunos-lunos nagusing ang búhay na nacacátulog.
Sa pagcalun~gay-n~gay matá,i, idinilat, himutóc ang unang bati sa liuanag, sinundan n~g taghoy na cahabaghabág "nasaan ca Laura sa ganitong hirap?
Halina guiliu co,t, gapus co,i, calaguín, cong mamatáy acó,i, gunitain mo rin, pumiquít na muli,t, napatid ang daing, sa may candóng namang tacot na sagutin.
Ipina-n~gan~ganib, ay bacá mabigla magtuloy mapatid hiningang mahina hinintáy na lubós niyang mapayapá ang loob n~g candóng na lipus dálità.
Nang muling mamulat ay naguiclahanan "?sino? ?Sa aba co,t, na sa morong camay!" ibig na i-igtád ang lunóng catao-án, nang hind? mangyari,i, nag-ngalit na lamang.
Sagót n~g guerrero,i, houag na man~ganib sumapayapaca,t, mag aliu n~g dibdib n~gayo,i, ligtas cana sa lahát nang sáquit may cálong sa iyo ang nagtatangquilic.
Cung nasusuclám ca sa aquing candun~gan, lason sa púso mo nang hindi binyagan, nacucut-ya acóng dí ca saclolohan sa iyong nasapit na napacarauál.
Ipina-hahayág n~g pananamít mo tagá Albania ca at aco,i, Perciano icao ay caauay n~g baya,t, secta co,[R] sa lagay mo n~gayo,i, magcatoto tayo.
Moro aco,i, lubós na táong may dibdib, ay nasasacalo rin ng útos ng Lan~git, dini sa púso co,i, cusang natititic natural na leyng sa abá,i, mahapis.
Anong gagauín co,i, aquing napaquingán ang iyong pagtaghoy na calumbay-lumbay, gapús na naquita,t, pamu-mutiuanan ng dalauáng gánid, n~g bangís na tangan.
Nagbuntóng hini~gá itong abáng calong at sa umaaliu na moro,i, tumugón, "cund?mo quinalág sa punu n~g cahoy, nalibíng na acó sa tiyán n~g León.
Payapa na namán disin yaring dibdib; napag-quiquilalang ca-auay cang labis at d? binaya-ang nagca-patid-patid, ang aquing hinin~gáng camataya,t, saquit.[39]
Itóng iyóng aua,i, d? co hinahan~gád, pataín mo acó,i, siyang pitang habág, dimo tant? yaring binabatáng hirap na ang camatayan ang búhay cong hanap.
Dito napahiyao sa malaquing hapis ang morong may áua,t, lúha,i, tumaguistís, siyang itinugón sa uicang narin~gig at sa panglolomo,i, cusang napahilig.
Ano pa,t, capoua hindi macaquib? d? nanga-calaban sa damdam ng púsò parang ualáng malay, hangang sa magtágo,t, humilig si Febo sa hihigáng guint?.
May áuang guerrero ay sa maramdaman malam-lám na sinag sa gúbat ay nanao, tinuntón ang landás na pinagda-anan dinalá ang calong sa pinangalingan.
Doon sa naunang hinintúang daco nang masoc sa gúbat ang bayaning moro sa isang malapad, malinis na bató cúsang pinag-yaman ang lugaming pangcó.
Cumuha ng munting báong macacain, ang angdaralita,i, inamong tumiquím cahit uma-ayao ay nahicayat din nang sabing malambót na pauang pag-aliu.
Nalouag-louagán ang pang-hihin~gapus sapagca,t, na-auas sa pagcadayucdóc, hind? quinucusa,i, tantóng nacatulog, sa sinapupunan nang guerrerong bantóg.
Itó,i, d? umidlíp sa boong magdamág sa pag-aalaga,i, nagbatá n~g puyat ipinan~gan~ganib, ay bacá macagát nang ganid na madláng nag-gala sa gúbat.
Touing maguiguising sa magaang túlog itóng lipós hirap, ay naghihimutóc, pauang tumitiric na anaqui túnod sa dibdib nang morong may habág at lúnos.
Nang magmamadaling arao, ay nahimbíng munting napayapa sa dalang hilahil hangáng sa Aurorang itabóy ang dilim[S] ualáng binitiuang himutóc at daing.
Itó ang dahiláng ipinagcasundò limáng caramdamang parang hinahalò iquinatiuasáy nang may dúsang púsò lumacás na mul? ang catao-ang hapò.
Caya,t, nang isabog sa sangsinucuban ang doradong buhóc nang masayang arao nag-ban~gong hinaho,t, pinasalamatan sa Lan~git ang bagong lacás nang catao-an.
Sabihin ang toua nang guerrerong hayág, ang abáng quinalong ay bigláng niyacap, cong nang una,i, nucál ang lúha sa habág n~gayo,i, sa galac na ang ilinagaslás.
Capús ang dilà cong magsaysay nang laquí nang pasasalamat nitóng quinandili, cundan~gan ang dusa,i, sa naualáng casi ay napau? disin sa touang umalí.
Sapagca,t, ang dusang mula sa pag-ibig cung cahit mangyaring lumayó sa dibdib, quisáp matá lamang ay agád babalic at magdadagdág pa sa una nang ban~gís.
Caya hind? pa man halos dumadápò ang toua sa lámad nang may
Continue reading on your phone by scaning this QR Code

 / 31
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.